CHAPTER 25
NAPUNO NG SIGAW ni Haze ang buong delivery room habang buong lakas na umiire.
"Lath! Ahhhh! Punyeta kang lalaking ka! Ang sakit!"
Napangiwi si Lath nang marinig na minura siya ng asawa. Nasa uluhan siya nito, hawak niya ang kamay nito habang pinapaanak ito ni Czarina, ang asawa ng kaibigan niyang si Ymar.
"Laaaaaaaaath!"
Holy fuck! "I'm here, wifey." Pinisil niya ang kamay nito. "Kaya mo 'yan, wifey. Kaya mo 'yan."
"Letse ka!" singhal nito sa kanya. Naliligo na ito sa sariling pawis. "Hayup ka, Lath! Bakit mo ako binuntis na hinayupak ka—ahhhhhhhh!"
Haze gripped his hands so tight; it nearly broke his bones.
"Lath! Nandiyan na siya!" sigaw uli nito habang umiire.
Napatitig siya sa mga hita ng asawa. Nanginginig iyon at naliligo sa pawis. She was shouting and cussing him to no end as she shouted in pain and desperation.
"Shit!" Malakas na napamura si Czarina. Ito man ay pawis na pawis na rin. "Nandiyan na. Nakikita ko na ang ulo, Haze. Isa pang malakas na ire. Ibigay mo lahat. Kailangang makalabas siya agad."
Tumango ang asawa niya at malakas na pinisil ang kamay niya habang malakas itong umire.
Pigil ni Lath ang hininga at nangangatog din ang mga tuhod niya sa pinagdadaanan ng asawa. Nakaestatwa lang siya habang nakatingin kay Czarina.
"Lumabas na?"
To answer her question, the baby cried, replacing Haze's shouts and cussing.
Ipinasa ni Czarina ang anak niya sa isang nurse na babae na naroon, saka humarap uli kay Haze. "Haze, nariyan na ang pangalawa. Umire ka nang malakas."
Tumango si Haze at umire nang umire hanggang sa narinig nila ang iyak ng isa sa kambal.
"Thank God." Nakahinga na rin nang maluwag sa wakas si Lath nang makitang maayos na ang mga anak niya.
Bumaling siya sa kanyang asawa, saka hinalikan ito sa noo. It was so clear that she was exhausted and ready to pass out anytime soon.
"Are you okay, wifey?" tanong niya.
Nakaisang tango si Haze bago biglang nawalan ng malay. Worries filled him as he cradled her head.
Tumingin siya kay Czarina. "Bakit siya nawalan ng malay?"
"Exhaustion," simpleng sagot nito, saka inutusan ang mga babaeng nurse na naroon sa delivery room. "Kayo, linisin n'yo si Mrs. Coleman pagkatapos ay i-transfer n'yo sa private room." Dinuro siya nito sunod. "At ikaw, kunin mo ang mga gamit ng kambal n'yo, saka ayusin ang hihigaan ng asawa mo. Sperm! Bilisan mo!"
Tumango si Lath at nagkukumahog na lumabas ng delivery room. As he pushed open the door, agad siyang sinalubong ng pamilya niya.
"Kumusta si Haze?" tanong ni Nez.
"Ang mga bata, kumusta?" tanong ng kanyang ama.
"Kumusta ang panganganak ni Haze?" tanong ni Tita Elspeth.
"Was the pain bearable?" tanong ni Lash.
Sunod-sunod at sabay-sabay na tanong ng mga ito.
Tumikhim ang ama ni Haze na nakataas ang kilay sa kanya. "O, ano, hijo, guwapo ba?"
Mahina siyang natawa at tumango. "Oo naman po. Mana sa akin, eh."
"O, siya, magsiuwian na tayo. Babagyo na sa kahambugan ng hinayupak na 'to."
Nalukot ang mukha ng ama niya sa sinabi ng ama ni Haze pero siya, tinawanan lang niya 'yon. Hindi pa nasanay ang ama niya sa bibig ng ama ni Haze.
"'Tay, naman. Hindi 'yon kahambugan, guwapo talaga po ako."
"Oo na." Umingos ito. "O, nasaan na ang anak ko?"
"Ita-tranfer na po—" Namilog ang mga mata niya nang maalala ang sinabi ni Czarina. "Holy shit! Ang mga gamit!"
Tumakbo siya sa kinaroroonan ng gamit nila na hindi naman kalayuan sa delivery room, saka pumasok uli para ibigay ang dalawang bag kay Czarina.
Namaywang ang babae. "Sperm ka! Hindi ko iyan kailangan lahat! Ano ka ba!" Inagaw nito sa kanya ang bag at kinuha lang doon ang kailangan, saka iniwan siya. Pero bago 'yon ay inirapan muna siya.
Naguguluhang lumabas siya ng delivery room. Kasama ang pamilya niya na nagtungo sila sa pribadong kuwarto na gagamitin nila para sa recovery ni Haze.
As they settled in, his wife was wheeled in.
"Ako na," sabi niya, madilim ang mukha nang akmang hahawakan ng lalaking attendant ang asawa niya.
Pinangko niya si Haze at inilapat sa kama, saka inayos ang damit nito. Saka lang umaliwalas ang mood niya nang makaalis ang attendant.
Habang nagkakagulo ang pamilya niya sa pagdala ng pagkain at kung ano pa, umupo si Lath sa gilid ng kama at hinaplos ang kamay ni Haze na may nakatusok na karayom. Nakakonekta 'yon sa lalagyan ng dugo at isang kamay naman nitong may karayom ay nakakonekta sa IVF.
God. His wife experienced hell today and he saw how hard it was to give birth. Kaya naman ipinapangako niyang hindi na niya ito bubuntisin kung papayag ang nasa Itaas.
"I love you, wifey." Hinaplos niya ang pisngi nito, saka dumukwang at hinalikan ito sa noo.
Bigla siyang napaigtad nang bumukas ang pinto at pumasok doon si Czarina. Nasa likuran nito ang dalawang lalagyan ng baby at itinutulak nang marahan papasok.
Excited na tumayo si Lath at sinalubong ang mga anak niya. Happiness and unexplainable sensation wrapped around him as he stared at his sons. Two handsome and gorgeous angels. A blessing. The most amazing gift God had given to him and Haze.
The twins were awake, moving their hands and feet. Napuno ng kasiyahan ang puso niya. He was now officially a father and that was thank to his beloved wife. Such an amazing woman.
Hinawakan niya ang kamay ng kambal at humigpit ang hawak ng dalawa sa daliri niya. Napangiti siya.
"So cute." He cuddled the twins and kissed their forehead. "I love you two. Always remember that." Kapagkuwan ay bumaling siya kay Czarina. "May kailangan pa ba akong gawin?"
May iniabot sa kanyang dalawang papel. "Paki-fille out-an, 'tapos ibalik mo sa akin. Ako na ang bahala sa pagpapagawa ng birth certificate. Ibibigay ko na lang sa 'yo para iparehistro mo."
Tumango siya at mabilis na sinagutan ang lahat ng kailangang impormasyon sa papel.
Name?
Of course, he and Haze already talked about it before Haze would give birth.
He smiled warmly.
Welcome to the world, Zero and Zennon Coleman.
CECELIB | C.C.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 10: Lath Coleman
General FictionLath Coleman was way too wicked and tricky for his own good. He would blackmail, threaten and pay someone to get what he wants. And he wants Haze Tito - the woman who hates him from Earth to the moon and back. At mas gugustuhin pa nitong ilibing siy...