Aloe's P.O.V.
"Uwaaaaa!!!! Ayoko na talaga, Aloe! Sinusukuan ko na ang Kuya Ares mo! Dahil, I really fell in love to him na talaga! Kailangan ko nang mag-move on! Huhuhu! :(" Yuna said.
"Sabi ko naman kasi sa'yo nuong una pa lang, wala kang mapapala sa Kuya, ko." sabi ko naman while softly rubbing her back.
Bigla kasi siyang nag-phone call sakin. Umiiyak siya nang mabungaran ko ang kanyang boses sa CP. Naalarma naman ako kaya dali akong lumabas sa kwarto ko, nagpaalam ako kay Tita at patakbong tinahak ang daan papuntang kanila. Halos nga paliparin ko na ang sarili ko makarating lang agad kila Yuna. Tinanong ko kay Tita Ai kung nasaan ba si Yuna at sinabi ngang nasa kwarto siya. Nadatnan ko si Yuna sa kanyang kwarto na nagkalat ang gamit na tissue sa kama niya.
"Kung kasi hindi ba naman luka-luka itong malandi kong puso, edi sana hindi ako iiyak-iyak ng ganito?!" himutok pa niya.
Napangiwi ako ng kaunti. Iba siya kung magmaktol eh. "Yuna, bata ka pa. Bata pa tayo. Marami ka pang makikilala na ibang lalaki diyan na higit pa sa Kuya Ares ko."
"Aloe..." puno ng pagsusumamo ang boses niya.
Nginitian ko siya. "Ano bang nangyari talaga?"
Naghikbi-hikbi pa siya bago nagsalita. "Yun nga. Nasa park ako at nakaupo nang mapansin ko na may nakatayo sa likuran ng puno na malapit lang sa bench na inuupuan ko. Na-curious ako dahil parang may pinag-aawayan ang mga ito. I can't help myself to stand and go near to that tree. Napangsinghap ako nang makita kong may kahalikan ang Kuya Ares mo. :(" patuloy sa pag-iyak ang kwento niya. "Aloe! Ayoko na! Give up na talaga ako! Ayoko na! I quit! I resigned! And I'm fired to his heart!"
Quit? Resigned? Ano 'to? Nagtrabaho lang?
"Yuna, hindi mo naman kasi kailangan na ibigay lahat ang love or whatsoever you called that thing na nararamdaman mo para sa kanya. Kung paghanga lang yan, mabuti. Pero kung love naman, wag mong ibigay lahat, magtira ka lang sa sarili mo. Kasi kapag nagmahal ka ng sobra sobra, dobleng sakit naman ang mararamdaman mo."
"So, may move-on na magaganap kahit walang kami?" umiiyak na tanong pa niya.
"Hindi move-on. Letting go lang. Dahil kung move-on, handa mong kalimutan lahat-lahat ng kanya. Pero kung letting go lang, I-se-set mo lang siya at ang sarili mo na malaya."
"'Di kita gets."
"Ako nga rin eh. Hindi ko gets." nakangiting turan ko.
"Anong maganda kong gagawin niyan?"
"Set yourself free."
"Paano ko gagawin yun?"
Nginitian ko siya. "Teka lang ha? Babalik ako ulit." sabi ko na lang sabay tayo at naglakad papalabas ng kanyang kwarto. Pero bago ko tuluyang makalabas, "May bibilhin lang ako."
Nagnod lang siya at ako tuluyan nang lumabas ng kwarto.
*****
=Convenience Store=
Dumeretso nga ako ng convenient store para bumili ng ice cream for Yuna. Eto lang ang kailangan niya para gumaan ang kanyang pakiramdam. Kumbaga itong ice cream na ito ang panakip butas ng kanyang nararamdaman. Her band-air food. Hihihi. Saka bumili na rin ako ng dalawang lolipop. Malayo rin ang nilakad ko makabili lang ng ice cream niya. >:) Binuklat ko muna ang pagkakapalot ng ang isang lolipop at isinubo ko na iyon.
Nagsimula na akong maglakad pabalik sa kanila nang mapatingin ako sa gawing kanan ko kung saan iyon ang play ground ng village namin. May nahagip kasi akong bulto ng lalaki na nakaupo sa swing na naroon. Nakayuko ito at bahagyang idinuduyan ang swing na kinauupuan nito. Huminto ako sa paglakad at na-curious akong lihim itong tingnan. Nilalaro-laro ko pa ang stick ng lolipop ko ng paikot. Nagsimula ako naglakad papalapit sa swing na iyon, dahil kumilos ang mga kamay nito papuntang mata at marahas na pumunas ito.
BINABASA MO ANG
Song of my Heart
Krótkie OpowiadaniaSong of my Heart... Posible kayang siya ang inaawit ng kanyang puso? All Rights Reserved