Chapter Ten: Kuya (11-20-15)

2 0 0
                                    

Color's P.O.V.

Bigla niya akong niyakap sa hindi ko inaasahan. She's so sweet, warm and... nice.

Sa maikling panahon na nakilala ko si Aloe. Inamin kong gusto ko pang magtagal sa mundong ito. Hindi ko alam pero ewan. Ang weird ng feeling ko. Kapag tinatarayan niya ako, natutuwa pa ako. Lalo na nung tinulungan niya ako nung nasa hallway ako at mabangga namin ang isat isa. Then nang marinig ko ang kanyang boses sa music room, tila ako nakarinig ng boses ng anghel sa ganda at napakalamyos niyang tinig. Kaso The Only Exception ang kinakanta niya at napakabigat ng bawat letra na binibigkas ng bibig niya.

Ngayon, yakap-yakap niya ako. Hindi ko alam kung bakit naramdaman kong bumilis ang tibok ng aking puso. Bigla na lang kumilos ang kamay ko at ipinulupot iyon sa bewang niya upang makaganti ako ng yakap. Kahit papano nakaramdam ako ng hug relief mula sa kanya. Kahit na umiiyak ako, hindi ko maiwasang matuwa dahil sa kanya.

Ilang minuto na ganyan ang posisyon namin. Hanggang sa bigla siyang kumalas ng yakap at umupo ng naka-squat siya. Tumingin ako sa kanya.

"Kuya Color, let's be friends." nakangiting turan niya.

Ang ganda niya kapag siya'y nakangiti. Kaya napatulala ako at hindi pa nakahuma sa sinabi niya.

"Here," sabay lahad ng palad niya at nang tingnan ko iyon. Isang lolipop. "Pareho tayo ng naging sitwasyon pero ang Papa ko naman ay may saliri ng pamilya. Iniwan niya kami kay Tita sa side niya. Bilib ako sayo, Kuya Color. Kasi, nakukuha mo pang ngumiti sa kabila ng lahat. Ako, halos ikulong ko ang sarili ko at wag ng makisalamuha sa iba. Pero, sabi ni Kuya Ares, wag ganun dahil marami pang magmamahal at nagmamahal sakin."

Kinuha niya ang kamay ko at marahang inilagay saking palad ang lolipop na hawak niya. "Don't dwell the past, Kuya Color." she said while wiping my cheeks.

"Halika na? Pupuntahan ko pa si Yuna eh. Nagwawala dahil broken hearted. Binilhan ko ng ice cream because this her comfort food." sabi niya sabay tayo.

Napatingin ako sa lolipop na ibinigay niya. And suddenly, I smiled. Then nalipat din ang tingin ko sa kanya pero palad niyang nakalahad ang bumungad sakin.

"Lets go?"

Kaya ginawa ko, tinanggap ko iyon at tumayo na.

Napakalambot ng kanyang palad. I think, I don't want to lose her. I don't want to let her go.

Aloe's P.O.V.

"Oi, Aloe. Yung ice cream. Bakit nalusaw?" naka-pout na turan ni Yuna nang makarating ako sa kanila.

*pout* Eh hindi ko naman alam na malulusaw pala ang ice cream na yan, samantalang ilang minuto lang nakalipas when I'm with Kuya Color.

"Saan ka ba pumunta? Bakit ang tagal mo?" usisa pa niya.

"Tsk!" nagkamot ako ng ulo. "Saan ako pumunta? Edi sa convenience store."

"Napaka-pilosopo mo naman." make face niya. Saka na inasikaso ang ice cream na tunaw.

Naalala ko na naman si Kuya Color, death anniversary pala ng mga magulang niya ngayon samantalang si Yuna broken hearted at tila hindi naaalala kung anong araw ngayon. Kahit pala nakikita mong ganun lang si Kuya Color, may pinagdadaanan din pala. Namatay ang pamilya niya, samantalang ako may Papa pa nabuhay pero kung hindi magpakita kala mo patay na. Oo, rude na kung rude. Hindi naman na ako galit kay Papa pero ramdam ko pa rin na naiirita ako sa ginawa niyang pagiwan samin nila Kuya Ares at Kuya Aldrin kay Tita. Sabi ko nga, sanang siya na lang ang namatay hindi na lang sana si Mama at Kuya Allen. Namatay lang si Mama at Kuya Allen, inayawan na niya kami. Sumuko agad siya samin. Anong klase ba siyang ama?

Song of my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon