Chapter 2

5.4K 92 1
                                    

“YOU!!!” napalingon kaming pareho.

(o.o)   Nagulat naman ako ng makitang nasa harap ko na siya at pinaghahahampas ang braso ko.

“Why did you do this to me!?” sinalo ko ang panglima niyang hampas.

“Mitch. I told you, break na tayo.” Hinigit ko naman ang kamay ni Irene. Kaso..

“YOU b!tch! Bakit nasa iyo to!!!?” she mean .. the bralelett.

Akala ko bisto na ako. Pero humanga naman ako kay Irene ng matapang niyang binawi ang kamay niya. “This bracelet was given to me by Andi! And Andi is NOW mine!” dun lang siya nagkamali. NOBODY OWNS ME.

Lumink siya sakin.

“That bracelet—“ tinakpan ko ang bibig ni Irene gamit ang hintuturo ko.

“Mitch, thank you. I had fun with you. But for now, let us be happy. Okay?” ngumiti ako. At salamat, speechless na siya.

Umalis na kami dun ni Irene. Tuwang tuwa parin siya. Habang nililikot likot ang maganda kong kamay. Tsss.. pagkatapos kong makipaghalikan sa babaeng to. Ngayon ko lang natanto na.. nagsasawa na ako. Hayy.. paano naman kaya ako makikipagbreak sa isang to. Kung makadikit kasi sakin. Daig pa ang linta.

Hinatid ko na siya sa condo niya.

“Andi?”

“Hm?”

“Next time dito na lang sa condo ko. Ayoko na sa hotel. Mas romantic kung sa sarili mong lugar tayo gagawa ng memories.” Sabi niya habang nililikot ang mukha ko. Agh! Piling naman maaakit ako. Ayoko na! nagsasawa na talaga ako.

“Sige, next time.” I wink. At the same time.. with a fake sweet smile.

Agad ko namang ni-start ang engine at kumaripas ng takbo.

Mamaya maya, tumunog ang phone ko.

“Hello?”

“Hi, is this Andi Rivas?” this voice? Hindi siya pamilyar? At.. unknown number pa.

“Who’s this?”

“This is Sabrina from tourism department. See you at Greenfield hotel this Friday, 9pm. Bye.” Pagkaend niya ng call. Bigla akong kinilabutan. Naks, bakit ba ganon ang mga babae ngayon.

Ang bilis naman ata ng panahon. Ano bang meron ako at masyado naman ata akong maswerte. 8))

“I’m home.” Yumuko naman ako at pinat ang ulo ni Terry. Hinimod naman niya ang pisngi ko. Napangiti naman ako.

Okay, take note: aso si Terry. Isa siyang German Sheperd. At simula pagkabata inaalagaan ko na siya. Siya lang ata ang first love ko na sineryoso ko. ;D hahaaha

“Oh pinsan!” lumapit naman sakin si Niko. “Musta ang maghapon? Ang mga girls?” umupo siya at kumwatro. Habang nagbabasa ng dyaryo.

“Eto. Gusto na si Sabrina.”

“Dapat ko bang hulaan na bagong target siya o.. seryoso ka na?” halatang curious na curious siya. Natawa naman ako.

“Ano ka ba naman pinsan! Malabo na nga ang mata mo, Malabo pa pati pag iisip mo!” tumabi ako sa kanya habang sunod sunod naman sakin si Terry.

“So bagong target?” tumango naman ako habang napatingin narin sa binabasa niya.

“Bakit ka nagbabasa niyan?” binaleng ko muli ang atensyon ko kay Terry habang naghihintay ng sagot sa kanya.

“Kahit doctor na ako, nahihirapan parin ako.”

“Malamang! Buhay ng tao ang hawak mo e!” natatawa kong sabi.

“At kahit doctor ako, wala parin akong magawa sa mga taong malapit ng mamatay.” Napatigil ako sa sinabi niya.

“Pinsan, lahat naman tayo mamamatay e. Okay lang yan,”

“Ang nakakatawa, babae itong may sakit. Sakit sa puso.”

“Oh ano naman?” kumuha naman ako ng m&m sa table at isinubo. Siya ding binigay ko kay Terry.

“Kapag bumibilis ang tibok ng puso niya, agad agad siyang dinadala sa hospital. At ang nakakalungkot nung sinabi niya..”

‘doc, kung ganito ako ng ganito. Maaga pala akong mamamatay kung magmamahal ako.’ Natameme ako sa sinabi niya.

30 Days with Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon