CHAPTER 21

1.3M 30.6K 4.6K
                                    

CHAPTER 21

WALA SA SARILI at panay lang ang tango ni Haze habang ipinapakilala siya ni Lath sa mga kaibigan nito. She didn't feel like pretending that she was freaking okay, because she was really not okay. Parang kinakatay ang puso niya, parang niyiyurakan iyon.

Ang sakit-sakit.

Nahati sila sa dalawang grupo sa yate. Ang kalalakihan ay nag-iinuman at ang kababaihan naman ay nag-uusap.

Katabi niya si Anniza kaya panay ang pabulong nitong tanong. "Bakit hindi mo sa akin sinabi? My God, Haze, hindi ko akalaing asawa ka ni Lath Coleman."

"Yeah. I am his wife," sabi niya sa walang buhay na boses. "Pero isang kalokohan lang naman yata 'yong kasal na 'yon. May ibang babae siyang gusto at—"

"Hush!" Anniza hissed at her. "Unang dapat mong malaman sa pag-ibig at pakikipagrelasyon? Bawal mag-assume. Nakakasira ng relasyon ang maling akala. Ang dapat mong gawin ay tanungin mo siya nang deretso para malinawan ka at iwas away na rin."

"Too late." Tumingin siya sa dagat. "Nag-away na kami kanina bago pa kami pumunta rito."

Anniza smiled sadly at her. "Kapag pag-ibig talaga, ang hirap. Pasasakitan ka muna bago makuha ang happy ever after mo. Pero at least, worth it naman."

Hindi siya umimik.

"I suggest you talk to Lath," suhestiyon ni Anniza.

Nagkibit-balikat lang siya, saka umalis sa kumpulan nilang kababaihan. Nagtungo siya sa low deck at sumakay sa duyan.

She was slightly humming when someone cleared their throat. Mabilis siyang bumaling sa may-ari ng tikhim at kumunot ang noo niya nang makita ang asawa ni Train Wolkzbin na nakatayo hindi kalayuan sa duyan.

Kanina nang ipakilala ito sa kanya ni Lath, agad na sumama ang timpla niya. Ang pangalan kasi nito ay Krisz kaya naisip niya na baka ito ang babaeng tinutukoy ng mayordoma. Napatunayan ang haka-haka niya nang biglang yakapin ng babae kanina si Lath. At hindi alintana ni Lath ang asawa ni Krisz na nanlilisik ang mga mata. Kaya lalong nadagdagan ang galit at selos niya. Pinaglololoko ba siya ng hinayupak na 'yon?

And now, the woman who caused her pain was standing in front of her.

"Hi," sabi nito, saka ngumiti.

Lalong lumalim ang gatla sa noo niya. "May kailangan ka?"

Kinagat nito ang pang-ibabang labi, sabay lahad ng kamay sa kanya. "Gusto lang kitang makausap. I'm Krisz Romero Wolkzbin, best friend ako ni Lath. Napansin ko kasing panay ang tingin mo sa akin nang masama kanina."

Bahagyang umawang ang mga labi niya. "B-best friend ka ni Lath?"

Mahina itong tumawa. "Hindi ba niya sinabi sa 'yo?" Napailing-iling ito. "No wonder you were glaring at me murderously." Naglakad ito palapit sa kanya, saka hinawakan ang kamay niya at pinisil 'yon. "Pasensiya na sa inasal ko kanina. Sanay lang talaga akong yakapin si Lath nang ganoon."

May kaunting selos pa rin sa puso niya. "Hindi mo kailangang magpaliwanag para kay Lath. Tanggap ko na na baka pinaglalaruan lang niya ako at—"

"Haze, hindi ka ipapakilala ni Lath sa mga kaibigan niya kung hindi ka importante sa kanya. I believe that he loves you, he told me so. Humingi pa nga siya ng favor sa akin na kunin ang wedding ring na in-order niya kay Mr. Oliveros dahil nasa yate raw siya at kinidnap ka niya. Galawang Iuhence Vergara ang ginawa ni Lath. Do you know that Iuhence kidnapped Mhel too? 'Kaloka ang love story ng dalawang 'yon, parang kayo lang ni Lath." May kinuha ito sa maliit na purse na dala, saka ibinigay sa kanya. It was a black velvet box. "This was the ring. I'm giving it to you because this is for you. Hindi ko sasabihin kay Lath na ibinigay ko sa 'yo. And please, don't be jealous of me. 'Yong pagyakap ko kay Lath, it's plain platonic. My husband is just so possessive kaya selos na selos kay Lath. Gosh, I love my husband so much. Mababaliw ako kapag nawala siya sa buhay ko."

POSSESSIVE 10: Lath ColemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon