Chapter Fifteen: End (12-06-15)

2 0 0
                                    

Aloe's P.O.V.
2 years ago...

Habang nagbibihis ako ng school uniform ko, napansin kong mayron akong pasa sa bandang kaliwang dibdib ko. Hinaplos ko iyon. Hindi naman masakit, ah? Pero, bakit ang dami? Pati sa braso ko, meron. Sa binti, meron din. Ang alam ko, hindi ako naglalaro ng volleyball at hindi ako tanga para maghanap ng pasa sa katawan. Balewala na nga lang.

As usual pumasok ulit ako sa school nang ako lang magisa. Lagi kasing late pumasok si Yuna eh. Saka wala naman akong Papa para maghatid sakin dito. Si Kuya Aldrin kasi may klase at si Kuya Ares din.

Lunch break na. Papunta na akong canteen nang biglang magdilim ang paningin ko. Ano na naman bang nangyayari sakin?

Nagising na lang ako na nakahiga ako sa isang bed. Nasa clinic ako, alam ko. Ilang beses na kasi akong nadala rito sa clinic dahil lagi akong nahihimatay.

"Ayos ka na ba, Miss Ramirez?" tanong sakin ng nurse kaya tumango ako.

"Salamat po. Papasok na ako." paalam ko bago ako lumabas ng clinic.

Ilang beses na ba nangyari sakin 'to? Isa? Dalawa? Tatlo? Apat? Lima? Siguro, panganim na ito. Hindi ko alam kung ano nang nangyayari sakin eh. Ayoko namang ipaalam kay Tita at sa dalawa kong Kuya ang nangyayari sakin. Siguradong ipapa-check up nila ako sa Doctor at iyon ang ayokong mangyari. Ayoko ng dumagdag sa pasanin ni Tita.

Noong Sabado rin ng linggong iyon. Kahit ayoko man, mag-isa akong pumunta sa ospital. Hindi ko na ipinaalam sa mga kasama ko sa bahay at sa kaibigan kong si Yuna na magpapa-check up ako. Alam din kasi niya na lagi akong nahihimatay at siya rin naguudyok sakin na magpa-check up na, pero tumanggi ako. Gusto ko, walang nag-aalala sakin. Ayokong may naaawa sakin. Ang baba ko na ngang tao, makakaramdam pa ba ako ng awa?

Nang ako na ang susunod para sa check up, kinakabahan na ipinihit ako ang pinto ni Dra. Perez, na siyang doctora ko para sa check up. Natatakot ako sa posibleng resulta.

"Doc, ano po ba 'tong mga pasa na natatanggap ng katawan ko?" tanong ko.

"'Asan ba, hija?"

"Eto po." Ipinakita ko ang nasa kaliwang braso ko at pati na sa kanan. Pati sa dibdib at binti. Then kung ano-anong ginawa sakin ng Doctora. Etc. etc...

"Okay. You should take a blood test." biglaang sabi niya. Buti I had enough money para sa blood test na yun.

Tumango naman ako. Tumayo ako at pumunta sa laboratory ng ospital kung saan ako magpapa-blood test. Nang makita ko pa lang ang manipis pero mahabang karayom, nasindak na ako. Pero walang atrasan 'to.

Medyo napasinghap ako nang itusok na sa braso ko ang karayom, hindi pala masakit. ^_^

"Miss, maghintay ka lang muna ng 20 or more than 20 minutes. Ite-test lang muna namin, okay?"

Tumango lang ako at lumabas ng Lab. Nagpa-gala-gala muna ako sa garden ng ospital. Sountrip lang ang lagay ko. Lumipas ang thirty minutes nang bumalik ako sa Lab para kunin ang result. Nanginginig pa nga ng kunin ko iyon at bumalik kay Doctora.

Kinakabahan ako nang binasa niya ang resulta. Malungkot siyang ngumiti sakin.

"I'm sorry, Hija, pero you have a leukemia. Base sa sign sa katawan mo. Those are bruises of leukemia. Blah... Blah... Blah... Blah... Blah..." Ang daming sinabi ng doctora sakin pero isa lang ang tumatak sa isip ko. May sakit akong leukemia tulad ng sakit ni Mama na agad na ikinamatay nito.

Song of my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon