Aloe's P.O.V.
"Sasabay ka pauwi?" tanong sakin ni Yuna. Katatapos lamang ng aming last subject ng hapon na iyon. Kami na lang ang naiwan ngayon sa room.
Sinulyapan ko lang siya at ibinalik ang tingin sa pagliligpit ng aking mga gamit sa desk. "Hindi eh. Sorry. Remember, susunduin ako ni Kuya Aldrin ngayon, dederetso raw kami sa bayan para bumili ng gamot ni Tita."
"Tsk! Oo nga 'no?" mahinang sabi niya. "'Nga pala, nag-away ba kayo ni Kuya Color?"
Medyo napatigil ako sa pagaayos ng notebooks ko sa bag pero hindi ako nagpahalata. "B-bakit mo naman nasabi?"
I sense, she shrugged her shoulder. "Wala lang. Pansin ko lang kasi na hindi mo siya masyadong kinakausap kapag kausap ka niya. May problema ba?"
Isinakbit ko na sa balikat ko ang strip ng backpack ko. "Wala. Wala akong problema." Wala akong problema? Meron. Ayoko lang maipit ka sa sitwasyon ko, Yuna. "Sabay na tayong maglakad sa hallway."
"Okay..."
Pababa na kami sa second floor. Tahimik lang kami habang naglalakad. Alam kong may gusto siyang sabihin pero ayokong kulitin siya. Hahayaan kong siya ang unang magsabi sakin.
"Ahm... Aloe, ano.... ahm... ano... Bakit... Bakit ka umiiyak nung nasa music room ka one month ago?"
Napatigil ako sa paglalakad at siya rin naman. Nakakunot noo na tumingin ako sa kanya.
"Ahm... Ano... Ano kasi... I was just walking in the hallway when I heard your voice in music room. Hindi ko napigilan ang aking sarili at tingnan ka kung anong nangyari sayo. I just control myself to not go near to you when I saw you hugging the guitar and while you were silently crying. Gusto ko na kasing itanong sayo noon pa man yan, pero ayokong makialam muna because I gave you much time and space to think about it. Naghintay ako na magsasabi ka, because we're bestfriends afterall. T-That's all---."
Nabigla siya when I hugged her tightly. "Yuna... Thank you." I whispered.
She hugged me back. "Wag mo kasing iisipin na wala nang makikinig sayo. Nagtatampo ako kasi nakalimutan mo na yata ako. Bestfriends right? Tayo yun. Kung may problema ka, magsabi ka. Ayokong nabibigatan ka, after what happened to you. Kung problema yan sa Papa mong loko-loko, sabihin mo sakin. Kung about yan sa dalawang bugok mong Kuya, tell me. Kung about sa nararamdaman mo, tell me ulit. Wag mong ikimkim." she said while rubbing her palm into my head.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na maiyak na lang habang yakap ko siya at yakap niya ako. "Gusto ko... Gusto ko na si Color."
"Halata naman eh." seryosong sabi niya. Kumalas siya ng yaka at hinawakan ang magkabila kong balikat. "Aloe, si Party ay kaibigan lang ni Kuya Color."
"May magkaibigan bang nagki-kissed?" I asked between my sobs.
"Huwat?! O___O Kuya Color and Party already kissed? When? Where?!"
"Nang makita mong nasa music room ako." sagot ko at pinunasan ang luha ko.
Napansin ko naman na medyo humihingal si Yuna.
"Yuna, sige, mauwi ka na. Hihintayin ko na lang si Kuya sa guard house."
Umiling siya. "No. Sasabay ka sakin."
Umiling ako din.
"Sasabay ka---!"
*beep beep!*
Kinapa ni Yuna ang pocket ng skirt niya. Cellphone.
"Shet! Bakit ngayon pa?!" tumingin siya sakin na nagwo-worry. "Sorry, Aloe. I need to go. Sure kang okay ka?"
Nagsmile ako at nagnod. "Oo. Ingat ka na lang."
Alanganing ngumiti siya kaya ngumiti ulit ako bago siya tumakbo palayo.
"Ingat sa paguwi, Aloe!" pakaway na sabi niya. At kumaway din ako pabalik sa kanya.
Another excuses. Excuses lang ginawa ko para hindi makasabay sa kanya. Kasi alam kong kasama nya parati si Color. Hindi pala ngayon. Hindi naman kasi totoo na susunduin ako ni Kuya Aldrin eh. Saklap. :''(
Tumalikod ako at tinahak ang daan papuntang music room. Nang isang room na lang ang kailangang lalagpasan ko, meron akong naririnig na strum ng gitara at umaawit...
'...And tell me that we belong together
Dressed it up with the trappings of love
I'll be captivated, I'll hang from your lips
Instead of the gallows of heartache that hang from above...'Napahinto ako sa paglalakad at naitukod ko ang braso ko sa pader. Siya yun... Ang boses na nais kong marinig ng paulit ulit. Ang boses na lagi kong naririnig kahit hindi siya kumakanta. Ang boses na gusto kong malaman kung kanino pagmamayari niyan. Ang boses na kay tagal kong inasam na marinig muli. Alam kong siya yan. Alam ko na iyan ang boses na iyan. Siya yung nasa...
Hindi na ako nagsayang ng oras. Kahit na kinakabahan at nangangatog ang aking tuhod, binilisan ko ang paglakad. Habang papalapit ako sa music room, lumalakas ang pag-awit niya.
'And I'll be your cryin' shoulder
I'll be love suicide
And I'll be better when I'm older
I'll be the greatest fan of your life...'Nasa tapat na ako ng pinto. Nanginginig ang mga kamay na pinihit ko ang doorknob...
'And I dropped out
I burned up
I fought my way back from the deadI tuned in, I turned on
Remembered the thing that you saidAnd I'll be.....'
I opened the door. Pagkabukas niyon nanatili ako sa kinatatayuan ko. Ayokong lapitan siya. Gusto ko lang marinig ang kanyang boses.
'...your cryin' shoulder
I'll be love suicide
And I'll be better when I'm older
I'll be the greatest fan of your...'Pero ilang sandali, biglang naging malabo ang paningin ko at medyo nahihilo ako pero gusto ko pa siyang makita... Makilala. Kaya I keep it up on myself.
"It... It was you." hindi malakas na sabi ko pero sapat iyon para marinig niya.
Mula sa pagkakatalikod niya sakin, huminto siya sa paggigitara at sa pagawit. Dahan-dahan siyang lumingon sakin.
Napakurap ako. Kahit na nahihilo at medyo nanlalabo ang paningin ko pinilit kong maaninagan ang kanyang mukha.
"A-Aloe?"
"C-Color... I-Ikaw?" pero bago pa ako madugtungan ang sasabihin ko biglang nagdilim ang paligid ko. Nakaramdam ako ng kalabog. Pero ang huli kong narinig...
"Alona Era!"
Hanggang kailan ko maririnig ang kanyang boses?
–K–K–K–K–
OKAAY???? WAAAAA!!!!! KONTING PUSH PA TALAGA!!! Matatapos na 'to!Thanks for reading!
-AteBabes.
BINABASA MO ANG
Song of my Heart
ContoSong of my Heart... Posible kayang siya ang inaawit ng kanyang puso? All Rights Reserved