CHAPTER 7
BUMUGA NG MALALIM na hininga si Haze habang nagluluto ng hapunan nila. After that kiss, ginawa niya ang lahat para iwasan si Lath. Nagkulong uli siya sa kuwarto niya at naligo— salamat sa mga damit na nasa kahon. Pagsapit ng gabi ay lumabas siya sa kuwarto at nagtungo sa kusina nang magutom siya.
Thankfully, Lath was not around. Hindi niya alam kung nasaan ito at wala siyang pakialam.
Wala nga ba?
She sighed again. Ayaw na niya itong singhalan o sigawan, napapagod na siya. Pero iyon lang ang tanging paraan para maprotektahan ang puso niya na alam niyang mahina pagdating kay Lath.
She was so tired of fighting her feelings for Lath. Nakakapagod din palang labanan ang nararamdaman. Umaamin naman siyang hindi napalitan sa puso niya si Lath. She was just fighting so hard because of self-preservation. She was fighting so hard to keep her heart from hurting again.
Nang buksan niya ang ref, kumuha siya ng frozen meat na balak niyang adobohin, at may nakita siyang canned beer. Kinuha niya iyon at binuksan.
Maybe a beer could help her forget a little.
Habang nagluluto, umiinom siya. The beer felt good in her throat. The taste was bittersweet. Panay ang inom niya at nakailang beer siya hanggang matapos magluto.
Pinatay niya ang stove at mariing napapikit nang maramdamang parang nahihilo siya.
Napatitig siya sa mga basyo ng beer na wala nang laman. Nagkalat iyon sa island counter.
She closed her eyes and opened it again. Wala na siyang ganang kumain. Lumabas siya ng kusina habang hawak-hawak ang isang canned beer na kalahati na lang ang laman.
Nagtungo siya sa lower deck at naupo sa duyan, saka tumingin sa dagat habang inuubos ang laman ng beer. Her eyes settled on the silhouette of a man swimming towards her. Kahit lasing, nakaramdam siya ng takot. Sisigaw sana siya nang mapangsino niya ang lumalangoy.
It was Lath! And he was naked. Again.
Sa halip na umahon, inilagay nito ang mga braso sa gilid ng yate na naabot ng tubig-dagat at tumingin sa kanya.
"Hey, wifey." He smiled.
Her heart hammered inside her chest.
Dalawang metro lang ang layo nila ni Lath, siya nakaupo sa duyan at ang lalaki naman ay nasa gilid ng yate, tanging ang ulo at braso lang nito ang nakaahon.
Lasing na siya, alam ni Haze iyon dahil namumungay ang mga mata niya.
"Hey."
Kumunot ang noo ni Lath. "Okay ka lang? Hindi mo ako sisinghalan o aawayin? I mean, that's what you've been doing since we came here."
Umalis siya sa pagkakaupo sa duyan at naglakad palapit sa lalaki. Nang makalapit na, lumuhod siya sa sahig at pinagpantay ang mukha niya at mukha ni Lath.
"Hubad ka ba?" Wala na siyang hiya dahil sa epekto ng alak.
Lath's eyes widened and he nodded. "Oo. Bakit?" Hope glimmered in his amethyst eyes.
She pouted. "Umahon ka, please?"
Tumango uli si Lath at mabilis na umahon. Nakatayo na ito samantalang siya ay nakaluhod pa rin.
Haze felt so bold as she looked up at Lath. Nakita niyang nagtagis ang mga bagang ng lalaki at halatang nagpipigil.
"Tumayo ka riyan, wifey," sabi nito na parang nahihirapang magsalita. "Mababaliw ako sa posisyon nating dalawa."
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 10: Lath Coleman
Ficción GeneralLath Coleman was way too wicked and tricky for his own good. He would blackmail, threaten and pay someone to get what he wants. And he wants Haze Tito - the woman who hates him from Earth to the moon and back. At mas gugustuhin pa nitong ilibing siy...