Epilogue (12-09-15)

3 0 0
                                    

Color's P.O.V.

'Araw-araw ay naghihintay sa'yo
Dala-dala ang pangarap na hindi nabuo
Bawat alaala mo'y nagbabalik
Hindi pa rin malimot ang mga sandali'

'Nagbabakasali na muli kang magbalik
Sana nama'y iyong marinig
At kung sakali lubusang mawala
Huwag naman sana...'

Napangiti ako. Naririnig ko na naman ang boses niya.

'Nasaan ka na ba?
Kanina pa ako nag-iisa
Nasaan ka na ba?
Samahan mo naman ako, sinta...'

'Takbo ng oras ay kay bagal antayin
Darating kaya? Tanong ng akong isip
Nakatulala sa isang tabi
Hindi maisip kung ano ang gagawin..'

Ang tagal din ng panahon nang hindi ko siya naririnig. Isang taon na rin simula ng iwan niya kami. Ng iwan niya ako.

Nang makalipas ang isang buwang pagkawala ni Aloe, may iniabot na box sakin ang Kuya Ares. Sinasabing para sakin raw iyon. Nakalkal lang daw niya sa cabinet ni Aloe.

Nang buklatin ko iyong box, may isang CD at isang memory card with earphone. Una kong sinalang ang CD nuon at isa pala video. Video ni Aloe.

"Hi, Color. Wala ng kuya no? Mahal na kasi kita kaya hindi na kita tatawaging KUYA COLOR. Sorry if mawawala na ako and soon to be wala na ako. Bakit? May sakit kasi akong leukemia at hindi ko ipapaalam at ipinalam kina Kuya Aldrin at Kuya Ares, lalo na kay Tita, Yuna at sa'yo. Oops! Nasabi ko na pala sayo dito. Hehe. Wala lang. Kakamustahin lang kita. Alam mong wala na lang sakin yung nangyari sainyo ni Party? Oo. Nakita ko. Sasampalin kita sana pati si Party kaso naalala ko yung saan dapat ako lumugar. Ahahaha! Don't worry, hindi kita mumultuhin dahil lang dun. Nga pala, kamusta ka na? Sana okay ka lang at magiging okay pa sa susunod pang mga taon na wala na ako. Keep smiling okay? Cheer up yourself. Masaya na ako na alam kong magiging masaya ka. Yun lang. Hihihi. *silence*"
"Color... Sarang hae. Mahal kita. I love you. Aishiteru. Wo ai ni. Kahit sa ano pang lengwahe sasabihin kong mahal kita. Yun kasi ang nararamdaman ko ngayon para sayo. Mahal kita. Mahal na mahal. Sa ngayon, iiwan muna kita, iiwan muna ko kayo. Magpapahinga lang ako sabi ni Mama. At ibabalik din niya ako kaagad. Hintayin mo 'ko ha? Pero kung hindi mo kayang hintayin ako, ayos lang. Makita kang masaya, makes me feel okay too. Goodbye--- I mean See you soon, Color... I love you."

Yan ang mga ilang sa mga sinabi ni Aloe sa video. Nang ngang napanood ko yan, napatulala ako at nasasabik na yakapin ulit siya. Kaya yung screen ng tv ang nayakap ko. Sobrang miss ko kasi siya. Sa una at pangalawang ulit nga ng pagplay ng video, hindi ko napanuod ng maayos kasi iyak ako ng iyak. Iyak ako ng iyak dahil sa pangungulila sa kanya. Sa pagkasabik sa kanya. Sa pagkamiss sa kanya. Gusto ko kasi ulit na makita siyang ngumingiti, naaasar, nagagalit, nambabara, at tumawa. Pero siguro ngayon, malabo na mangyari ulit. Sobrang sakit kasi. Biglaan ang pagkawala niya samin.

'Sayang naman kung mawalay pa
Tuluyan na bang mawawala?
Asahan mong maghihintay pa rin.'

Sa memory card naman, puro musics, video at pictures niya, pictures ni Yuna at kami ang nakalagay. Ang ibang musics, siya ang umaawit. Boses nga niya ang pinapakinggan ko ngayon habang kinakanta nito ang Alaala.

Sobrang miss ko na ang boses niya kaya hindi ako nagsasawang pakinggan ito...

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa isang bench sa waiting shed. Nariyan na kasi ang bus na sasakyan ko eh.

Tumingala na muna ako sa kalangitan. Napangiti ako nang makita kong maaliwalas ito. Pumikit ako na nakangiti. Pumasok sa balintanaw ko ang nakangiting mukha ni Aloe.

Maniniwala ako sayo, Aloe. Na balang araw, babalik ka. Babalikan mo ako. Babalikan mo kami. Sarang hae, Mahal kita, I love you, Aishiteru, Wo ai ni. Na kahit sa anong lengwahe sasabihin na natin sa isa't isa na mahal natin ang isa't isa. See you soon, Aloe. And keep smiling onto my mind, okay? It makes me better din kasi eh... I'll always love you, Alona Era Ramirez...







–K–K–K–K–
Waaaaaa!!!! Natapos din! Ahaha! Sabi ko na't makakayanan ko 'to eh!

Tsk! Thank you sa pagbabasa at pagsayang ng oras sa nonsense kong kwento. Ni-type ko lang talaga siya since wala akong magawa sa buhay ko when sembreak. Kaboring kasi.

Yun lang. Sorry if hindi ako ganun kagaling magdeliver ng kakaiyak na words. Pusong bato ako eh! Joke!

So? Thank you! Thank you! Thank you talaga! I love you! Mwah!
-Ate Babes.

Song of my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon