"Andi, kakain na." sabi ni Keli habang inoobserbahan ko parin ang lugar.
Ang tagal ko ng di nakakapunta uli dito. Highschool pa ako noon. Ngayon ko lang nalamang madami pala akong alaala sa lugar na'to. Mga alaalang iniwan ko, :-\ Okay lang kaya kung magstay ako dito?
Sa hapagkainan, ang daming tao. Madaming mga kasing edad ko at yung iba may mga asawa na. May mga bata at nandun din ang lola ni Keli. Lahat sila mga kamag anak ni Keli na nakatira sa lugar na yun. Salo salo kaming lahat. Nagkukwentuhan habang kumakain. Ang saya. Lahat kami tumatawa. Hindi ka mao-OP. Parang barkada lang. Tiningnan ko kung paano tumawa si Keli, ang saya saya niya. Pero.. bakit di niya ako pinakilala bilang boyfriend niya?..
"Nag-enjoy ka ba?" lumingon naman ako sa nagsalita.
"Bigla ka na lang umalis kanina. Iniwan mo ako, tuloy ininterview nila ako. Ang daming tanong pero.. masaya." nakangiti lang siya.
Ang mga ngiting yun. Maganda talaga ang mga ngiti niya. Noon pa man, kahit di pa siya nagbabago, maganda na talaga siyang ngumiti. :) Gustong gusto ko na nakikita siyang ngumingiti.
"Gusto mong magcomputer? Baka kasi nabobored ka na."
Bigla na lang tong pumasok sa isip ko.
"Gusto mo gawin natin yung mga ginagawa mo noon? Gaya ng.. mangisda." nakangiti kong sabi.
Nang bigla naman niya akong yakapin. "Tapos manghuhuli tayo ng mga alitaptap!" ang laki ng ngiti niya. :-[ Sobrang saya niya.
"Oo" hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng saya ngayon. Siguro masyado na akong masaya sa mga nangyayari.
Kinuha niya ang bike at pumunta kami dun sa may sapa. Natatawa nga ako kasi sa tuwing makakahuli kami, pinapakawalan din niya. Nakakaawa daw kasi ang mga isda.
"E diba kumakain ka naman ng isda?"
"Oo. Pero.. hayaan na natin ang mga tunay na mangingisda ang magkasala. :D"
At dahil katuwaan lang naman to, hinahayaan ko na lang siya. Cute nga e.
Tumingin ako sa orasan. 6 na. Medyo madilim na. Hinanap ko si Keli. Naglalakad lakad siya. Agad naman ako lumapit sa kanya. Nang bigla syang tumalon papunta dun sa may damuhan. Nawala sya sa paningin ko. Kaya bumaba din ako. Nakaupo si Keli ???
"Ano yan?" lalapit pa lang ako nang tumayo sya at naglahad ng kamay niya na nakatiklop ???
"Magwish ka." nakangiti sya.
Tiningnan ko lang sya. Tapos tumawa ako. Tawa na nang aasar.
"Hahaha! Naniniwala ka dyan?! Ano ba!" tawa lang ako ng tawa. Nakakatawa kasi parang syang bata. E 19 yrs old na sya!
Pero unti unting napawi ang mga ngiti niya. Tumahimik ako. Umupo uli sya habang nakatalikod sakin. Pinaglalaruan na naman niya yung mga alitaptap.
"Tama ka. Mga bata lang ang naniniwala sa mga wish thingy. Hindi naman talaga nagkakatotoo ang wish e. When I was in grade 6, I kept wishing one thing na alam ko na imposibleng magkatotoo." lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
30 Days with Mr. Playboy
RomanceYURI: The story of the popular guy in town, Andi Rivas. Him as the playboy, womanizer, and Casanova loved by everyone. Searching for the right girl, a mysterious girl came and declared her feelings towards him. This girl is so persistent to be his g...