CHAPTER 6

1.7M 34.3K 4.3K
                                    

CHAPTER 6

HINDI ALAM ni Lath kung magsasaya siya sa nakitang selos sa mukha kagabi ni Haze nang marinig nito ang usapan nila ni Krisz. If Haze was jealous, maybe something was still there.

Huminga siya nang malalim, saka naglagay ng kape sa tasa at ang ginawa niyang tuna sandwich. He might not know how to cook but he was the king of sandwich making.

Inilagay niya sa tray ang kape at sandwich, saka naglakad patungo sa kuwarto na inokupa ni Haze. He scowled at the memory of last night. Ini-lock nito ang kuwarto kaya sa sala siya natulog. Hindi tuloy niya nagapang ang babae katulad ng plano niya.

Kakatok sana siya sa pinto ng kuwarto nang bigla iyong bumukas. Nagkatitigan sila ni Haze.

God! Bagong gising na at lahat-lahat pero maganda pa rin ang babaeng 'to sa paningin niya. How sick was that?

"Hey." He bit his lower lip. "Good morning."

Nagdilim agad ang mukha nito. "Walang maganda sa morning," pagtataray nito, saka bumaba ang tingin sa tray na dala niya. "Para sa akin 'yan?"

Tumango siya. "Peace offering."

Tinanggap nito ang tray, saka malakas na isinara ang pinto sa mukha niya.

His face contorted in annoyance. Talagang malapit na siyang sumabog. Haze was really testing his not so long patience.

Kumatok siya ul isa pinto. "Open the door, wifey!"

"Go to hell!" sigaw nito sa loob.

"Ano ba, Haze, nasa loob ang damit ko. Maliligo ako at kailangan ko ng pamalit."

"Eh, di maligo ka. Pakialam ko sa 'yo!" sigaw na naman nito.

Naiiritang umalis si Haze sa harap ng pinto at nagtungo sa lower deck. Ang mga kahon ang pinagdiskitahan niya. Dinala niya ang mga iyon sa kusina. Nang ang huling karton na ang bubuhatin niya, bigla siyang natapilok at sa kasamaang palad ay nahulog siya sa dagat.

"Fuck!" he cursed. "Fuck shit!" Sinubukan niyang umahon pero nadulas lang ang kamay niya. "I am having a fucking bad day. Argh!"

After one minute of trying to pull himself up, he finally succeeded. At dahil hindi naman siya papasukin ng asawa niya, nanatiling basa ang damit na suot niya. He moved in the kitchen with wet clothes. Nilalamig na siya pero ano ang magagawa niya? Nasa loob ng kuwarto ang mga damit niya.

"God." He shivered. "I'm fucking cold." Inihilamos niya ang palad sa mukha, saka napamura uli nang bumahing siya nang malakas. "Hell." He shivered again. "Fuck this!"

Hinubad niya ang pang-itaas na damit, saka ang pantalon at boxer. He moved around naked in the kitchen. Nilinis niya ang kusina at nagsaing. May rice cooker naman kaya hindi masusunog ang kanin.

Thank God for inventing such technology.

Pagkatapos niyang maglinis sa kusina, ang sala naman ang sinunod niya hanggang sa lower deck at top deck. He cleaned the whole yacht while he was naked like the day he was born.

Bumalik si Lath sa sala at tamang-tama naman na palabas si Haze sa kuwarto. Nagtama ang mga mata nila at bumaba ang mga mata nito sa pagkalalaki niya na ngayon ay unti-unti nang nabubuhay. Umawang ang mga labi nito at nagkulay-kamatis ang mukha.

He smirked at Haze. "Enjoying the view?"

Napasinghap ito, saka mabilis na nag-iwas ng tingin. "B-bakit ka ba n-nakahubad?"

Lumapad ang ngisi niya, saka lumapit sa asawa. Tumigil siya nang ilang dangkal na lang ang layo ng katawan nila. Hindi makatingin sa kanya si Haze. Pulang-pula ang pisngi nito.

POSSESSIVE 10: Lath ColemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon