CHAPTER 23

1.6M 37K 7K
                                    

A/N: I want to dedicate this chapter to Haze Tito. A very dear friend of mine. Bitter po ang babaeng ito, parehas kami. Haha. Sana hindi ka na maging bitter kapag nabasa mo 'to. Thank you so much Haze, for letting me use your name.

At nagpapasalamat din ako sa mga nagbasa ng kuwento ni Lath. Salamat sa Vote, reads at comments. Salamat din sa mga silent reader na walang sawang nagbabasa ng gawa ko. I know you're there and I want to thank you for reading my works :)


CHAPTER 23

KINAKABAHAN SI HAZE habang nakaupo sa tabi ni Lath sa mahabang sofa habang kaharap ang mga magulang nito. Nanginginig ang mga kamay niya at nanlalamig. Nang makababa sila ng eroplano galing probinsya, agad silang tumuloy roon.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi habang ipinapakilala siya ni Lath.

"Dad, Tita Elspeth..." Pinisil nito ang kamay niya. "This is Haze, my wife. She's a stewardess and a very amazing woman whom I love so much."

Kinakabahan siyang ngumiti sa mga magulang nito. "Hello po. Nice to meet you."

Nakahinga siya nang maluwag nang ngumiti ang ama ni Lath. "Ikinagagalak din kitang makilala, hija."

"Ako rin," sabi ng stepmother ni Lath. Mukha itong mabait.

Mas lumapad ang ngiti niya. "Salamat po."

Lath's father smiled softly at her. "Welcome to the family, hija. Call me Dad from now on. Okay?"

"Opo..." Huminga siya nang malalim. "Dad."

Tumayo ang ginang lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya at siya naman ay tumayo para magpantay ang mukha nila. "Welcome to the family, Haze. You can call me Mommy or Tita Elspeth." Ngumiti ito at niyakap siya. The she pulled away. "So, ikaw ang date ni Lath para bukas?"

Naguguluhang napatingin siya kay Lath, and he had the same expression as her.

"Anong date?" tanong ni Lath.

Ngumiti si Tita Elspeth. "Napagdesisyunan namin ng daddy mo na magpa-party para sa birthday n'yo ni Lash bukas ng gabi. Doon ang venue sa Black Pearl Cruise Ship. And yes, pumayag na si Lash sa tulong ni Nez."

"Hmm." Lath grinned. "Party. We should go." Tumayo ito at niyakap siya sa baywang. "Ano sa tingin mo?"

"Sure. Okay lang."

"Great." He kissed her temple and looked at his parents. "Sige, ipapakilala ko muna si Haze sa mga katulong natin at sa lahat ng tao sa bahay na 'to. Everyone should know that she's my beloved wife."

Pagkasabi niyon ay hinila siya ni Lath patungo sa kung saan at sumunod naman siya.

TUMAWA NA LANG si Haze nang makitang ini-lock ni Lath ang pinto ng kuwarto nito.

"Ano na namang kahalayan ang nasa isip mo?" tanong niya pagkatapos sumimsim ng fresh strawberry juice na ginawa sa kanya ng mayordoma.

Lath chuckled, wrapped his arms around her waist and pulled her close. "I love you..." Hinalikan nito ang pisngi niya pababa sa leeg. "And I want to make love to you now..." he whispered huskily. "Kanina pa ako nagpipigil."

Itinaas niya ang kamay na may hawak na baso ng kalahati pa ang strawberry juice na laman. "Ubusin ko muna 'to."

"Nope." Inagaw nito ang baso sa kanya, saka ginawaran siya ng halik sa mga labi. "I love you."

"I love you too," buong pagmamahal niyang tugon.

Umalis sa harap niya si Lath para ilagay ang baso sa bedside table, saka bumalik sa kanya. Agad siya nitong hinubaran, walang saplot na itinira.

POSSESSIVE 10: Lath ColemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon