Aloe's P.O.V
"Yun lang po ba?"
Humagikgik siya ng tawa. "Naku! Wag ka ng mag-po! Magkasing-edad lang naman tayo, I guess."
=_____=" binigyan ko siya ng ganyang expression. Sarap ihampas sa kanya 'tong piano, grabe! Umiling na lang ako habang pinipindot ang key board ng piano at hindi na lang siya pinansin. Bahala siya diyan!
"Hilig mo ba ang pagtugtog ng piano?" rinig kong tanong niya.
"Bakit ba niya 'ko kinakausap eh hindi ko naman siya kakilala?" bulong ko. "Oo." sagot ko naman na hindi siya nililingon.
I heard him chuckled again. Bakit ba ang hilig niyang humagikgik? Hindi ko naman siya kinikiliti ah?
"Ah, ganon ba---?"
"Opo. Ganun nga po."
Am I sounds like Lola Tinidora? Or more like Gasgas Abelgas?
"Stop saying po, feel ko talaga may mga apo na ako eh,"
Tumigil ako sa pag-pi-piano at hinarap siya. "Alam mo po, Mamang Eyeglasses, kabastusan naman po kasi na hindi kita kausapin kahit na hindi po kita kilala. Sabi po kasi ng Mama ko, Don't talk to strangers, kaya mawalang galang na po, aalis na ako, mukha pa naman pong wala kang kailangan. Po." pangbibwisit ko na in-emphazise ang 'po',
Napansin ko naman na napatulala siya. Hindi siguro niya expect na masasabi ko iyon. Huh! Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya kaya nilagpasan ko na siya, pero napahinto rin ako sa paglalakad nang magsalita siya.
"Ahm? Y-yung panyo mo. Naiwan mo kasi kaninang tinulungan mo 'ko. Narito ako kasi... kasi isasauli ko. Baka importante pa sa'yo 'tong panyo."
Nabigla ako, kaya lumingon ako sa kinatatayuan niya. Hindi siya nakatingin sakin bagkus naka talikod siya sakin. Ta's kinapa ko yung pocket ng skirt ko.
"G-ganon po ba?" I hesitated.
Napansin ko naman na marahan siyang tumango at sa pagtango niyang iyon, humarap na siya sa way ko. Napahawak ako sa palda ko ng mariin kasi I saw into his eyes that he was hurt.
G-ganun na ba ako ka-harsh magsalita, para makasakit ng iba? naitanong ko saking isip. Kasi kung ganon, ansama ko palang babae.
"Ay! Naku! Hindi!" sabay wave pa ng kanan niyang kamay. "Hindi naman ganun ka-harsh yung sinabi mo. In fact nga, nabigla ako at namangha."
Namangha? Edi ibig sabihin, crush niya ako?
Badside: Haay naku, Aloe! Ambisyosa ka masyado...
Walang hiyang bad side conscience na yan ha? Panira!
"Eh? B-bakit parang nasaktan ka po?"
"Ah, yun ba?" sabay kamot sa likod ng ulo niya. "Ano lang... Ahm... Hay, Naku! Wala, wala, wala. Wag mo ng isipin yun."
Ang weirdo talaga!
*****
"Tita, si Kuya Ares po?" tanong ko kay Tita, nasa salas ako ng bahay habang nagwawalis ng sahig."Nasa bahay ng kaklase niya. May last requirement daw kasi silang isusubmit."
Natango na lang ako. "O si Kuya Aldrin naman po? 'Di ba, day-off niya po ngayon?"
"Bakit ba natanong mong bata ka?" natatawang balik ni Tita sakin. "Oo nga't day-off ng Kuya mo ngayon pero pinapasok siya ng boss niya dahil may ipinahabol daw itong papeles."
Natango ulit ako. "Paano niyan, Tita? Wala kang kasama rito mamaya."
"Saan ka na naman ba pupunta, bata ka?" nasa tono ni Tita yung pangsesermon. Tumayo naman ako ng maayos at humarap kay Tita.
Napakamot naman ako ng batok. "Kila Yuna lang po. May last requirement din po kasi kaming ipa-pass sa MAPEH, eh,"
"Ay, ganun ba? Anong oras ka naman aalis?"
"Alas tres po ng hapon."
"O, siya, siya. Ako na bahala magsabi sa mga Kuya mo na wala ka mamaya. Siguradong hahanapin ka ng dalawang yun, lalo na ang Kuya Aldrin mo." wika ni Tita. "Anong oras ka naman kaya makakauwi?"
"Hmm? Nasa 5pm po yata. Eee! Hindi po ako sure eh!"
"Naginarte ka na naman, Aloe!"
"Tita naman eh. *pout*"
"O basta, hangga't maaari umuwi ka ng maaga ha? Uuwi ang Kuya Aldrin mo ng ala quatro, at ang Kuya Ares mo naman nasa alas singco ang uwi, kaya dapat ikaw makauwi ka ng 4:30 ha?"
O_____O "Tita? 4:30? Sure ka?"
"Aba'y kelan ako hindi naging hindi syur?"
Napa-pout na lang ako ulit.
"Tena, tulungan mo muna akong magluto ng tanghalian, bata ka! Tatakasan mo rin lang naman ako, eh, kaya lulubusin ko na." sabi ni Tita sabay higit sa kamay ko.
"Tita! Hindi naman kita tatakasan eh! In fact nga nagpaalam ako sa'yo."
"Siya rin lang naman yun! Tena!"
Tumawa naman ako. "Tita!"
"'Wag ka ng umangal, Aloe! Sasabihin ko sa mga Kuya mo na may kras ka sa kapitbahay natin na si Tetut."
"Hindi ko naman crush yun, Tita eh! Baka ikaw may crush dun!"
"Heh! Shatap ka muna, bata ka! Hindi ko kras yun!"
"Oo nga, Tita! Ayoko yun! Baka pandirihan lang tayo nila Kuya Aldrin at Kuya Ares kapag nalaman nilang pinatos natin yun!" sabi ko sabay tawa.
"Hay, naku Aloe! Tumigil ka na."
"Ikaw kaya tumigil, Tita."
"Alona Era Ramirez..." –_____–
Hala! Singkit na yung mga mata ni Tita, pero nangiti pa rin ako.
Mama, kung sana ikaw ang nasa estado ni Tita. Ganito rin ba kaya kasaya tayong dalawa? Siguro, mas oo, masayang-masaya tayo nila Kuya Aldrin, at Kuya Ares. Lalo na't kung buhay pa si Kuya Allen. Kung sana nagpatuloy ka sa paglaban sa sakit mong leukemia, masaya pa tayo kahit papano. Hindi ko naman sinusumbat sa'yo ang lahat Mama. Ang gusto lang naman ay ang maranasan na ikaw ang nakasaksi sa pag-akyat ng stage ni Kuya Aldrin nuong gagraduate siya ng college. Pero ayos na 'to, alam ko naman na hindi mo kami iniiwan tatlo nila Kuya sa pang-araw araw, alam kong lagi ka namin nasa tabi kahit hindi ka namin nakikita. Sapat na si Tita, syempre, next to you siya. Mahal kita, Ma.
—K—K—K—K—
Kamusta naman ikaw? Nagustuhan mo ba ang chapter na 'to? Sarreh! Short update lang siya, dahil may klase na naman!!!!! Uwaaaa!!!!
Thanks for reading!-AteBabes
BINABASA MO ANG
Song of my Heart
Short StorySong of my Heart... Posible kayang siya ang inaawit ng kanyang puso? All Rights Reserved