Chapter Four: Yuna's Cousin. (11-07-15)

5 0 0
                                    

Aloe's P.O.V.

"Yuna! Si Aloe, labasin mo na!" sigaw ng Mama ni Yuna.

Na sa kanila na ako at nasa salas na ako ng bahay nila habang nakaupo sa sofa na naroon. Saka kung maka-sigaw naman ang Mama niya 'kala mo magkapatid lang sila.

Tatlo lang na magkakapatid sila Yuna. Lagi na kasi ako rito sa bahay nila, kapag nag-aaya siya. Mabait naman sakin yung Mama at Papa niya kahit na palaging nakasigaw ang Mama niya, pero I found them cute. Para lang kasi silang magkakapatid kung magbangayan.

Yung panganay sa kanila ay nasa college pa lang, Jansen 'ata ang pangalan. Madalas ko lang kasi na makita yun dito sa bahay nila. Ta's second nga ay si Yuna. At ang bunso ay nasa second year HS, same school lang ang pinapasukan ng magkapatid. Ahm? Lalaki yung bunso at Blue ang name. Ang cute nga eh. Blue. Bagay nga yung name ng bunso kasi mahilig sa color and hilig ang pag-do-drawing, saka bibo at masayahin. Si Yuna lang yata ang naiiba, namana yata yung maala machine gun na bibig ng Mama niya. Ahihihi!

"Oi!" bumulaga sa harapan ko ang naka-pony tail na buhok na si Yuna.

"Ui!" tango ko na nakangiti.

Eksarehadong sumimangot siya. "Halika na sa room ko, para agad matapos at nang makauwi ka na."

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo. "Ayaw mo na ako rito 'no?" biro ko.

"Hindi naman sa ganun, may bwisita kasi mamaya si Blue, saka tumawag si Kuya Ares mo," sa pagbanggit niya sa name ng kuya ko, nagningning mga mata niya. "Sabi niya iuwi agad daw kita, delikado pa naman daw."

Umiling naman ako habang tinutungo na namin yung kwarto niya. "Hibang na hibang ka talaga sa Kuya Ares ko 'no? Tsk! Hindi ka naman papatusin nun eh! Ang layo kaya ng agwat ng edad niyo."

"Kaibigan ba talaga kita?" sabay bukas sa pinto ng kwarto. "Imbis na i-encourage mo 'ko sa kanya, lalo mo pa 'kong dini-discourage."

"'Wag ka na ngang mag-inarte diyan! Sinasabi ko lang sa'yo ang totoo, ayoko lang na masaktan at umasa ka sa Kuya ko."

Si Yuna kasi, nung una ko siyang dinala sa bahay namin —kay Tita bahay— Ewan ko pero nasa second year highschool kami nun. Una kasi niyang napansin ay si Kuya Aldrin na nakaupo sa sofa sa salas, ta's yung lukaret kong kaibigan binulungan pa niya nga ako na 'Ang gwapo naman ng Kuya mo. Ano pangalan?' Ta's sinabi ko naman ang pangalan. Then, nang nasa kusina na kami ni Yuna, biglang pumasok si Kuya Ares upang kumuha ng inumin. Tapos nun, si Yuna napatulala habang umiinom ng juice...

"Bakit? Ano bang nangyari sa Kuya Ares mo na Ares ko?"

"Anong Ares mo?" balik ko sa kanya habang sumalampak na kami ng upo sa sahig then sumandal kami sa gilid ng bed niya.

"Oi, Aloe! Huwag mo 'kong maliitin ha? Kayang kong paibigin ang Kuya mo sa loob ng apat na buwan!"

"Apat na buwan?" patanong na ulit ko sa huli niyang sinabi. "Desperate." naiiling na bulong ko.

"Oo na! Wala naman akong nagawa nuong umibig ang bata kong puso sa kanya?"

"Ilang taon ka nga ba nuong nakita mo siya?" tanong ko.

"Ahm? Alam ko, second year HS tayo nun,"

"Alam ko. Tinatanong ko kung anong edad ka, hindi naman kung anong year ka." pambabara ko sa kanya.

Tumingin siya sakin at nagmake face. "15 years old yata ako nun."

"See? 15! Ang bata bata mo pa para sa love thingy na yan! Baka malay mo, puppy love lang pala yan."

"Puppy love? Hindi! True love na 'to, jho!"

Umirap na lang ako na naiiling. "Bahala ka. Pinagsabihan na kitang babaita ka."

"Ilang taon na ba ang kuya mo nung panahon na napansin ko siya?"

"Nasa 20."

"Boom! Age doesn't matter!"

"Ewan ko sa'yo." nasabi ko na lang. "Saan na pala yung mga project materials natin?"

"Ay! Oo nga pala!"

Masyadong nalulong sa paguusap namin kay Kuya Ares ah? Walahiya kasing Yuna yan, bakit pa kasi niya nagustuhan si Kuya Ares, eh, ayaw na nun sa word na love.

"Isang photo-scrap ang last requirement natin."

Napakunot noo ako. "Photo-scrap? Ano yun?"

"Yan! Halatang hindi ka nakinig." sinimangutan ko siya. "Anyway, Ang photo-scrap na sinabi ko, gagawa tayo ng scrap book but sa sketch pad tayo magdidikit ng mga pictures. And yung mga pictures na yun ay mga stolen shots or not. Kung gusto mong hindi, o edi hindi. Basta magdidikit lang tayo ng mga pictures at gagawan natin ng kwento. Gets mo?"

Nagnod naman ako. "Okay."

"Hay! Maglalagay ako ng pictures ng Infinite!" -Yuna

"Ako naman FTIsland! Bwahaha!" -Ako.

Ayun. Nagdikit na kami ng mga printed pictures sa sketch pad. Andami rin nung nasa page ko at pati na rin yung kay Yuna. Yung akin naman, may mga stolen shots ng mga friends ko, kay Yuna at ilan ay yung magkasama kaming dalawa. Then may mga ilan akong nilagay na pictures ng favorite Korean band ko na FTI, ilan din yung mga kinababaliwan kong mga anime's. Ta's yung magkakasama kami nila Kuya Aldrin, Kuya Ares at ni Tita. Ilan lang ang inilagay ko with Mama and Papa. Ayoko kasi masyadong nauungkat yun. Medyo fresh pa yung sugat kasi.

"Yuna! Aloe! Magmiryenda muna kayo." si Tita Ai. Mama ni Yuna.

"Yes, 'Ma!" sigaw ni Yuna. Walang galang na bata. "Halika na, Aloe. Miryenda muna tayo."

"Eh? Hindi pa ba tapos 'to?" tanong ko sabay tingin dun sa sketch book.

Umiling siya. "Hindi pa eh. Bibigyan muna natin ito ng design sa front page. Ang pangit naman if walang kabuhay-buhay."

"Tsk,"

"Bakit? Uuwi ka na?"

"Sabi mo, hindi pa tapos. Paano naman ako makakauwi nun?"

"Maglakad ka."

"Pilosopo,"

"Whatever!"

"Tena, dalian niyong dalawa."

"Andyan na po, Tita!" sabi ko.

Sumunod na sakin si Yuna. Nang ipinaghanda na kami ni Tita Ai ng meryenda ay nagumpisa ng magkwento si Yuna na napunta sa hagikgikan at paghagalpak ng aking tawa dahil sa mga kalokohang pinagkukwento niya. Nang magkukwento na ulit siya.....

"Yuna! Yuna! Yuna!" napatayo kami ni Yuna nang di oras dahil sa pagsigaw ni Tita. "Yung pinsan mong si  Color andito! Dali!"

"Ha?! Andyan si Kuya Color?" parang naexcite naman 'tong si Yuna.

"Oo nga! Isama mo na rin si Aloe para makilala niya si Color!"

Color? Anong klaseng pangalan yun? Color? Siguro pinaglihi yun sa krayola, o kaya mukha siyang rainbow na tinubuan ng kamay at paa 'no?

Badside: Sus! Bakit? Akala mo siya lang may kakaibang pangalan? Ha! Nickname mo palang pamatay na eh! Aloe?

Eh kung pektusan ko kaya ang badside na yan? Nakakatawa ba ha . Nakakatawa?

Lumabas na kami ng dining room at pumunta sa salas ng bahay nila. Napa-gasp ako nang makita kung sino ang pinsan ni Yuna.

"Mamang Eyeglasses po?"


—K—K—K—K—
Uwaaaaa!!!! Concert tour ngayon ng Infinite! Shocks! Si Myungsoo!!!
Sana nagustuhan niyo.

Thanks for reading!

-AteBabes.

Song of my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon