Hara's POV
"Tara na... magkakasakit ka niyan" sabi sakin ni Eron. Nandito kami nakaupo sa mga swing sa playground di kalayuan sa Cresent Academy. Ilang oras na rin kaming nandito at kasalukuyang umuulan ngayon. Kaya ang kaninang duguang uniform ko ay natanggal na dahil sa umaagos na tubig sa katawan ko.
"S-sorry.." patuloy lang ako sa pag-iyak. Sobrang sakit. Akala ko ayos na ang lahat dahil nahuli na ng mga pulis ang killer pero mali na naman ako...
"Wala ka namang ginagawang masama. Hindi mo naman kasalanan." tumayo siya sa swing na kinauupuan niya at humarap sakin saka iniluhod ang isang paa sa lupa upang matapatan ako.
"Kahit na... ang tanga tanga ko. H-hinayaan kong humantong sa ganito..." patuloy ako sa paghikbi. Ang sakit lang dahil pakiramdam ko, isa din ako sa mga dahilan kung bakit sila namatay. Lahat na lang... lahat sila hindi ko man lang naligtas.
"Tao ka din Hara. Hindi ka superhero para mapigilan ang mga nangyari." hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Halika na... ihahatid na kita sa inyo. Mahirap na at ang lakas pa ng ulan"
Tumango na lamang ako at sumunod sa kanya. Sumakay kami ng bus at inihatid na nga niya ako sa bahay. Bago pa ako makapasok sa loob ay muli akong humarap sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
"S-salamat. Salamat Eron... Salamat sa lahat. Wag kang magbabago ahh... wag kang mawawala sakin please" sabi ko sa kanya. Eto na naman ako.. nagiging makasarili.
"Oo di ako magbabago. Hindi ako mawawala sayo kahit na iba ang nagmamay-ari ng puso mo. Basta tandaan mo Hara, kahit anong mangyari ikaw parin ang unang babaeng mahal ko. Nandito lang ako lagi" napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ko aintindihan, may kung ano na lang akong naramdaman sa tiyan ko pero masaya sa pakiramdam iyon...
"Sige na pumasok ka na. Tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka" at humiwalay na siya sa yakap at nasilayan kong muli ang napakaganda niyang ngiti.
"Salamat Eron" ngumiti din ako sa kanya bago tuluyang pumasok sa bahay.
"Ay naku Hara! Basa ka ng ulan!" biglang nataranta si manang ng makita akong basang basa.
"Ayos lang po ako..." sagot ko.
"Baka magkasakit kang bata ka. Magpalit ka na agad ng damit mo at kumain ka muna." tumango na lamang ako sa sinabi ni manang. Paghakbang ko sa hagdanan ay muling nagsalita siyang magsalita.
"Nga pala, dumaan kaninang umaga si Sean dito. Nagkita ba kayo sa school?" biglang kumunot ang noo ko.
"Hindi po ehh... atsaka may masamang nangyari"
"May nangyari na naman? Haaay mukhang nagkasalisi kayo ni Sean. Tawagan mo nga at baka nag-aalala na naman sayo yun" tumango na lamang akong muli bago dumiretso sa kwarto ko.
Humiga muna ako saglit sa kama at pumikit kahit basa parin ang damit ko. Hindi naman ako nilalamig ehh... magpapahinga muna ako.
BINABASA MO ANG
10270171127D
Teen FictionLabing isang numero, isang letra. Kapag nasagot ko ang misteryong to... mamamatay ba ako? //credits to cutiegogo for the lovely cover ^O^