CHAPTER 10

1.8M 33.3K 8K
                                    

CHAPTER 10

DAHIL MEDYO nanghihina pa ang katawan ni Haze pagkatapos ng pagtatalik nila ni Lath sa sahig—na sobrang nakakahiya—binuhat siya nito patungo sa kusina at pinaupo sa island counter.

She was only wearing her bra and panties. Goodness. Nandoon sa top deck ang damit niya. Lath was also topless and only wearing his boxer shorts.

Nagsalin si Lath ng kape sa tasa, saka ibinigay yon sa kanya na agad naman niyang tinanggap. Inilabas nito ang sandwich na ginawa para sa kanya.

"Heto..." Inilapag nito ang plato na pinaglalagyan ng sandwich sa tabi niya. "Kainin mo 'yan."

Napatitig siya kay Lath na naghahanda na para magsaing. Sinusundan ng mga mata niya ang bawat galaw nito. She was transfixed by the way he moved with ease. Oo nga at hindi ito marunong magluto pero magaling ito sa ibang bagay. Tulad ng paglilinis, pagsasaing at paggawa ng sandwich.

Kumagat siya ng sanwich at sumimsim ng kape. "Lath?"

"Hmm?"

"Thanks."

Napatigil ito sa ginagawa at napatitig sa kanya. "What?" Nakaguhit ang gulat sa mukha nito.

Ngumiti siya. "Salamat sa agahan."

"Oh." He, too, smiled and she melted. "You're welcome, wifey. Asawa kita. Hindi ako magsasawang gawan ka ng agahan."

Her heart skipped a freaking beat. "Ahm..." Natunaw yata ang puso niya. "Salamat uli."

Lath just wiggled his eyebrow and continued whatever he was doing. Ibinaling naman niya ang atensiyon sa agahan. Masarap iyon, lalo na ang sandwich at talagang nabusog siya.

Pitong sandwich ba naman ang ginawa, eh.

Haze suddenly looked at Lath when she heard him humming a song. Wala ito sa tono pero kahit ganoon, alam pa rin niya kung anong kanta 'yon.

"Beautiful," wika niya.

Magkasalubong ang mga kilay nito nang bumaling sa kanya. "Ha?"

"'Beautiful...'" Inubos niya ang natitirang kape sa tasa. "That's the title of the song you're humming."

"Oh." Marahan itong natawa. "Lash, my twin, has this annoying habit of singing in our private cabin while we're cruising. Isa iyan sa palagi niyang kinakanta kaya na-memorize ko na lang. Pero hindi katulad ng kakambal ko, wala akong talent sa pagkanta. Hands down ako sa bagay na 'yon."

Mahina siyang natawa. "Ayos lang naman kahit wala sa tono, basta galing dito." Itinuro niya ang puso, saka inubos ang natitirang sandwich.

"Hmm..." Iyon lang ang naging tugon ni Lath.

She spread his arms at him. "Halika rito." Agad naman itong lumapit sa kanya at ipinalibot niya ang mga braso sa leeg nito. "Unlike you, I can sing, but not that good. Kaya ko lang kumanta pero hindi pang-singer ang boses ko."

Mahina itong tumawa. "Sige nga, sample."

Tumikhim si Haze para mawala ang kabang nararamdaman, saka kumanta habang titig na titig sa mga mata nito.

She smiled as she hit the chorus.

Lumamlam ang mga mata ni Lath. Masuyo nitong sinapo ang mukha niya, saka hinaplos ang pisngi niya. He brushed his lips against hers, kapagkuwan ay kumanta ito nang wala sa tono.

Kinanta nito ang chorus at mahina siyang natawa. Wala talaga itong talent sa pagkanta. As in wala, pero hindi n'on napigilan na kiligin ang puso niya. Lath's off-key singing didn't matter. Mas mahalaga sa kanya ang lyrics ng kinakanta nito.

POSSESSIVE 10: Lath ColemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon