'Got to believe in magic
Tell me how to people find each other
In a world that full of strangers'Napahinto siya sa paglalakad at nagpalinga linga sa kanyang pagilid. Kasalukuyang tinatahak niya ang hallway, nang may marinig siyang napakalamyos at napakalamig na boses na hindi niya alam kung saan ba nagmumula, na sinasabayan nito ng pag-strum ng gitara...
'Got to believe in magic
Something stronger than the moon above
'Cause it's magic when to people fall In love...'Muling umawit iyon at hindi niya napigilang ipikit ang kanyang mga mata. Kanino boses iyon at tila hinehele siya? Ilang minuto ang lumipas at naimulat niya ang kanyang mga mata: huminto na ang umaawit. Muli, inilibot niya ang kanyang tingin sa pagilid. Kaunti na lamang ang mga estudyanteng nagkalat sa grass lawn at sa hallway na kinatatayuan niya —ang ilan ay nakatingin sa kanya na animo nawiweirdohan— Sa hindi kalayuan ng kanyang kinatatayuan, may napansin siyang bulto na nakaupo na nasa likod ng puno na naroon. Napansin niyang mula sa pagkakaupo nito, tumayo ito at nakita niya ang likuran nito na may sakbit na guitar case. Hindi nga lang niya nakita kung sino at kilala kung sino man iyon, dahil nga naman nakatalikod ito sa kanya habang naglalakad. Basta ang tangi lamang niyang alam ay kamag-aral niya ito, at lalaki ito na may napakagandang boses...
BINABASA MO ANG
Song of my Heart
Historia CortaSong of my Heart... Posible kayang siya ang inaawit ng kanyang puso? All Rights Reserved