Color's P.O.V.
"Aloe?"
"Hey! Where are you going, Color?" tanong ni Party sakin.
"Please, Party. Stay away from me." mariing pakiusap ko sa kanya. "Aloe was crying. She needs me."
"Color!" tawag niya pero tinalikuran ko na siya.
Pagkatapos niyang samantalahin ang pagkakataon? She kissed me! At paniguradong nakita iyon ni Aloe. Yes. I knew. I knew she was standing behind on that block way. Hindi ko na nga agad nakaiwas when Party claimed my lips. Nakakaasar ang Party na yun! Kung hindi lang siya babae at kung hindi lang ko kailangan ng tulong niya, inupakan ko na ang pagmumukha nun! Kung ano mang tulong yun, wala na akong pakialam.
Tumatakbo na ako sa hallway, dahil wala na siya sa paningin ko.
Saan naman kaya nagpunta ang babaeng yun? naisaloob ko.
Tumingin tingin ako sa paligid pero wala pa rin siya. May mga students na pauwi na. Siguro nakipagsabayan siya. Pero hanggat hindi ko nalilibot ang campus hindi ako titigil sa paghahanap sa kanya.
Habang naghahanap napahinto ako. Alam ko na kung nasaan siya.
Dumeretso ako sa music room. Pero wala pa naman ako sa pinaka-property ng music room nang may marinig akong nagsstrum ng gitara at sinasabayan niya ito ng musika...
Nakabukas ang pinto at sumilip ako. Si Aloe, nakaupo sa sahig habang ini-strum ang gitara.
'And he's the reason for my teardrops on my guitar
The only thing that keeps me wishing on a wishing star...'Napatitig ako sa kanya. Bakit ganito? Minsan ko na lang marinig ang boses niya kapag kumakanta pero ang lulungkot ng mga inaawit niya. Na bawat bigkas niya sa bawat lirika ay ang bigat ng dinadama niya.
"I love you too, Aloe."
"Ha?!" Shocks! Bakit ba nadulas ako?! Hindi muna ngayon. Tama, hindi muna ngayon.
"A-ano... ano... Kasi..." nagpalinga linga ako sa paligid. Nagbabakasaling may mahanap akong sagot sa kaliwa't kanan ko. "Ano... I love you as a... F-Friend, you know."
Friend?! You're a liar, Color!
Napansin ko naman na medyo yumuko siya at hindi napalampas ng paningin ko ang expression sa mata niya. Was is just me o talagang nakita ko nasaktan siya?
"F-friend? S-sus! I love you rin, Kuya Color as a f-friend." Ouch! </3 Friendzone ako dun ah?
Nakatitig lang ako sa maamo niyang mukha. Napaangat ang magkabila kong kilay nang may tumulong luha sa mga mata niya at pumatak iyok sa gitara na hawak niya. Patuloy lang siya sa pagkanta at hindi alintana na umiiyak na siya.
"A fake a smile so he won't... see."
Pagtatapos niya sa kanta. Niyakap niya ang gitara at tahimik na umiyak.
Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko lagi siyang masaya. Nagawa niyang baguhin ang buhay ko. Nagawa niyang alisin ang Color na miserable ng panahon na hindi ako makawala sa past. Binago niya ako. Gusto ko, siya naman ang baguhin ko. Gusto ko hindi na malulungkot na musika ang inaawit niya. Gusto ko siyang protektahan. Kasi, mahal ko siya. Hindi bilang kaibigan.
"Kuya Ares..." narinig kong sabi niya. Hindi mahina, hindi malakas. Tama na iyon para marinig ko ang bawat sasabihin niya. Sana hindi niya mapansin na andito ako; tinitingnan siya. "Akala ko, madali lang ang lahat. Akala ko, kaya ko. Ang kaso, akala ko lang lahat. Hindi ko pala kaya. Ganito ka rin ba? Idinadaan ang nararamdaman mo sa isang awitin? Naramdaman mo rin ba 'to? Na hindi ka makahinga sa sobrang sakit? Na wala ka lang magagawa dahil nakita mo siyang may kahalikang iba? Tama ka, Kuya Ares. Mahirap. Nakakatakot. Pero sabi mo rin, kailangan mag-take ng risk sa love, hindi ba? Bahala na kung anong posibleng mangyari. Masaktan, edi masaktan. Lumuha, edi lumuha. Magmahal, edi magmahal. Kasi sabi mo pa, true love never surrender."
BINABASA MO ANG
Song of my Heart
Short StorySong of my Heart... Posible kayang siya ang inaawit ng kanyang puso? All Rights Reserved