Nahihirapan syang magsalita. Mukhang kahit na anong oras bibigay na agad sya. Dapat tatawag na ako ng doctor-
"..ilayo mo ako dito.. please." may tumulong luha sa mga mata niya.
BLAG
Nagkatinginan kami.
"Keli!!!" tinulak niya ako at binuhat niya yung babae.
"Sandali, ano sa tingin mo ang ginagawa--" tiningnan niya ako. Mga tingin na parang sinasabing wag akong mangialam. Kaya nanghina ako. Nawalan ng karapatan.
Masyado akong nadala sa mga tingin ng lalaking yun. Hindi naman maangas ang dating niya. Pero.. parang takot na takot ako. Parang.. kilala ko ang mga tingin na yun. Tama. Nakita ko na ang mga tingin na yun ng isang beses.
Sino sya???
Mamaya maya dumating yung nurse. Hinayaan ko naman na yung dalwa na ang magpaliwanag.
Hindi ko alam kung bakit. Pero sa bahay ako dumiretso.
"arf.arf!" lumapit sakin si Terry at inabot abot ako. Agad kong hinanap si Niko—
"Oh pinsan. Nandito ka na agad?" tiningnan ko sya sa ulo hanggang paa.
"Niko. Diba malabo ang mata mo? Diba ayaw na ayaw mong nagsosoot ng contact lense? Di ka naman marunong pumorma diba? At lalong lalo na..-" bigla niyang pinat ang balikat ko.
"Ano bang nangyayari sayo pinsan? Diba nung minsang sinubukan mong baguhin ang pagkatao ko, hindi ba sumuko ka rin? Nerd ako. A geek. Baduy. Weirdo. Pero.. Matalino ako. Hindi ako magiging kagaya mo. Hindi ko kaya. At mas comfortable ako sa ganito. Kaya..
Are you contented?" speechless parin ako. Hanggang sa may tumunog na ilaw sa utak ko. Naalala ko na lahat.
"Yah. Yah. Yah. The nerd. Haha." sabi ko habang hinahaplos haplos si Terry.
Natatawa parin ako. Bakit ko naisip na si Niko yung lalaki kanina? Porke ba parehas silang makatingin noon. Sandali, isang beses lang naman nangyari kay Niko yun. Ang weird talaga minsan ng stinct ko.
"Sige labas muna ako." itinali ko naman si Terry.
At pagkalabas ko ng gate..
"Anthony Dee!!!" napalingon naman ako. :o
"b-Bakit nandito ka!? Paano mo nalaman ang bahay ko!?" at gaya parin ng dati. Ngumingiti parin sya ng masaya na parang walang naririnig ?
BINABASA MO ANG
30 Days with Mr. Playboy
RomanceYURI: The story of the popular guy in town, Andi Rivas. Him as the playboy, womanizer, and Casanova loved by everyone. Searching for the right girl, a mysterious girl came and declared her feelings towards him. This girl is so persistent to be his g...