Chapter Twelve: Teardrops (11-25-15)

3 0 0
                                    

Aloe's P.O.V

Kasama ko ngayon si Kuya Color. Nasa bayan kami. Bigla kasi siyang sumulpot sa bahay namin at nagaya na maggala kami sa bayan. Ipinagpaalam pa niya ako kay Tita at Kuya Ares. Wala naman si Kuya Aldrin dahil nasa trabaho ito.

Naka-jeans ako na nilapatan ko ng yellow blouse at flat shoes. Binola pa nga ako ni Kuya Color na ang cute ko daw. Sus! Wala akong barya sa limang daan!

"Saan mo gustong pumunta?" tanong niya ng bumibyahe kami. "Fiesta pa naman ngayon sa bayan. Maraming puntahan ngayon dun."

"Marami nga. Kaya, stop asking me Kuya Color." kunway sungit na sagot ko na hindi siya tiningnan.

"Ang sungit mo talagang babae ka 'no? Pssh! Crush mo lang niyan ako."

Hindi ko na lang siya pinansin at itinuon ang buong atensyon ko sa paligid.

'Take me to your heart
Show me where to start
Let me played the part of your first love...'

Napatingin ako kay Kuya Color. Nakapikit na siya habang yung isang earphone eh nakapasak sa kaliwa niyang tenga habang yung isa naman nakapasak sa kanan kong tenga.

'Got to believe in magic
Tell me how to people find each other
In a world that full of strangers'

Bigla ko na naman naalala yung lalaki behind of that tree. Alam kong siya ang umaawit ng kantang pinapakinggan ko ngayon. Gusto ko siyang makilala. Gusto ko siyang makita. Kahit sa huling sandali lang.

Nakarating kami ng bayan, na napakaraming tao. May mga bata na naglalaro, yung ibang bata naman kasa-kasama nila ang kanilang parents –I envy them– Buti pa sila, hindi iniiwan ng Papa nila, buti pa sila hindi namatayan ng Mama. May mga mag-aaruga pa sa kanila sa muling paglipas ng mga taon. Nakakasama nila mga magulang nila tuwing Kaarawan nila, Pasko, Bagong Taon. Naiinggit ako.

"Aloe? Ayos ka lang?" tanong sakin ni Kuya Color. Kasalukuyan nasa isang fastfood chain kami. Nagmimeryenda.

"Ah? O-oo. Ayos lang ako." sagot ko na tumingin ulit sa inorder kong burger at float.

"Hindi mo man ginagalaw pagkain mo eh." puno ang bibig na sabi niya.

Hinawakan ko iyong baso ng float ko. "Ayan. Ginalaw ko na."

"Pilosopo." sabi na lang niya at itinuon ulit ang atensyon niya sa pagkain. Nailing na lang ako.

"Nga pala, Aloe, may boyfriend ka na ba? O nagka-boyfriend ka na ba?" hindi lumilingon na tanong niya.

"Ha?" buti hindi ako ngumunguya ng burger kung hindi baka nabilaukan ako sa tanong niya. "Boyfriend? Wala."

"Weh?" tila hindi naniniwalang react niya. "Wala? Eh ang ganda mo naman kaya."

"Chu! Kuya Color, wala akong barya sa limang daan kaya wag mo akong bolahin."

"Hindi naman kita binobola ah?" sabay tingin sakin. "Wala ba talaga? Kung wala, crush? First love? Kahit ano."

Hmm... "Gusto?... Meron naman."

"Sino naman?"

Song of my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon