CHAPTER 14
PUMASOK SI HAZE kinabukasan sa AirJem Airlines. Wala naman siyang gagawin sa condo niya kundi ang humilata at i-stress ang isip kung ano ang gagawin niya ngayong may laman ang tiyan niya.
This morning, she vomited again and her body weakened a little. Her head was about to blow off.
Urgh!
"Girl, kumusta ka na?" Ang matinis agad na boses ni Thalia ang pumuno sa tainga niya nang makapasok sa locker room.
"I'm fine." Binuksan niya ang locker at inilagay ang ilang gamit na dala. "Ikaw?"
"Huwag mo nang alamin ang tungkol sa akin." Lumapit sa kanya si Thalia. "According sa tsismis, nagbakasyon ka sa ibang bansa bilang bonus sa iyo ng Big Boss. Ang daming nainggit sa 'yo, lalo na ang ibang head natin. At saka vacation with pay ka pa."
She sighed in frustration. "Hindi ako nagbakasyon at lalong wala akong suweldo sa mga absents ko—"
"Why don't you go to the manager's office? Siya ang tanungin mo, siya ang nagsabi sa amin."
Isinara ni Haze ang locker, saka huminga nang malalim. "Pupunta lang ako sa manager's office."
Lumabas siya ng locker room, saka nagtungo sa opisina ng manager. Kumatok muna siya sa pinto bago lumabas. Hindi na siya nagpaalam sa sekretarya kung puwedeng istorbuhin ang manager.
"Hi, Ma'am," magalang niyang bati sa ginang. "Can I speak with you?"
"Of course, Miss Tito." Iminuwestra nito ang kamay sa visitor's chair. "Ano'ng kailangan mo?"
Umupo siya. "Magtatanong lang sana ako kung puwede kong makita ang file ng vacation leave ko? O kahit anong papel na magpapatunay na nagbakasyon ako sa ibang bansa nitong mga huling linggo na wala ako."
"Of course." Itinuro nito ang steel cabinet na nasa sulok ng opisina. "Hanapin mo sa pinakamataas na cabinet. Hanapin mo ang folder na nakapangalan sa 'yo, nandoon lahat ng files mo. Ikaw na ang kumuha, medyo abala ako, eh. Pakibalik din pagkatapos mo."
"Salamat po."
Agad niyang nilapitan ang cabinet at binuksan iyon, saka mabilis na hinanap ang folder na may pangalan niya.
Haze Tito
There it is! Mabilis niyang hinugot iyon palabas ng cabinet, saka binuksan ang folder.
Naroon pa ang TOR niya, resumé at application letter. Napangiti siya habang binabasa iyon uli. Naalala pa niya nang matanggap siya bilang isang stewardess, sobrang saya niya noon. It felt like she was on top of the world. Parang may nagawa siyang napakaimportante sa buhay niya.
Una siyang na-assign bilang stewardess sa isang branch ng AirJem sa isang probinsya. Ang hirap n'on kasi wala siyang kakilala. So she asked the management to reassign her in the AirJem Airlines main branch. Hindi na siya umasa na matatanggap ang request niya.
Pero dalawang araw lang, nakatanggap agad siya ng memo. It was her happiest day.
Haze flipped the pages in the folder and stopped. Nagsalubong ang mga kilay niya at nagtaka.
What is this letter?
Nanlalamig ang kamay na binasa niya ang nakasulat. It was a recommendation letter from Lath Coleman. He recommended her to be assigned in AirJem Airlines main branch. He was an investor with big account. Kaya naman pala madaling naaprubahan ang request niya noon.
Parang nanghina ang lahat ng buto niya sa katawan. The shock was radiating through her body.
Hindi siya makapaniwalang tumawa sa nabasa. Lath... Lath was the reason why she was reassigned. He recommended her!
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 10: Lath Coleman
General FictionLath Coleman was way too wicked and tricky for his own good. He would blackmail, threaten and pay someone to get what he wants. And he wants Haze Tito - the woman who hates him from Earth to the moon and back. At mas gugustuhin pa nitong ilibing siy...