Chapter 40

2.1K 24 0
                                    

 “Andi? Wow, it’s been a long time.. bakit napadito ka—“ agad kong sinarado ang pinto ng kwarto ko.

Nahiga ako sa kama.

Nandito ako ngayon sa bahay namin ni Niko. Dito muna ako since nandun si Keli sa condo ko. Bigla ko namang narinig na kumakalampag ang pinto ko.

“Terry wag dyan!!” hindi ko pa nga pala nababati si Terry. “Mukhang may problema si Andi e..”

Napaub-ob ako sa mga tuhod ko.

Hanggang ngayon ramdam ko pa rin yung sakit., at galit. Galit na galit ako na nagawa sakin ito ni Keli. Hindi ko matanggap na magagawa niya sakin ang mga bagay na ito kaya sobra akong nagagalit at mas pinili kong lumayo sa kanya. Lumayo sa kanya ang solusyon para makalimutan ko na lang ang lahat.

Naiinis ako sa sarili ko. Dahil nagpauto ako at nagtiwala na naman. Mahirap pala talagang ibigay ang tiwala sa iisang tao.. dahil sa huli masasaktan ka lang. Ang tanga tanga ko talaga.

Ang tanga ko na nagmahal na naman ako..

Hindi naman ako nagtagal sa bahay dahil back to school na ulit. Final exam na. hindi ako nakapag-aral pero hindi naman yun naging problema sa pagkuha ko sa exams. Yun nga lang medyo mahirap. Kaya kailangan kong bumawi bukas.

“Ang gwapo niya!”

“Sino kaya siya? parang familiar ang mukha.”

“Estudyante ba siya dito?”

“Kyaaaa~”

“Anthony!!!” napalingon naman ako sa tumawag sakin. Papunta na dapat kasi akong parking lot.

“Jared?” tapos makikita ko pa itong taong ito. Of all places bakit ang school ko. kaya pala.. ang ingay ng mga babae sa part na yun.

“Magkakilala sila ni Andi?”

“Ika nga nila ‘birds with the same feather, flock together”

“Kyaaaa~”

“I guess hindi tayo makakapag-usap ng maayos dito.”  Sabi niya habang nagpapacute. Ang gagong ito!

So in the end pumunta kami sa isang restaurant. Gutom na daw kasi siya. Kahit ayoko naman siyang makita pero kailangan.

“So anong gusto mong itanong.. tungkol ba it okay.. ahehm Keli.” Nakakairita talaga ang gagong ito. Uminom na lang ako ng tubig.

“O baka naman sa ex girlfriend mong si Katrina!—“ muntik ko ng mabuga sa kanya yung iniinom kong tubig. Todo ubo tuloy ako.

“Hahahha! I can’t believe it. Ikaw pa rin yung Anthony na kilala ko—“ hindi na ako nakapagpigil. Na-grab ko yung collar niya. Tiningnan ko siya ng masama.

Nakangiti siya pero seryoso yung mukha.

“Easy ka lang, dude!” binitawan ko naman siya.

Narinig ko pa na tumawa siya.

"Ano ba talagang relasyon mo kay Keli?" napatigil siya sa pagkain niya. At bigla na lang tumawa.

"You really jump to conclusion!! Hahahaha." sa totoo lang. May tama ba sa ulo ang gagong ito!?

Tumigil din naman siya nung makaramdam siyang seryoso ako.

"To tell you the truth, KAMI!" napatayo naman ako sa galit. Sinundan naman niya ng tawa.

30 Days with Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon