EPILOGUE
"ZERO COLEMAN, bababa ka riyan sa railing o tatawagin ko ang mommy mo para pagalitan ka?" pananakot ni Lath sa sampung taong gulang na anak na naglalambitin sa railing ng Black Pearl Yacht.
Tumawa lang si Zero at idinipa ang mga braso. "I am Captain Zero Coleman!" sigaw nito habang ang kakambal nitong si Zennon ay tatawa-tawa lang habang nakaupo sa gilid ng railing.
"Zero! Zennon! Makinig nga kayo sa akin!" Nag-uumpisa na siyang magalit.
Ang kambal niyang anak ang may pinakamatitigas na ulo sa balat ng lupa. Nai-stress siya sa dalawang 'to pero mga anak naman at mahal niya kaya kinakaya at pinagpapasensiyahan na lang niya.
"Fuck!" His twin, Lash, cursed. "Phaxton! Bumaba ka riyan. Shit! Patay tayo sa mommy mo kapag may nangyaring masama sa 'yo."
Mahinang natawa si Lath. Thirty years ago, sila ang palaging sinasaway ni Lash dahil sa kakulitan nila. Thirty years later, sila na ang nananaway sa mga anak nilang ang titigas ng ulo.
Nilapitan niya si Zero na naglalambitin pa rin. "Anak, baba ka na riyan."
Bumaling ito sa kanya, saka sumimangot. "Daddy, ayoko pa. Gusto ko pang maglambitin."
Zennon who was sitting on the floor while leaning on the railing, chuckled. "Dad, hindi ka pa nasanay sa pagiging unggoy ni Zero."
Lath sighed exasperatedly and glared at Zero. "Bababa ka riyan o wala kang chocolate milk mamaya?" he threatened. "Mamili ka."
Zero puffed his chest like an old man. "Captain Zero knows when to surrender." Malapad itong ngumiti, saka bumaba sa railing at tumakbo patungo kay Phaxton na nasa gilid din ng railing.
Napailing-iling siya at minasahe ang noo.
"Hey, Zennon, wanna play chess?" tanong ng anak ni Lash na si Rexter sa anak niyang nakaupo lang.
Zenoon nodded. "Sure."
Magkasama ang dalawa na pumasok sa loob at nagkatinginan sila ni Lash.
"Kanino kaya nagmana ang dalawang 'yon?" tanong ni Lash sa kanya.
Nagkibit-balikat siya. "Sa akin. Mabait talaga ako."
Binatukan siya nito. "Sige, mangarap ka pa nang gising. Anong mabait? Demonyito ka dati."
Tumawa siya nang malakas. "Ikaw rin naman, eh. Aminin."
Ngumiti si Lash. "Yeah... I guess so."
"I guess so ka riyan." Umingos siya. "Gusto mong sapakin kita?"
Tumawa lang si Lash na bigla ring naputol nang marinig niya ang sigaw nina Phaxton at Zero.
"Banzai!"
Mabilis silang napatingin ni Lash sa direksiyon ng mga anak nila at wala na ang mga ito sa gilid ng railing.
"Fuck!" sabay silang napamura ni Lash at tumakbo palapit sa railing, saka tumingin sa 'baba.
And there they were—Zero and Phaxton, swimming and laughing at their faces.
Pareho silang nagpakawala ng buntong-hininga ni Lash, saka nagkatinginan.
"Mamamatay ako dahil pag-alala sa anak ko," wika ni Lash.
Tumango siya. "Same here, brother-mine. Same here."
Tamang-tama naman na dumating na ang asawa nila at naglalakad palapit sa kanila.
Thank God.
"Ano'ng nangyari?" tanong ni Haze sa kanya. "You look pale?"
"Oo nga," segunda ni Nez. "Ano'ng nangyari sa inyo?" Sinundot-sundot nito ang pisngi ni Lash. "You're pale too."
"Who wouldn't be?" Itinuro niya sina Zero at Phaxton na lumalangoy sa dagat.
Mahinang natawa si Haze. "O, so, ngayon, nag-aalala na kayo?"
Nez rolled her eyes. "That's what happened when you raise your kids near the beach. At halos araw-araw sa buhay nila ay narito sa yate o kaya naman lumalangoy sa dagat."
Tumango si Haze bilang pagsang-ayon. "Sino ba ang nagturong lumangoy sa mga anak natin?"
Nanulis ang nguso ni Lath. "Ako. But that's for safety purposes."
Umirap sa hangin sina Haze at Nez, saka tinawanan lang ang pag-aalala sa mukha nila ni Lash.
Then they heard shouts again and a loud splash. Apat na pares na mga mata ang tumingin sa ibaba. Hindi lang sina Zero ang Phaxton ang naroon kundi pati na rin sina Zennon at Rexter.
Nagkatinginan sila ni Lash. They shared the same thoughts at the moment. Tumango siya at tumango rin ang kakambal niya.
"Let's do this?" Lash asked.
Lath grinned. "Time to show our kids who's the boss in jumping from the yacht down to the sea."
Haze tsked. "Kids."
"Definitely," sang-ayon ni Nez.
Lath gave his wife a cheeky grin. "I love you, wifey."
Haze rolled her eyes. "I love you too, hubby."
His heart flipped. After ten years, those three words still have the same effect as before. At mas nadagdagan pa ang pagmamahal niya rito sa bawat araw na ginawa ng Diyos.
"Let's jump," sabi ni Lash.
Lath smirked. "Let's do it.
Sabay silang naghubad ng damit at tanging boxer lang ang itinira. Hinalikan muna nila ang kanilang magandang asawa bago tumalon sa dagat.
Sa tanang buhay niya, masasabi lang niyang naging tunay siyang masaya ng magkaroon siya ng pamilya. He became a better man, a good father, a loving husband because of his beloved wife, Haze. He loved her so much, and he knew that she loved him too.
Dahil sa nangyari sa kanila ni Haze, may natutunan siyang isang bagay. Kung may gusto ka, huwag mong hintayin nadumating 'yon sa 'yo. Dapat gumawa ka ng paraan. Miracle did happen, but you have to do something for it to happen.
Tricking Haze to sign their marriage certificate was the best decision he ever made in his effing life.
THE END
CECELIB | C.C.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 10: Lath Coleman
General FictionLath Coleman was way too wicked and tricky for his own good. He would blackmail, threaten and pay someone to get what he wants. And he wants Haze Tito - the woman who hates him from Earth to the moon and back. At mas gugustuhin pa nitong ilibing siy...