17 : Explode

6.8K 173 25
                                    

Hara's POV

Lumilipas ang araw... lalo akong kinakabahan. Exams day na namin at ngayong araw din papatay ulit ang killer. Hindi ko alam kung sino ang ililigtas...

Walang anak si sir Rowen kaya maaaring ang susunod na biktima na lamang... Ngunit pati iyon ay hindi ko mahanap.

Muli kong tinignan ang larawan.

Vincent Ayson...

Hindi tulad ng iba, madali ko lang mahanp sa internet ang background ng pamilya nila at kung sino ang anak nila ngunit kay Vincent Ayson, napakahirap.

Hindi ko mahanap kung may anak man lang ba siya o wala. Napakamisteryoso naman nila...

Tumingin ako sa oras, isinara ko na ang laptop ko at lumabas ng kwarto. Pagkadating ko sa sala, nanlaki ang mga mata ko ng makita si manang na umiiyak. Nagmadali akong lapitan siya at yakapin.

"Bakit po kayo umiiyak?"

"Hara, anak si d-detective Santos" sagot niya sa pagitan ng pag-iyak...

Hindi ko maintindihan pero napalingon na lamang ako sa tv kung saan nakaharap kanina si manang. At saka ko nalaman ang dahilan ng pag-iyak niya. Maski ako, bigla na lamang nagsituluan ang mga luha ko...

Ang sabi sa balita... si detective Santos ay natagpuang patay sa bahay niya. Pati ang asawa't anak nito, patay na rin... Pinaniniwalaang isang magnanakaw ang gumawa nito dahil sa mga nanakaw na gamit sa bahay pero hindi ako naniniwala dun. Alam kong ang killer ang may gawa nito..

Masama man ang pakiramdam ko ngayon, pumasok parin ako sa school. Sa totoo lang, halos wala na rin akong pakeelam sa pag-aaral ko... kahit na hindi ako makakuha ng mataas na marka sa exam, ayos lang. Kaya lang naman ako pumasok ay gusto kong makausap ulit si sir Rowen. Hindi porket wala siyang anak, dapat na akong magsawalang bahala. Iba ang pakiramdam ko ngayon...

Nararamdaman kong may masamang mangyayari...

Dahil maaga pa, tumambay muna ako sa likod ng school at tulad sa inaasahan ko... nandoon din siya.

Umupo ako sa tabi niya. Tinignan niya ako at nginitian ko naman siya.

"Paano mo parin nagagawang ngumiti?" tanong sakin ni Elisha.

"Dahil gusto kong maging masaya" sagot ko. Narinig ko ang mahinang tawa niya.

"Napakamakasarili mo talaga" sabi niya. Napapikit na lamang ako at sa pagpikit ko, bumabalik lahat ng mga alaalang nangyari sa lugar na ito.

"Hindi mo ba siya namimiss?" tanong niya.

"Sino?" tanong ko kahit pakiramdam ko ay kilala ko na kung sino ang tinutukoy niya.

10270171127DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon