CHAPTER 18

1.5M 31K 2.6K
                                    

CHAPTER 18

HINDI MABILANG ni Haze kung ilang beses na bumahing si Lath habang nagmamaneho ito pauwi sa townhouse na tinutuluyan nila. Kaya hindi na rin nagtaka si Haze nang kinagabihan ay nagkaroon ito ng lagnat.

Apat na kumot na ang patong-patong na nakapulupot sa katawan ni Lath pero nilalamig pa rin ito.

Abala si Haze sa paggawa ng sopas, pagkatapos ay nagmaneho siya patungo sa pinakalamapit na botika at bumili ng gamot. Nang makabalik sa bahay, tamang-tama naman na medyo lumamig na ang niluto niyang sopas. Naglagay siya ng sopas sa plato at gumawa ng fresh juice, saka dinala iyon sa kuwarto ni Lath.

Worry filled her when she saw Lath shivering. Kasalanan niya iyon. Kung sana lang ay hindi niya sinabing punuin ang basket, eh, di sana maayos ang lagay nito ngayon.

Agad siyang lumapit at umupo sa gilid ng kama. Hinaplos niya ang pisngi nito. "Lath, gising. Kakain ka."

Dumaing ito at unti-unting nagmulat ng mata. "W-wifey?"

Masuyo niya itong nginitian, saka patuloy na hinaplos ang pisngi nito. "Okay ka lang, hubby? Kaya mo bang umupo? Susubuan kita." Napakalambing ng boses niya.

Lath grunted and then he pushed himself to sit up. Mabilis niyang nilagyan ng unan ang likod nito para doon ito humilig habang sinusubuan niya.

"Thanks." Lath leaned on the pillow behind him and stared at her. Tumaas ang sulok ng mga labi nito. "Ito ang pangalawang beses na tinawag mo akong hubby. Kailangan ko pa palang magkasakit para tawagin mo uli ako ng ganyan."

Ngumiti siya, saka hinalikan ito sa noo. "Gumaling ka lang, I'll call you hubby anytime."

Mahina itong tumawa. "Aasahan ko 'yan."

She smiled and readied the soup. "Subuan kita. Kailangan may laman ang tiyan mo bago ka uminom ng gamot."

Tumago ito at ibinuka ang mga labi nang iumang niya ang kutsara na may lamang sopas sa bibig nito.

"Masarap ba?" tanong niya.

"Wala naman akong malasahan, pero siguradong masarap. Ikaw ang gumawa, eh."

"Nambola na naman," tumatawang sabi niya, saka sinubuan uli ito.

Sa loob ng sampung minuto, naubos ni Lath ang sopas na dala niya. Inilapag niya ang plato na tray, saka kinuha ang gamot at isang basong fresh juice at iniabot iyon dito.

"Uminom ka na."

Agad namang sumunod si Lath, pagkatapos ay nahiga uli sa kama. Inayos naman niya ang kumot nito.

"I'm cold," Lath said while shivering.

Nag-uumapaw na siya sa pag-aalala.

Nahiga siya sa tabi nito at naki-share sa kumot, saka ito niyakap. His body was hot and hers was cold. Hindi yata makakatulong ang init ng katawan niya. Sa isiping iyon, akmang babangon siya pero yumakap sa baywang niya si Lath at isinubsob ang ulo sa leeg niya.

"Don't leave," paanas na sabi nito. "Huwag mo akong iwan, please?"

Yumakap siya at hinalikan ang noo nito. "Matulog ka na, hubby."

He kissed her neck, sending tingles down her spine. "I love you, wifey. Please, maniwala ka naman sa akin. Ano ba pa ang puwede kong gawin para maniwala kang mahal na mahal kita?"

Napakalakas ng tibok ng puso ni Haze. Para iyong nakikipagkarera sa sobrang bilis.

Hinaplos niya ang buhok ni Lath at pagkalipas ng ilang minuto, naramdaman niya ang malalim nitong paghinga. He was asleep.

POSSESSIVE 10: Lath ColemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon