CHAPTER 3
SINUKLAY NI HAZE ang mahabang buhok na nakalugay gamit ang mga daliri niya, saka ininom ang in-order na tequila. Halos dalawang oras na siya sa loob ng Bachelor's Bar at umiinom. Hindi nakasama sa kanya si Thalia dahil kaarawan ng nanay nito.
"Shit, naman, o." Napasabunot siya sa sariling buhok.
Alam niyang lasing na siya pero gusto pa niyang uminom. Maybe because Lath remained on her mind like a permanent freaking glue.
Kahit anong pagtutulak niya sa lalaki para mawala sa isip niya, bumabalik pa rin ito. And she thought liquor could help her forget the insolent playboy, pero mali siya.
Shit talaga! Shit!
Bakit ba kailangan niya iyong gawin? Bakit kailangan niyang uminom?
She had to keep her job, that was why! Kung hindi lang ang mismong boss ang nagsabi sa kanya na pumunta sa bar na iyon, nuncang lalabas siya sa apartment niya.
Argh! Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang maramdamang umiikot na ang paligid. She was drunk and alone! How dangerous could this be?
Siguro naman okay na na umuwi siya. Ang rason lang naman kaya pumunta siya roon ay dahil ayaw niyang masesante sa trabaho. Kaya nga hindi niya maiwan-iwan ang trabaho niya dahil malaki ang sahod at masaya siya sa ginagawa.
"Hey," bulong ng isang pamilyar na boses sa tainga niya.
Mabilis siyang napalingon at lalong sumakit ang ulo niya nang makita si Lath.
Ihinilamos ni Haze ang kamay sa mukha at pinukol ang lalaki ng masamang tingin. "Please, not now. Leave me alone. Ayokong makita iyang pagmumukha mo."
Umiikot ang paningin niya at naroon pa si Lath. Walang patutunguhang maganda ang kombinasyon na 'yon.
Siyempre, hindi na nakakagulat na hindi ito nakinig sa kanya. Umupo ito sa stool na katabi niya at um-order ng whiskey.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong nito sa kanya na nakangiti.
Inirapan niya ang lalaki. "Fuck off, Lath. Huwag mo akong kausapin."
Lath blew a loud breath. "Bakit ba galit na galit ka sa akin? Alam kong hindi maganda ang ginawa ko eight years ago pero matagal na 'yon. Matanda na tayong dalawa. Don't I deserve a second chance?"
At dahil sa pagdating ni Lath, um-order uli siya ng isang shot ng mojito naman at mabilis na ininom iyon.
Mahina siyang tunawa at bumaling dito. "Second chance?" Inungusan niya ito. "Giving you second chance is like a suicide, Lath. Ikaw 'yong uri ng tao na hindi binibigyan ng ikalawang pagkakataon." Dinuro niya ang dibdib nito. "You fooled me once, that's shame on me. But you are not fooling me the second time, hindi kita hahayaan."
"But, Hazey-baby, kasal na ang offer ko," mariing sabi ng lalaki. "At hindi kita lolokohin."
Mapakla siyang tumawa. "Wait, narinig ko na 'yan, eh." Umakto siyang nag-iisip. "Yeah, that's right. I heard it from you, asshole."
Lath sighed loudly. "Eight years ago, hindi mo kayang magmura. Eight years later, you perfected the art of cursing."
Nginisihan niya ito. "Hindi naman ako palamura. You just bring out the worst in me."
Lumamlam ang mga mata nito, parang nagpapaawa. "Ano ba ang magagawa ko para mapatawad mo ako? It's been eight years. Akala ko nakalimutan mo na 'yon."
Umirap siya sa hangin. "Puwede ba, Lath, maghanap ka ng ibang babaeng maloloko? Ayoko sa 'yo. Hindi kita gusto. Ano ba ang hindi mo maintindihan do'n?"
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 10: Lath Coleman
General FictionLath Coleman was way too wicked and tricky for his own good. He would blackmail, threaten and pay someone to get what he wants. And he wants Haze Tito - the woman who hates him from Earth to the moon and back. At mas gugustuhin pa nitong ilibing siy...