"Here. Look at this. This is me, my parents and my little brother." sabi nya habang ipinapakita sakin ang iba't ibang photo ng family niya sa photo album.
"Tama na yan. Heto na lang." sabi ko habang hinahawakan ang chin niya papalapit sa mukha ko.
At hinalkan ko sya.
Pagkauwi ko, hindi ko alam kung bakit. Pero bigla na lang akong napatingin sa orasan kahit na wala na naman akong gagawin. 8:05. Yan na ang oras. At bago ko malimutan, kanina pang 7. Nagsimula na ba yung theater na dapat panonoorin ni Chelsea? Pero.. Hihintayin ba nya talaga ako?
hayy.. baka naman. Nakaalis na yun. Wala naman sa mukha ng babaeng yun na makakapaghintay sya ng isang oras. ::)Pero di ko akalain na dadaan parin ako sa harap ng 7-eleven. Hindi naman papuntang 7-eleven ang papuntang bahay namin. Siguro dahil nagbabakasakali na rin ako.
Naglakad lakad ako sa harap ng 7-eleven at hinanap ang babaeng yun. 8:30 na. 1 hr at 30 mins.? Naghintay kaya talaga..—
"Ah." nagkatinginan kami. Teary eye na sya.
"Andi!" tumayo sya at tumingin sa mga mata ko. Tumungo tapos pinunasan ang mga luha nyang nagbabadyang pumatak. "I knew it, alam kong pupunta ka. Alam kong naniniwala ka sakin." ngumiti sya.
"Naghintay ka ba ng matagal?" umiling naman sya.
"No. Ayos lang ako. I'm used to it since highschool. Diba sinabi ko naman sayo.." shet. Mukhang nahuhulog na ako sa mga patibong nya. Hindi ko na malaman kung fake o real ba sya.
"Tara. Ihahatid na kita sa bahay--" pinigilan nya ang mga kamay kong hihigit sana sa mga kamay niya.
"Please, magdate muna tayo." sa sobrang cute nya sa mga sandaling to. Wala naman akong nagawa, kaya hindi narin ako nakatanggi.
Naglakad lakad kami. Masayang masaya naman sya. Ngumingiti na lang ako. "Hmm.. pwede ko bang hawakan ang kamay.." ako na mismo ang humawak sa kamay niya.
Nakakita naman kami ng catcher machine. Mukhang tuwang tuwa sya. Kaya naglaro ako para makuha yung stuff toy na gusto nya. Hindi naman ganon kahirap kunin yun.
Bumili kami ng ice cream. Magkaiba kami ng flavour kaya nagsusubuan kami ng ice cream. Masyado syang makulit. Pero sa tuwing tumatawa sya, napapangiti narin ako.
"Ang saya saya." sabi nya habang umiikot sa paglalakad. "Thanks, Andi." tumigil sya. At lumapit sakin.
She kissed me on my cheeks.
"No, it's not enough." hinawakan ko ang braso nya at hinalkan sya sa mga labi nya. Not a simple kiss. Hanggang sa naramdaman ko na lang na nakahawak na sya sa leeg ko.
BINABASA MO ANG
30 Days with Mr. Playboy
عاطفيةYURI: The story of the popular guy in town, Andi Rivas. Him as the playboy, womanizer, and Casanova loved by everyone. Searching for the right girl, a mysterious girl came and declared her feelings towards him. This girl is so persistent to be his g...