Chapter Eight: Amuse (11-15-15)

3 0 0
                                    

Aloe's P.O.V.

Hay! Salamat at summer vacation na. Pero nakaka-boring din sa bahay, 'diba? Tutulong ka sa gawaing bahay, kakain ka, matutulog, manonood ng palabas sa T.V, then nga-nga. Wala na. Nakaka-inip kaya. Ano kayang magandang gawin kapag summer vacation na.

[A/N: Edi manood ng anime. Ahihihi!]

Andaming epal 'no? Sarap nilang bigwasan eh.

Anyway, halos three weeks na rin since nag-start ang summer vacation. Madalas din akong pumunta sa bahay nila Yuna, para makipagkwentuhan at etc. Kapag umuuwi naman ako galing sakanila, dadatnan ko si Kuya Ares na naghihintay sa tabing gate ng bahay habang naka-maywang. Tulad na lang ngayon...

"Saan ka galing, Baby Aloe?" nakamaywang at nakataas ang isang kilay na tanong ni Kuya sakin.

Nahinto naman ako sa paglakad. Ilang metro lang ang layo namin sa isa't isa.

"Ahm? Kila Yuna lang, Kuya."

Bigla namang ngumisi si Kuya. Hala! Alam ko na yang ngisi na yan ah?! "Sus! Sabihin mo, pinuntahan mo lang yung boyfriend mo."

=___= –> ganyan binigay kong expression. "Kuya Ares, hindi na nakakatawa yan. Napipikon na 'ko."

"Pikon ka na sa lagay na yan?" pang-aasar pa niya.

Nagkamot ako sa ulo out of frustration. "Kuya naman eh! Nakuha mo pa'ng asarin ako! Isusumbong kita kay Tita!"

"Edi magsumbong ka. Gusto mo samahan pa kita eh."

"Kuya Ares! Babatukan na talaga kita!" hindi ko alam kung ano na itsura ko, pero sigurado ako na namumula na ang mukha ko sa asar.

"Oi, Aloe! Hindi mo naman magagawang batukan ang gwapo mong kuya." sabi sabay pogi poise.

"Argh! Ang kapal naman ng mukha mo, Kuya!" biro ko, pero hindi ko inalis ang expression ko na naaasar.

"Ang makapal na mukha na 'to ang mahal mong Kuya, Baby Aloe."

I just rolled my eyes.

"Kamusta naman boyfriend mo?"

"Kuya Ares! Ilang beses ko bang sasabihin at uulitin sayo na, hindi ko boyfriend yung pinsan ni Yuna?"

"Sus! Wag na magdeny, Baby Aloe. Kamusta kayo? Going strong ba?"

"Argh! Ang hirap mong makaintindi, Kuya!" bulyaw ko sa kanya then nagtuloy tuloy na ako sa pagpasok sa bakuran.

Nakakabwisit naman kasi eh! Hindi kasi sabi ko boyfriend ang Krayola na yun! 'Ni hindi ko nga siya crush. Pero ang cute ni Krayola kapag naka serious look siya. Bagay nga sa kanya yung eyeglasses niya eh.

Ano ba kamo sabi ko? Cute si Krayola? Hmp!

"Eh bakit, mag-f-fourth year pa lang siya, samantalang 18 years old yang pinsan mo?"

"Kasi nga natigil siya ng pag-aaral nuon."

"Bakit naman siya natigil?"

"Traumatized."

Traumatized? Bakit? Ano ba talagang nangyari sa kanya? Lalo akong naku-curious eh. Kapag naman kasi nakila Yuna ako, nakakalimutan kong itanong yung sa pinsan niya, kapag naaalala ko naman yun, gusto kong mag-asked kaso mapagkamalan pa akong may gusto ako sa pinsan niya. Syempre nakakahiya yun 'no?

Nagderetso ako sa kwarto ko. Ni-lock ko yung pinto at pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa kama na nakabuka ang dalawa kong braso sa magkabilang side. Natitig na lang ako sa kisame.

Song of my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon