*laughters*
“Nanadyan na si mam!”
“Mam! Mam! Ano pong day na natin?”
“Kukwentuhan niyo po ba ulit kami?”
“Gusto na namin malaman ang sunod na nangyari!”
Sunod sunod ang mga tanong nila. Ang kukulit nila talaga. At ang iingay. Hindi mo aakalaing.. ang mga batang ito ay may mga sakit. Mga batang ng dahil sa sakit nila, naging tirahan na nila ang hospital.
“May bago tayong lesson. Dapat unahin natin—“
“Pero gusto na naming malaman ang nangyari sa main character!”
“Buhay ba siya?”
“Eh yung boyfriend niya? nagkatuluyan ba sila?”
“Masaya ba sila ngayon?”
Hindi ko mapigilan ang matawa. Lahat sila masyadong excited.. lahat sila gustong malaman ang nangyari. Ang kukulit talaga. Natutuwa rin ako na kahit papaano ay natutulungan ko sila.. Parang lang din silang mga karaniwang bata.
“O sige. Magkukwento na ako.” Naghiyawan sila. “Shh! Shh~ pero pagkatapos nito. Magkakameron tayo ng maikling pagsusulit.” Naghiyawan sila.
“GAME NA! GAME NA!”
At nagkwento nga ako ng nangyari 2 years ago.
Ibang klase ang sayang nararamdaman ko sa tuwing kinukwentuhan ko sila. Nakikinig talaga sila sa bawat sabihin ko. nagrereact. At nakakaramdam. Sa tuwing pinapanood ko sila.. bumabalik sa alaala ko nung mga panahong ako ang nasa sitwasyon nila. Ayokong.. isipin nila na nakakatakot ang kamatayan. Na hindi masaya mabuhay. Na hindi hadlang ang sakit nila.. para hindi sila mabuhay gaya ng mga karaniwang bata.
Gusto kong iparamdam sa mga batang ito.. ang hindi ko naramdaman noon..
*BLAG*
Natigil ang kwentuhan ng magbukas ang pinto.
“NURSE! ANG ANAK KO!~” agad akong tumayo.
At agad naman akong tumakbo. “Class! Behave, okay?”
Agad akong pumunta sa kwarto. At agad na inobserbahan ang pasyente.
“d-Dapat ko bang tawagin si doc?” umiling ako.
“Ako na hong bahala dito.”
I’ve been a nurse assistance for 6 months. At ang batang ito ang una kong naging pasyente. May.. sakit siya sa puso. At 1 linggo na lang ay surgery niya. nakakaawa dahil 10 years old lang ang batang ito. At hindi pa siya ganong nakakahalubilo sa ibang mga bata. Hindi siya ganong kaactive at madalas.. tahimik lang. madalas ko siyang kausapin at kwentuhan gaya din ng mga ibang bata sa tuwing pumupunta ako sa kwartong ito.. pero never siyang ngumiti..
BINABASA MO ANG
30 Days with Mr. Playboy
RomanceYURI: The story of the popular guy in town, Andi Rivas. Him as the playboy, womanizer, and Casanova loved by everyone. Searching for the right girl, a mysterious girl came and declared her feelings towards him. This girl is so persistent to be his g...