Chapter 38

2.2K 23 0
                                    

Day 20

Napahawak ako sa ulo ko pagkabangon na pagkabangon ko. Bigla namang bumalik sa alaala ko yung panaginip ko. Sa panaginip ko, nasa paraiso daw ako. Nakahiga sa duyan habang nakayakap si Keli sakin at ginagawang unan ang kaliwang braso ko. Napakasaya ko.. at—

                            

“Aray..” may nahawakan naman ako sa noo ko. Isang smiley??

Alam ko.. na hindi yun ang unang pagkakataon na napanaginipan ko si Keli. Tama!.. palagi ko siyang napapanaginipan.. dahil palagi sa panaginip ko, sa huli may nangyayaring masama.

“Andi!!!” sinalubong niya ako sa kusina at binigyan ako ng sandwich.

Kakagat pa lang ako, “Gising na ba si Andi!?” nang muntik na akong mabilaukan nung marinig ko yung boses na naman nung dalwang magkatid na yun.

“Tara.” Bigla namang hinigit ni Keli ang kamay ko at tumakbo kami palabas.

Sumakay kami sa kotse ko at naisipan naming umalis muna ng bahay. Namili kami ng mga prutas. At dumaan sa isang flower shop.

“Goodmorning, Sir.” ngumiti naman ako habang si Keli ay agad agad na tumingin ng mga bulaklak. Sinundan ko siya.

“Waaah ang gaganda nila.”bawat bulaklak inaamoy niya.

“Ano ka ba! Wala namang amoy ang mga yan.  Kung gusto mo, sampaguita na lang bilhin natin. Ayun amoy santo pa.!” ang mga babae talaga. Bakit ba tuwang tuwa sila sa mga bulaklak.

Umalis na naman siya at parang may hinanap. Ako naman sunod ng sunod. Hanggang sa may bigla siyang tinigilan at umupo pa siya.

“Gustong gusto ko talaga ito..” tiningnan kong mabuti yung bulaklak na tinigilan niya.

“Ang bulaklak na yan..”

“Red Chrysanthemum. Ang kaunaunahang bulaklak na natanggap ko sa lalaking pinakamamahal ko.” napataas ako ng kilay. Ibig ba niyang sabihin yung first boyfriend niya? Ang drama naman niya.

“Gusto mo bang bilhin natin yan?” umiling naman siya.

“Hindi na kailangan.”

Bumalik naman kami at napansin namin ni Keli na dumami ang tao.

“Waaaah girls siya yung tinutukoy ko!” ( 0.0 ) sumulpot na lang bigla yung magkapatid at may kasama pa silang madaming mga babae na mukhang mga kaibigan nila.

“Ang cute niya.~”

Lumink naman sa magkabilang braso ko sila Joana at Lian. At sunod sunod na nagtanong ng kung anu ano yung mga kaibigan nila. Habang si Keli ay sumunod naman kay Jared >:|

Sabi ni Jared pupunta daw kami sa lawa para maglangoy. Ayos lang sana pero hindi ako tantanan ng mga kaibigan nila Joana at Lian. Para silang linta.. tapos si Keli hindi naman ako nilalapitan. Agggh!

30 Days with Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon