CHAPTER 11
A WEEK HAD PASSED and Haze's feeling for Lath was growing. Hindi na niya iyon napigilan pang lalong lumago. Lath treated her like she was a very important person in his life. Kung puwede pa siya nitong subuan, ay susubuan siya tuwing kumakain sila.
And their supply was running small. Nararamdaman ni Haze, isang linggo na lang ang itatagal nila sa yate na 'yon.
Shit! She didn't want this to end but it had to! Kailangan niyang masanay na hindi na niya makakatabi sa pagtulog si Lath, na walang nang hahalik sa kanya sa bawat paggising niya, hindi na siya magna-night swimming kasama si Lath at wala nang magkasamang nagluluto. All of it would come to an end. Soon.
Tulad na lang ngayon, nakaupo sila ni Lath sa duyan at hawak-hawak nito ang kamay niya. Ang puso niya ay walang humpay sa pagtibok nang malakas, para iyong nakikipagkarera.
Nakahilig ang ulo niya sa balikat ni Lath nang bigla na lang itong nagsalita.
"Laro tayo."
Kumunot ang noo ni Haze. "Ano ka, five years old?"
Pinisil nito ang kamay niya. "Nope, but I want to play this game."
Nag-angat siya ng tingin at pinakatitigan si Lath, kapagkuwan ay pumayag din siya. Kung tama ang nabasa niya sa mga mata nito, seryoso talaga ito sa paglalaro.
"Fine. Ano naman 'tong lalaruin natin?"
Ngumisi si Lath at nakita niya ang kapilyuhan sa mga mata nito. Sabi na nga ba, hindi mapagkakatiwalaan ang kumag na 'to.
"Well, wifey..." Paharap itong umupo sa kanya at ganoon din ang ginawa niya. "Ang larong 'to ay tagisan ng katalinuhan, pero may twist siyempre."
"Ooo-kay." Kinakabahan na siya sa binabalak na kapilyuhan ni Lath.
He smirked. "Well, magtatanong ako sa 'yo ng kahit ano tungkol sa isang bansa at sasagutin mo 'yon nang tama. Since stewardess ka at marami ka nang napuntahang bansa, madali na lang 'to para sa 'yo."
"Okay," sabi niya.
"Good. At ikaw naman, magtatanong ka ng kahit anong tanong tungkol sa dagat, sa isla, sa kahit anong may kinalaman sa barko."
"Okay." Tumango-tango si Haze. I like this game. "Paano kapag hindi nakasagot?"
Lath rubbed his palms against each other and grinned wickedly. "Kapag hindi mo nasagutan, doon papasok ang twist. Isang mali na sagot, katumbas n'on ay maghuhubad ng isang damit."
Nope. I don't like this game.
She glared at him. "Hmm, isa na naman ba 'to sa kamanyakan mo, Lath?"
Ngumisi ito. "Nope. This is educational."
Malakas na tinampal niya ang balikat nito. "Educational ka riyan. Sabihin mo, inaatake ka na naman ng kamanyakan mo."
Tumawa ito nang malakas, saka inilahad ang kamay sa kanya para makipagkamay. "Okay, shake my hand and we'll start the game. Walang atrasan kapag nag-umpisa na."
Humugot siya ng isang malalim na hininga. "Fine." Nakipagkamay siya rito. "Let's do this."
Tumawa lang si Lath at kampanteng nagsalita. "Ikaw na ang maunang magtanong."
Inungusan niya ito, saka nagtanong. "Kailan lumubog ang Titanic?"
Lath gave her a flat look. "Really, wifey? 'Yan talaga ang tanong mo? Ang dali." He puffed his chest. "April 14, 1912. Hindi sila sure at may nagsasabing April 15 daw."
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 10: Lath Coleman
Genel KurguLath Coleman was way too wicked and tricky for his own good. He would blackmail, threaten and pay someone to get what he wants. And he wants Haze Tito - the woman who hates him from Earth to the moon and back. At mas gugustuhin pa nitong ilibing siy...