Aloe's P.O.V.
"Uso pa ba iyan?" nagtatakang tanong ko sa kaibigan kong si Yuna.
Pinapa-sign niya kasi ako sa slum note niya. Pang-remembrance lang naman daw. Eh? Uso pa nga ba ang slum-slum note na yan?
=__=" Bakit ganyan expression niya? "Alam mo, Aloe Ramirez, sabihin mo nang deretsahan sakin na ayaw mo para hindi na ako magmukhang tanga rito na magppleas---"
Ngumiti ako. "O siya, siya! Amina! Magdadrama ka na naman na walang katuturan diyan," pang bubwisit ko na naging dahilan para magsimangot siya.
"Ansama mong babae ka!" pabiro niyang sigaw pero ibinigay niya ang notebook na hawak niya.
"Geh! Tsupi ka na, magko-concentrate pa ako sa pagsagot ko rito." pagtataboy ko.
"Wow! Ikaw pa ngayon ang nagtataboy sakin ha?" reklamo naman niya pero lumayo na siya ng distansya sakin. "Hoy, Aloe! 'Wag mong didibdibin ang pagsagot ha?"
Nginitian ko na lang siya at ilang sandali inilipat ko ang tingin sa notebook na hawak ko. Ang ganda ng pagkaka-design, infairness. Binuklat ko yung cover page at bumungad sakin ang letters na Slum Note with in good letterings, may kaunti ring design, ta's sa baba ng word na yun may nakasulat na 'Warning: No KJ, No Plastic, Don't Answer 'None', Be honest, Avoid Erasures. Kapag lumabag ka sa rules na iyan, multa 500 pesos' Napahagikgik na lang ako. Siyempre, inumpisahan ko na ang pagsusulat. Ano pa nga ba ang laman ng slum note? Edi About your personalities, favorites, secret, love, and etc.
If you had a 24 hours to live in this Earth, how do you spend those 24 hours?
????? Ano raw? Inulit ko iyong tanong. Ah! Alam ko na. How do I spend those hours? Well, I want to know who he is. I want to know who is the guy who has a cold voice...
Napahinto ako sa pagsusulat at napatitig na lang ako sa isinulat ko. Oo. Tama. Gusto kong malaman kung sino siya. Kung anong pangalan niya. Gusto kong kantahan niya ako kahit na sa huling sandali lang. Gustong-gusto ko na kasing marinig muli ang kanyang boses, dahil lumipas ang mga araw na huling narinig ko ang boses niya, hindi na iyon nasunod pa. Iyon na yata ang una at huling pagkakataon na narinig ko ang kanyang boses.
Minsan, kahit na mag-isa ako, tila naririnig ko ang napakalamig niyang boses pero alam ko na nagha-hallucinate lamang ako. Siguro, dala lamang ng pagka-asam na muling marinig ang kanyang tinig. Madalas, sa pagising ko ng umaga parang naririnig ko ang kanyang boses. Kahit na alam kong hallucinate lamang iyon hindi ko maiwasang mapangiti. Ang corny na yata 'no? Pero hindi ko mapigilan ang aking sarili eh.
Nagpatuloy ako sa pagsusulat.
Ako nga pala si Alona Era Ramirez, Aloe for short. 3rd year highschool at ito na lang ang last month ko as a 3rd year student. Summer vacation na niyan kasi. 16 years old. At may bestfriend ako na nag-ngangalangang Yuna Valdez. Apat kaming magkakapatid (sana) at ako ang bunso. Hindi kami mayaman at hindi rin kami mahirap, kumbaga nasa middle class lang ang estado ng aming buhay. Masaya naman ang pamilya ko noon dahil nang nasa grade 3 ako, namatay ang Mama ko dahil sa sakit na leukemia. Sumunod naman ang pangatlo naming kapatid na lalaki na si Kuya Allen, sumunod siya kay Mama. Namatay din siya 9 months after nang pagkamatay ni Mama — dahilan ng pagkamatay ni Kuya ay hit and run—. One year ang lumipas bago kami —Papa, Kuya Aldrin, Kuya Ares, at Ako— makarecover sa nangyari. After that nightmare, kahit papano nakakamove on na ako bago ako mag grade 4/5, pero when I was in 1st year HS, iniwan kaming tatlo ni Papa sa kapatid niyang matandang dalaga. Hindi namin alam kung bakit ginawa ni Papa iyon. Siguro, sawa na siyang alagaan at bantayan kami kaya nilayasan niya na lang kami na walang dahilan. Pero ayos na yun, ayos na kasi ang buhay naming tatlo sa poder ni Tita. Hindi kami minamaltrato ng masama ni Tita bagkus itinuturing niya kaming tunay na anak. Hindi na naging mahirap samin ang pagiwan ni Papa, unti-unti na naming natanggap na wala na siyang pakealam samin. Ngayon, si Kuya Aldrin nakapag-graduate na siya sa college, sa tulong na rin ni Tita at pag-p-part time job niya. Kaya ngayon, kahit papano may desente na siyang nahanap na trabaho para saming dalawa ni Kuya Ares —na college student— at para na rin kay Tita. Si Papa naman, may bago na itong pamilya, ayon kay Tita. Hindi na siya nagpakita samin. 'Ni anino nga niya hindi ko na maaninagan, presensya pa kaya niya bilang ama?
Nuong una nakaramdam ako ng galit sa kanya nang malaman kong iiwanan niya kami sa Tita namin, pero kahit magalit ako wala rin naman iyon mapapala, Papa ko pa rin siya at kahit papano may natitira pa akong respeto para sa kanya. Kaya kung magpakita man siya samin —lalo na saakin— hindi ko siya kokomprotahin kung bakit niya kami iniwan bagkus tatanungin ko lamang siya kung bakit niya kami iniwan at pagkatapos niyon hahayaan ko na lamang siya sa bago nitong pamilya. Hindi naman sa ipinagtutulakan ko siya, pero naka-ka-trauma na ang paulit-ulit na iiwan ka. Mas okay na yung ganun. Yung huwag mo ng komprotahin, yung bang hahayaan mo na lang siya sa iba, alam kong hindi tama pero iyon yung gusto kong gawin sakaling makita ko siya.
Ayos na ang buhay naming tatlo sa poder ni Tita at least 3 years. Okay na yun, ayos na yung maramdaman namin kay Tita ang pagmamahal ng isang ina at tatay sa mga palad niya...
—K—K—K—K—
Kamusta naman ang chapter one? Ayos lang ba siya? I think, hindi. Pero sana nagustuhan mo... Okay lang kung hindi, pero Mas Okay kung oo. Bwahahaha!!! Next chapter will be publish/ed on ????????? [walang exact date! Sarreh!!!]AteBabes...
BINABASA MO ANG
Song of my Heart
Short StorySong of my Heart... Posible kayang siya ang inaawit ng kanyang puso? All Rights Reserved