“p-Paano mo nalaman ang bahay ko?” ang bilis ng tibok ng puso ko. Lalo na nung papalapit siya.
“Salamat sa pagligtas sakin kanina.” Naalala ko na naman ang nangyari .
“Pati ba naman pangingialam sa buhay ko, ginagawa mo.” Inayos ko naman si Terry. Ang likot niya kasi. :o Nagulat na lang ako ng biglang lumapit si Terry sa babaeng yun. “Hoy! Lumayo ka! Kundi kakagatin—“ pinagmasdan ko naman silang dalwa. Si Terry, bigla siyang nagbehave.
Pero.. ayaw niya sa mga babae?
“Ahh namiss kita!” niyakap niya si Terry. Kaya agad akong lumapit sa kanila at tinulak siya.
“Arf. Arf.” Medyo napalakas ata ang pagkakatulak ko sa kanya. Napaupo kasi siya,
“Pati ba naman ang aso ko, yayakapin mo din ng walang permiso!” aalis na sana ako. “Salamat nga pala. Kung hindi dahil sayo—“
“Hindi ako tumatanggap ng pasasalamat!” tiningnan ko siya. Nakahanda ang mga palad niya animo’y may hinihingi.
“May condition ako, please.”
“Ano ka ba talaga!?” napasigaw ako sa sobrang inis.
“Be my boyfriend in 30 days. I’m asking you, just only for 30 days. Andi, I need you.” Nagtiteary eyes na siya,. Tumitibok ng mabilis ang puso ko. :(
“30 Days!? Ano ako hilo!!!?” tumalikod naman ako at naglakad palayo. Kapal kasi talaga, at siya pa itong may ganang mamili ng araw. Paano kung magsawa ako! Kapal.. grr~
“30 days lang ang hinihingi ko. Andi, please.. nauubos na ang araw ko.” Narinig ko pa na mas lalo siyang naiyak.
Kahit pa ang likot likot ni Terry, pinilit ko pa rin siyang hilahin. Thump.. thump.. Agh! Nakokonsensya ang puso ko. Pero bakit naman kasi may mga ganong tao. Kailangan pa ba talagang magmakaawa sila para mahalin din sila ng ibang tao? Diba.. ang pag-ibig dumadating sa tamang araw. Pero.. bakit ako!? At first, ayoko ng relationship. Lalo na if it takes more than 2 weeks..
“ARF! ARF!” nabitawan ko naman si Terry.
“TER—“ (0.O ) Yung babae!!!
BEEEEEPP!!!
“Ah!” agad akong tumakbo at.. hinila siya! Kaya napayakap na ako sa kanya at parehas kaming napahiga sa sahig.
“Arf! Arf!”
“Aray..”
“a-Andi..” pagmulat ko ng mata ko.
“WAAA~” ngumiti lang siya. :|
BINABASA MO ANG
30 Days with Mr. Playboy
RomanceYURI: The story of the popular guy in town, Andi Rivas. Him as the playboy, womanizer, and Casanova loved by everyone. Searching for the right girl, a mysterious girl came and declared her feelings towards him. This girl is so persistent to be his g...