Aloe's P.O.V.
"Hay! Nakakabored naman." wika ni Yuna habang nakaupo kami sa bermuda grass nila sa bakuran nila. Kasama namin ngayon si Kuya Color na naka-face palm habang nakatingin sa baso na may lamang orange juice. Si Yuna naman, naka-indian sit habang sinasabunutan ang bermuda grass. Ako? Pinaglalaruan ang guitar na dala ni Kuya Color. Hindi naman kasi ako sanay sa pagtugtog nito hindi ba?
"Aloe, anong magandang gawin? Nakakabored!!" tanong sakin ni Yuna.
Hindi ko siya tiningnan, instead in-strum ko ang guitar on my own thought. "Para hindi ka ma-bored, eto gawin mo." wika ko. "Humarap ka sa salamin at makipag-bato-bato-pik ka, kung manalo ka, may 500 hundred ka sakin. O kaya, bumili ka ng 3 in 1 coffee sa tindahan, paghiwa-hiwalayin mo ang kape, gatas at asukal at meron kang 300 hundred sakin. Or magtumbling ka mula rito hanggang sa kabilang village--- Aray!"
Sukat ba naman na batukan ako.
"Eh kung sayo ko ipagawa yang sinasabi mo? Then kapag hindi mo nagawang manalo sa pakikipag-batopik sa salamin, may 500 hundred kang batok sakin?! Kapag hindi mo napaghiwalay ang 3 in 1 coffee may 300 hundred kang sapok sakin?!" singhal sakin ni Yuna kaya tinawanan na lang namin siya ni Kuya Color. "O? Anong itinatawa tawa niyo? Mga baliw! Pssh!"
"Ang ganda ko namang baliw." turan ko.
"Ang gwapo ko naman para maging baliw. Hahaha!" turan ni Kuya Color kaya nag-high-five kami.
"Aba! *taas kilay while naka crossed arm* Pinagtutulungan niyo ba ako?!"
"Hindi..." sabi ni Kuya Color na nakangisi. "Pinagtutulungan lang." then sabay kaming humagalpak ng tawa.
Si Yuna. =_______=! ganyan ang expression.
"Blue! Blue!" maya't maya tawag ni Yuna sa bunso niyang kapatid.
Ilang sandali dumating si Blue na nakablue shirt. "Ano yun, Ate?"
"Halika dito. Maglaro tayo."
"Ano naman?" curious na tanong naming tatlo nina Kuya Color, at Blue.
"Bwahahaha!" evil laughed. "Maglalaro tayo ng patintero!"
"Patintero???" nagkatinginan kaming tatlo.
"Eh? Ate, kulang tayo."
"Hindi. Hindi tayo kulang. Sakto tayo."
"Mas masaya kaya ang marami." nakapout na sabi ni Blue. "Ayoko. Ayokong magpatintero kahit gusto ko. Kulang tayo eh."
"Aba at choosy ka pa ha? Ikaw na lang inaaya, ayaw mo pa?! O, sige! Maghanap ka ng dalawa pa?!"
"Ate! Ang sama mo 'no?!" balik naman ni Blue kay Yuna.
"Kuya Color, pahiram ng cellphone?" sabi ko kay Kuya Color habang patuloy pa rin sa pakikipagbangayan sina Blue at Yuna.
"Sige," sabay bigay sa CP niya. Ni-dial ko ang cell # ni Kuya Ares...
"Hello?"
"Hello?! Nasaan ang kapatid ko?! Ibalik mo ng buhay si Aloe! Magbabayad kami ng malaking halaga, ibalik mo lang kapatid ko!"
I frowned. Anong pinagsasabi ni Kuya? Malamang, si Kuya Aldrin 'to, maka-react ang OA eh.
"Kuya Aldrin, ang OA mo." sabi ko habang nakasimangot. "Hindi ako nakidnap. Nakila Yuna lang ako."
"O eh, kanino CP ang gamit mo? Saka, bakit mong alam na ako si Aldrin?"
"Humiram ako sa kaibigan ko. Saka alam kong ikaw yan dahil ang OA ng reaction mo."
BINABASA MO ANG
Song of my Heart
القصة القصيرةSong of my Heart... Posible kayang siya ang inaawit ng kanyang puso? All Rights Reserved