Chapter 16

2.5K 25 0
                                    

"Gaano mo ako kakilala Chelsea." nagbago agad ang reaction niya. This time, galit na sya.

"Gimme back that!" sinubukan niyang kunin ang flash drive. Pero lumapit ako sa mukha niya.

"Sino ka ba talaga Chelsea?" tinulak niya ako.

"Syempre, hindi mo ako kilala! Dahil kahit na kelan! Hindi nag eexist sa mundo mo ang kagaya ko!" ano? Wala akong nagets.

"You don't need to understand that. 3 years ago pa yun. At wala na akong pakealam. I just want a REVENGE, Anthony Dee Rivas!!!" galit na galit sya. "Nagtataka ako, bakit kahit ganyan ka. May mga nagmamahal parin sayo..

lalo na ang babaeng yun." ??? Ano ba talagang pinagsasabi niya.

"Gusto na kitang siraan Andi. Para malaman ng lahat na isa kang GEEK, WEIRD AT LOOSER NOON. Na pangit ka rin, gaya ng mga babaeng ayaw mo.

Pero bakit ganon, bakit kahit nireject mo na ang babaeng yun. Nagpaganda parin sya para sayo. Minamahal ka parin niya kahit alam niya Fake at User ka. At sinasabi parin niya sakin na 'gusto ka parin niyang maging boyfriend'. That damn girl, dapat syang mawala! Sinira niya ang mga plano ko!" tinapon niya ang phone niya.

At..

"Chelsea.. Yung babae na sinasabi mo.."

"Naikulong na namin. Paniguradong di na yun makakahinga..." nagkatinginan kami.

"What are you? You can't kill someone with that trick." agad naman akong tumakbo.

"Wait. Andi!"

"Wala akong pakealam kung masira ako, handa na ako dun noon pa. Ang ayoko lang, yung ginagago na ako, tapos malalaman ko pa. Pwede sa susunod Chelsea, galingan galingan mo naman ang paghihiganti sakin." iniwan ko na sya pagkasabi ko nun.

Agad akong sumakay ng elevator at pumunta sa kaninang room. At pagdating ko doon, saka ko lang natanto na lock nga pala..

Masyado akong nataranta.

"a-Andi!" agad naman akong lumingon. Sila!

"a-Anong ginagawa--" agad akong lumapit sa kanya.

"Ibigay mo sakin ang susi." agad naman niyang binigay.

Pagkabukas ko ng pinto, hindi ko inexpect na siya nga yung babaeng tinutukoy ni Chelsea. Nilapitan ko sya. Wala syang malay. Tinapik tapik ko ang mukha niya pero hindi sya magising. Kaya binuhat ko na sya. Sinamaan ko pa ng tingin yung dalwa.

Agad ko namang dinala sa infirmary yung babae. Kaso pagdating namin, nagkataon na wala pang nurse.

"Tumawag kayo ng nurse!!" agad naman silang tumakbo.

Nang..

"Please.. Ilayo mo ako dito.." hawak niya ang damit ko.

30 Days with Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon