Aloe's P.O.V.
"Ui! Congrats sa'yo, Aloe! Makaka-attend ka ng recognition! Yahahaha!" pagbati ulit sakin ni Yuna.
Para pa nga siya ang nakakuha ng Top 2 dahil sa tuwa niya sakin. Para siyang tanga sa kakatalon sa hallway habang hawak niya yung photo-scrap namin, na ipa-pass na namin.
Nakareceive kasi ako text-message mula sa adviser namin nuong linggo, na sabi top 2 raw ako at aattend ako ng recognition sa March 29. Then ibinalita ko nga kay Yuna yun ta's pinagsasabunot ako at nagtatalon sa tuwa ng malaman niya. Siya nga una nakaalam na aattend ako ng recognition.
"Aloe, Aloe, pupunta ako ha? Ta's pwede bang si Kuya Ares mo ang sasama sa'yo sa araw na iyon?" request niya.
"Pwede rin," pakibit balikat na sagot ko. "Kasi pag may ganyan, sasama sila Kuya Aldrin, Kuya Ares at si Tita."
Expected ko talaga na magniningning ang mga mata niya sa tuwa. "Talaga? Shocks! Pupunta talaga ako 29 ha? Naku! Chance na yun! Chance na talaga! As in! Yahahaha! Excited na ako! Sana March 29 na..."
Natawa naman ako at binatukan siya. Binigyan naman niya ako ng masamang tingin. "Luka-luka! Masyadong advance yang pag-iisip mo, gaga."
"Kung makagaga naman neto," sabay himas sa binatukan ko. "Aloe, wala ba akong kaagaw sa Kuya mo?"
"Hmmm," -ako, sabay isip. "Meron naman---"
"Pusang gala! Meron?! Nasaan sila at jojombagin ko ng bongang-bonga?!?!?"
"Jojombagin? Saan mo naman nakuha ang word na yan?" nakakunot noong tanong ko.
"Hala! Sa baklang manliligaw ni Kuya Jansen," sagot naman niya kahit nanggagaliiti sa irita. "Anyway! Sino sa kanila, ha, Aloe? Sabihin mo nang maaga para maitali ko na agad ang Kuya Ares mo sa tabi ko." sabi niya na tumingin tingin sa paligid habang naka-form ang kanang kamay niya na animo baril.
Tumawa ako sa inatsa niya. Luka-luka talaga. "Sira! Wala sa mga ka-schoolmates nating babae 'no?! Saka, sabi ko na sa'yo, tigilan mo na ang pagpapantasya sa Kuya Ares ko. Hindi gagana yang powers mo."
"Don't understimate me, Aloe. Sabi ko nga sa'yo, last Sabado, kaya kong paibigin ang Kuya Ares mo sa loob ng apat na buwan." pursigidong banat pa ni Yuna.
Nagcrossed arm naman ako, "Talagang lang ha? Baka, kapag nalaman mo ang totoo umayaw ka?"
May reason kasi si Kuya Ares kung bakit ayaw niya sa mga babae at sa Love. Kaya nga minsan sinusulsulan niya akong wag ng umibig...
"Kaya ikaw, Baby Aloe, 'wag mo ng hayaan ang sarili mong masaktan sa salitang pag-ibig..."
"Bakit naman, Kuya Ares?"
Ngumiti si Kuya pero napakalungkot ng kanyang mga mata. "Sakit lamang sa ulo ang pag-ibig, lalo na rito," sabay turo sa tapat ng puso. "Mas masakit ang dala ng pag-ibig sa puso."
"Bakit 'di ka magpa-check up, Kuya? Baka may lunas pa."
Umiling si Kuya habang malungkot na nakangiti. "Walang lunas sa pag-ibig, Baby."
Nang panahon na yan, wala pa akong kaalam alam sa salitang love, kasi bata pa ako. Nuon ngang nakita ko si Kuya Ares na naiiyak habang nakikinig ng madamdaming musika, duon palang nag sink in sa utak ko ang lahat; na nasaktan siya ng labis. Kinuwento ni Kuya lahat sakin kung bakit, ngayon alam ko na. Hindi madaling magmahal na lang basta-basta. Dahil once na umibig ka –sabi ni Kuya Ares– kailangan mo ng magtake ng risk para masaktan.
"Oi, Aloe? Nyare? Natahimik ka bigla?"
Umiling ako at tipid na ngumiti. "Wala. Naalala ko lang yung sinabi sakin ni Kuya Ares nuon."
Like what I expect, nagningning ulit mata ni Yuna nang marinig ang pangalan ni Kuya. Malala epekto niya. "Talaga? Anong sabi niya? Na maganda ako? Na napapansin na niya ako? Na mahal na niya ako? Na ano? Na gusto na niya akong pakasalan? Ilang anak ba gusto niya?" medyo hindi na konektado yung huling sinabi niya.
Sinapok ko nga. "Yuna! Wag kang assuming! Sa pag-aasume mo pa lang, masasaktan ka na." pangaral ko.
"Masyado ka ng sadista, Aloe! Saka, maano naman? Hindi naman masamang mag-assume ha?" naka pout na sabi niya.
"Yun na nga! Hindi naman masama, pero sumosobra ka na. Paano kaya kung masaktan ka? Kuya ko pa naman yung pinapangarap mo."
"Sorry." nakatungong wika naman niya kaya napangiti ako.
"Don't worry, Yuna, puppy love lang naman yang nararamdaman mo. It'll fade soon." encourage ko sabay tapik pa ng balikat.
"Dina-down mo talaga akong, babaita ka." sabi niya pero nakangiti.
"I didn't discouraging you, Yuna. Bestfriend kita at concerned lang talaga ako sa'yo."
Nagsmile na siya ng malaki. "Thank ya, Aloe!" sabay yakap sakin.
Kahit na madalas magbangayan kami ni Yuna, naroon pa rin yung sparks sa pagitan namin as bestfriends...
–K–K–K–K–
Kamusta naman ang chapter na yan? Sorry kung short update lang ha? Sobrang bumaba talaga ang mga grades ko, tae! Uwaaa! Bawi na lang ako sa next quarter, nyahaha!
Sorry sa typos, wrong grammars and spacing sa chapter na 'to. Next time na lang ako i-e-edit.Thanks for Reading!
-AteBabes.
BINABASA MO ANG
Song of my Heart
Historia CortaSong of my Heart... Posible kayang siya ang inaawit ng kanyang puso? All Rights Reserved