CHAPTER 13

1.6M 31.8K 4.9K
                                    

CHAPTER 13

HINDI NA MABILANG ni Haze kung ilang beses na siyang inangkin ni Lath. Basta ang alam niya, maraming beses na at lahat 'yon ay wala siyang pagtutol na naramdaman.

Halos magtatatlong linggo na sila sa yate at paubos na rin ang pagkain nila. One more week, and she could finally return home.

Dapat ang inaalala niya ay kung paano pipigilan ang mas lumalalim niyang nararamdaman para kay Lath, pero hindi, iba ang inaalala niya.

Huminga siya nang malalim. She needed to know and make sure that her assumption was correct. Baka mali lang siya, baka naguguluhan lang siya. Hindi rin nakakatulong sa pag-aalala niya ang palagi niyang pagduduwal nitong nakaraang dalawang araw at wala naman siyang ganang kumain.

"Lath?" tawag niya sa pangalan ng lalaking nakahiga sa recliner na nasa tabi niya.

Dahil wala silang magawa, napagdesisyon nilang magbilad sa araw. It was just eight in the morning. Maaga kasi nilang natapos ang routine nila ni Lath sa umaga—wake up, have sex and cook. Ang nilutong nilang agahan ay nasa maliit na table na pinapagitnaan ng recliner nila ni Lath.

"Hmm?" Tinanggal nito ang sunglasses na suot, saka bumaling sa kanya.

"Ahm..." Bumaling siya rito. "Anong petsa na ngayon?"

Inabot nito ang cell phone na inilapag lang sa sahig, saka binuksan ang calendar. "It's 27th."

Umawang ang mga labi ni Haze. No! Baka hindi tama ang bilang niya. But... oh, God.

Umayos siya ng upo, saka inabot ang kape. Akmang sisimsim siya nang maramdaman ang pamilyar na paghalukay ng tiyan niya. The coffee smelled gross!

Shit! Mabilis niyang ibinalik sa mesa ang tasa, saka patakbong tinungo ang gilid ng yate at sumuka. Mabilis namang dumalo agad si Lath at hinagod ang likod niya.

"What's gotten into you?" may pag-aalalang tanong nito. "May nakain ka bang hindi maganda?"

She vomited again. "W-water."

"Wait." Mabilis na umalis sa tabi niya si Lath at nang bumalik ay may dala nang isang basong tubig. "Heto na."

Inimumog niya ang tubig, saka umupo sa sahig at napatitig kay Lath na halata ang pag-aalala sa guwapong mukha.

"Ayos ka lang?"

Pilit siyang tumango. "Yeah."

He was still worried even after she said yes. "Sigurado ka ba na ayos ka lang?"

Tumango uli si Haze. "Oo." Tumayo siya, saka bumalik sa recliner. Ganoon din ang ginawa ni Lath.

Habang nakahiga ang lalaki sa recliner, pinakatitigan niya ito nang matiim. It seemed that she was right. Noong isang araw pa niya iyon inaalala.

Hindi katulad ng ibang babae, fix ang date ng menstruation niya. At dapat dinatnan na siya noong 25th. Pero 27th na ngayon, dalawang araw na ang nakakaraan, wala pa rin. Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Her menstruation never missed the exact date. Palaging eksakto ang petsa kung kailan siya dadatnan ng dalaw.

Holy shit! I can't be pregnant!

Bumuga si Haze ng malalim na hininga. Hindi pa naman siya sigurado. Haka-haka lang niya 'yon. Wakang kasiguruhan. Bakit naman kasi ang gaga niya? Bakit hindi niya naisip na gumamit ng proteksiyon?

Good God. She couldn't be pregnant!

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Kung buntis nga siya, matatanggap kaya 'yon ni Lath? Paninindigan ba nito? God! Lath was a sought-after bachelor. Beautiful women chased after him. Sino ba siya para makipagkumpetensiya sa mga kababaihang 'yon? They were more beautiful, graceful, rich and elegant than her. Ano ang laban niya ro'n?

POSSESSIVE 10: Lath ColemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon