CHAPTER 8
DAYS PASSED in a blur. Pagkatapos ng nangyari sa kanila nang malasing siya, hindi na makatingin si Haze nang deretso kay Lath. Palagi siyang nagkukulong sa kuwarto at ang lalaki naman ay sa sala natutulog.
At hindi siya nakikipag-usap dito. Alam kasi niya ang pag-uusapan nila. It was her way to preserve herself.
Nang gabing 'yon, nakaupo si Haze sa sofa at nagbabasa ng magazine na nahanap niya nang biglang bumaba si Lath mula sa top deck at tumigil sa harap niya.
Tumikhim ito. "It's been days since we did it, Haze. And it's been days that you've been acting like nothing happened. I'm going insane of thinking of what happened between us."
Agad siyang nag-iwas ng tingin. "Lasing ako nang gabing 'yon at ayokong pag-usapan 'yon."
"Bullshit." Hinawakan siya nito sa braso at hinila patayo.
"Lath, ano ba—"
He slammed his lips on hers, shocking her. Kinagat nito ang pang-ibabang labi niya, saka bahagyang nilagyan ng distansiya ang mukha nila.
"Sasabog na ang utak ko sa kakaisip sa nangyari sa atin." Samu't saring emosyon ang nasa mga mata nito. His eyes were bare, open, for her to see. "Bakit ayaw mo akong kausapin? I am that unworthy to you? I know you hate me but please, I'm losing my mind, Haze! Why won't you talk to me? Why?" He sounded vulnerable.
Napatitig siya sa mga mata nito na ngayon ay unti-unti nang nawawala ang emosyon—itinatago na naman nito 'yon sa kanya.
"Ayokong pag-usapan 'yon. Lasing ako no'n at wala sa tamang pag-iisip."
Mapakla itong tumawa. "Ouch. I never felt more worthless and pathetic in my life. Akala ko naman may iba kang rason kung bakit mo ako hinayaang angkinin ka."
Nagbaba si Haze ng tingin para itago ang kislap ng kanyang mga mata. Her eyes would give her away. "Ayokong pag-usapan ang nangyari sa atin, Lath. Ang gusto kong pag-usapan ay kung kailan mo ako iuuwi."
Anger flashed on his eyes. "Never! Hindi kita iuuwi!" he snapped and stormed off.
Napanganga siya. "Lath!"
Naglalakad na ang lalaki patungo sa top deck. Mabilis niya itong sinundan at akmang sisinghalan na naman niya ito nang makatanggap ito ng tawag. Umirap siya sa hangin, saka sumandal sa railing.
Tumingala siya sa kalangitan at medyo napawi ang galit niya nang makita ang maraming bituin na nagniningning. She could almost... almost, appreciate the beautiful scenery before her. Pero nangingibabaw ang inis at galit niya kay Lath.
Humugot si Haze ng isang malalim na hininga, saka tumingin sa karagatan. Mukhang hindi sila malayo katulad ng una niyang naisip. Mula sa kinatatayuan niya, may nakikita siyang nagkikislapang ilaw. Malayo na iyon pero sapat na para makita niya.
Malapit lang ang yate sa sibilisasyon. Madali lang silang makakauwi kung gugustuhin ni Lath. And tanong, gusto nga ba nito? Kasasabi lang nito kani-kanina lang na ayaw siya nitong iuwi.
PAULIT-ULIT na binabasa ni Lath ang text sa kanya ni Lash noong nagdaang gabi.
From: Lash, poker face
Divorce her and leave her alone.
Leave her alone? Leave Haze alone? That would send him to mental institution.
Hindi niya hahayaang makawala si Haze sa kanya. He already tasted the feeling of having her, making love to her. It was heaven and he would have that heaven feeling again.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 10: Lath Coleman
General FictionLath Coleman was way too wicked and tricky for his own good. He would blackmail, threaten and pay someone to get what he wants. And he wants Haze Tito - the woman who hates him from Earth to the moon and back. At mas gugustuhin pa nitong ilibing siy...