16 : Clues

7.1K 193 54
                                    

Hara's POV

Umupo ako sa isang swing dito sa playground malapit sa school. Bigla kasi akong nakaramdam ng hilo...

"Ayos ka lang?" tumingala ako para makita ang nagsalita.

"E-eron?" tanong ko. Inabutan niya ako ng bote ng tubig at lumuhod para tapatan ako.

Nakaramdam naman ako ng hiya ng titigan niya ako sa mukha. Hindi ako sanay na ganito kami kalapit...

"Namumutla ka. May sakit ka ba?" at bigla niyang dinampi ang ang palad niya sa noo ko.

"W-wala!" at agad akong umiwas ng tingin. Tumayo na siya at umupo sa katabi kong swing. Ininom ko naman ang binigay niyang tubig.

"Bakit ka nga pala umabsent?" tanong niya. Humarap ako sa kanya. Suot suot pa niya ang uniporme niya.

"Bakit ikaw? May klase pa ah" sabi ko.

"Cutting ako. Kakatamad mag-aral eh" cool na pagkakasabi niya habang malayo ang tingin.

"Buti hindi ka nahuli ng guard" sabi ko. Mahigpit na kasi ang security sa school simula ng marami ng natagpuang patay sa school namin.

"Syempre ako pa! Teka, bakit napunta sakin ang topic? Anong ginagawa mo dito?" tanong niya atsaka bigla siyang tumingin sakin.

"May kailangan lang kasi akong gawin" sabi ko atsaka tumingin ako sa ibang mga batang naglalaro.

"Ano naman?"

"Basta"

"Psh. Bahala ka. Pero Hara, ayos ka lang ba?" tanong niya. Napakunot ang noo ko at muli siyang tinignan.

"Bakit?" tanong ko.

"Mukha kasing ang dami mong problema. Tsaka sa school, baka binubully ka na naman nila" sabi niya. Ngumiti ako dahil dahil nagaalala pala siya sa akin.

"Ayos lang ako. Atsaka hindi narin naman na ako nabubully. Buti nga tinigilan na nila ako" sabi ko.

"Buti naman at madaling kausap sila Irene" sabi niya.

"Huh?" naguguluhan kong tanong. Bigla siyang ngumiti kaya nakita ko ang dimples niya. Kaya siguro ang daming babaeng may gusto sa kanya dahil narin sa napakaganda niyang ngiti.

"Pagpasensyahan mo nalang sila Irene. Alam naman nating sila ang may pakana kaya ikaw ang napagbintangan dating killer. Pero mababait naman yung mga yun, masakit lang talaga siguro sa kanila nung namatay si Alden" sabi niya. Lihim naman akong napangiti.

Ewan ko ba pero ang sarap pakinggan ng boses niya.

10270171127DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon