Chapter Two: Exception (11-03-15)

6 0 0
                                    

Aloe's P.O.V.

"Oooiii!!! Alona Era! 'Yung last requirement natin sa MAPEH ha?! Punta ka samin ng Sabado at 3 pm. Kapag hindi ka pumunta, bahala ka na sa grade mo!" sigaw sakin ni Yuna. Parang anlayo lang naman ng distansya namin kung makasigaw siya. Nasa kabilang bundok, ganon?

Kesa sa makipagsigawan ako sa kanya, nag-thumbs up na lang ako.

Oo nga pala, may last requirement pa pala kami sa MAPEH. Ipa-pass pa naman yun sa Monday, ta's bakasyon na... Hmm. Magbabakasyon na lang may hinahabol pang rekwa-requirements na yan. Psh! Bahala na!

Tutal naman, wala ng maayos na klase —tapos na rin lang ang 4th monthly and periodical test— kaya tumayo ako at lumabas ng classroom. Pupunta na lang muna ako sa Music Room. Psh! Iniisip mo ba na malawak ang school na pinapasukan ko? Well, malawak naman pero hindi naman ganun na kalawak. Ang gulo ba? Anyway, may Music Room, Library, Grass Lawn with Garden, Quadrangle, and Gymnasium lang naman ang meron, well sama mo na ang mga classroom ng bawat year levels. Hihi.

Iilan na lang ang mga students sa hallway, marahil siguro yung iba mga absent or nasa mga kani-kanilang classroom. Paliko na ako ng daan nang may mabangga ako...

"Sorry po." paumanhin ko bigla ta's tinulungan ko ang nakabangga ko sa pagpulot ng mga papers na nagkalat sa sahig.

"Naku, Miss! Ako na lang dito. Mukha ka pa namang nagmamadali." sabi nito habang patuloy sa pagpulot ng mga papel.

"Okay lang po. Sa music room lang naman ang punta ko."

Kukunin ko na yung last paper nang magtagpo ang mga kamay namin sa iisang papel. Nakaramdam ako ng pagkailang kaya medyo bahagya kong hinila ang kamay ko at hinayaang siya na lamang ang kumuha. Mula sa pagkaka-yuko, tumayo na ako ng maayos. Pagka-angat ko ng tingin, lalaki ang bumungad saakin. Naka eye glasses ito na hindi masyadong makapal ang frame, kumbaga pang reading glasses lang pero pansin ko na may grado ito.

"Pasensya na po ulit," sabi ko.

Ngumiti siya. "Ayos lang yun. Salamat nga pala sa pag-tulong. Naabala pa yata kita sa pagmamadali mo."

Hindi rin siya makulit, ano? Sinabi nang okay lang po, at sa music room lang naman ang punta ko. Psh! "Okay lang po yun. Sige po, mauna na ako." Plastic ko lang eh 'no?

Lalo siyang ngumiti pero nagpaalam na rin.

Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang mailing pero nakangiti. Weirdo rin yung nakabanggaan ko ha?

Marahan kong binuksan ang pinto ng music room at pumasok sa kwarto. Marahan ko lamang na iniwang nakabukas ang pinto mahirap na, baka mapagsaraduhan pa ako.

Bass guitar, Guitar, Piano, Violin, Drums, Lyre, Xylophone and etcetera ang mga music instruments ang meron dito sa music room. Okay naman, dahil talagang ma-e-enjoy mo ang pagtugtog ng ibang instruments dito, yun nga lang kung marunong ka.

Hindi ko masyadong sanay sa pagtugtog ng guitar kaya violin or piano lang ang napagdidiskitahan ko rito sa music room. Weird ba? Violin and Piano? Ang layo naman yata 'diba? Pake mo ba? Joke.

Lumapit ako sa piano, umupo sa upuan na naroon at inumpisahang pindutin ang bawat key. Sa una hindi ko sinasabayan ng kanta ngunit hindi naglaon nilapatan ko na yun ng lirika...

'When I was younger,
I saw my daddy crying
And curse at the wind.'

Napapikit ako ng mata. Dinadama ko ang bawat salita ng kanta. Habang nakapikit ako, bumungad saking balintanaw ang mukha ni Papa.

'He broke his own heart
And watched as he tried to reassemble it.
And that was the day that I promised
I'd never sing a love if it does not exist.'

Mukha ni Papa ang nakikita ko saking balintanaw. Kasama naroon sina Mama at Kuya Allen, pati na rin sina Kuya Aldrin at Kuya Ares. Masaya kami. May love pang nag-e-exist sa pamilya namin, makulay, masaya, pero nakikita kong unti-unting naging black and white ang kulay ng mundo na nakagisnan ko. Nawala si Mama, sumama si Kuya Allen kay Mama. Nawala silang dalawa sa larawan. Hanggang sa nagkaroon ulit ng kaunting liwanag pero hindi rin nagtagal, nabalutan ulit iyon ng dilim. Kasabay niyon ang paglisan ni Papa sa larawan.

'But you are the only exception.
You are the exception.'

Mula sa lyrics na iyan, naglaho sa balintanaw ko ang pamilya ko at napalitan ng likod ng lalaki. Yung lalaking nags-strum ng gitara at ang boses nitong napakalamyos... Yung lalaking may bitbit na guitar case.

Hindi ako tumigil sa pagtugtog sa piano habang humina naman ang boses ko sa pagkanta. Hanggang ngayon pa rin nahihiwagaan ako sa lalaking iyon. Apat na buwan na ang lumipas nang huli kong marinig ang kanyang tinig. Sino kaya siya? Sana may pagkakataon na makilala ko siya...

Linakasan kong muli ang boses ko sa pagulit sa chorus.

'You are the exception'

Nang matapos ang kanta, tinapos ko na rin ang pagtugtog ng piano pero hindi ko pa tinatanggal ang mga daliri ko sa board. Napatitig na lang ako, pero hindi naglaon napatingin ako sa gawing pinto. May lalaking nakasandal sa pinto ng music room habang pumapalakpak ito. Napakunot noo naman ako. Anong pinapalakpakan nito? Hindi ko lang maaninagan ang mukha dahil medyo madilim sa gawing pinto.

"Ang ganda naman ng boses mo." sabi nito. Pamilyar ang boses nito.

"......"

Humagikgik naman ito at biglang umalis sa pagkakasandal sa pinto at bahagyang humakbang palapit sa may liwanag. Teka? Siya si... Aish! Yung nakabanggaan ko kanina! Si Mamang EyeGlasses!

"Ahm? Ba-Bakit po?" naitanong ko,

Ngumiti ito ng malawak. "Wala lang. Ikaw lang mag-isa."

"Malamang po," pilosopong sagot ko na dahilan ng kanyang pagtawa. "Ano pong nakakatawa?"

Umiling ito. "Wala lang. You look cute."

Napatulala ako. Ramdam ko na nag-init ang pisngi ko kaya napaiwas ako ng tingin. May topak ba 'to?

"Ahm? K-kung may kailangan po ikaw, sabihin mo na." nakayukong sabi ko.

"Parang antanda ko naman kung makapag-po ka ha?" tumawa ito na naging dahilan ko upang mailipat ko ulit ang tingin sa kanya.

"Eh hindi naman po tayo close? So, why would I?" then nilipat ko na ulit ang tingin sa key board ng piano.

"Thank you nga pala kanina."

"Yun lang po ba?" tanong ko habang unti-unti akong magpatugtog muli ng piano...



—K—K—K—K—
To be continue lang ang peg! May klase na!!!! Huhuhu!

-AteBabes

Song of my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon