Chapter 27

2.4K 25 0
                                    

10th Day

Ang sakit ng ulo ko. Wala akong maalala. Syet. Ang naaalala ko lang, nagdate kami ni Keli sa carnival. Sa ferris wheel.. tapos.. tapos.. >:( black! ALL BLACK! Wala talaga akong maalala. Nagtanong naman ako kay Niko kung bakit nasa bahay ako, pero pinagtripan niya lang ako.

Katatapos lang ng dalwa kong subject. Kaya kumakain na muna ako. Kinuha ko yung bagong sim na kabibili ko lang ngayong umaga, magpapalit na ako ng number. Nang makita ko naman sa bag ko yung susi na pinagawa ko para kay Keli. Nalimutan kong ibigay sa kanya. Agh.

"Hi, Andi!"

"Icheer kita huh!"

"Go Andi! Galingan mong magtable tennis!"

"Ang pogi niya talaga!"

Agh, ang mga babae. Paano nila nalamang mag-pi-P.E. ako ngayon? Pero diba dapat maging masaya ako, more girls mas happy! :-\

"Mr. Rivas! Good job! Tingnan mo umabot ka sa p.e. ngayong 3rd year. Ganyan siguro dahil once a month ka lang umattend!" sabi niya. "Magpasalamat ka at may matino ka pang utak. Puro pagpapagwapo kasi inaatupag!" pabulong niya.

"Kaya pala umuulan na naman ng mga kababaihan sa gymnasium ay dahil nagbalik ka! Buti na lang at ang favorite Sports mo ang lalaruin natin."

Umalis naman sya sa harap ko. At halos malaglag ang panga ko sa sobrang gulat. Ang pinakahate na sports para sakin, Tennis. Galing! At kung kelan umattend ako ng p.e. ito pa ang sports.

"Akala mo magaling kahit saan, pero may kahinaan din pala."

"Mukha syang tanga kanina."

Sabi ng ibang boys sa locker room. Kahit lahat ng girls love si Andi, lahat naman ng boys mortal enemy sya.

"Good job, Mr. Rivas!--" sabay harap ko sa nagsalita habang naghuhubad ako.

"Ms. Santos?"

"Mr. Rivas!"

"Ah! Mr. Salazar!"

"Ms. Santos, boy locker room to bakit ka nandito?"

"Ah onga pala!"

Nagtatakbo naman si Ms. Santos. Lagi syang pumapasok ng locker room tuwing nagpi-P.E. ako. At lagi pa niya akong tinatawag sa tuwing maghuhubad ako. (-.-) Ang weird.

"Pati teacher, malandi! Tsk!" sabi ni Mr. Salazar.

Hindi naman agad ako lumabas ng locker room. Wala lang. Gusto ko munang hintayin maubos ang lahat ng tao sa gym. Hanggang sa nakatulog pala ako..

'Andi' napatingin ako sa kanya. Nakatayo lang siya ng di kalayuan sakin. Nakangiti sya habang nakatingin lang ako at walang reaction. Naglakad ako papalapit sa kanya..

pero kahit anong bilis ng paglalakad ko, kahit tumakbo ako. Hindi ko sya maabot. ??? Napatingin ako sa mga paa ko.

'Andi!' tumingin ako sa kanya. Pero wala naman sya.

Hinanap ko siya. Pero kahit saan wala siya.

'Andi.' paglingon ko sa likod ko. 'Andi.' nasa harap ko siya. Sinubukan kong hawakan siya.. pero.. nawala siya..

"Andi? Andi!"

Tapos biglang nagblack..

"Andi!.."

"Ahh!" napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit kasi.

"P.E. niyo pala ngayon." napatingin ako sa nagsalita. thump.thump.thump. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Tinitigan ko siya at ngumiti naman siya. "Laro tayo!"

Sinubukan kong hawakan ang mukha niya, pero pinat ko na lang ang ulo niya. Hindi ko alam ang ginagawa ko. Feeling ko kasi gustong gusto ko syang makita, pero nung mahawakan ko siya, wala akong naramdaman. Parang may nalimutan akong mahalagang bagay tungkol sa kanya.

"Ano bang gingagawa mo dito?" tanong ko sa kanya ng bigla niya akong hilahin palabas ng locker room.

Binigyan niya ako ng raketa tapos bigla syang tumira.

"Ano ba!" sabi ko ng pagalit.

"Kalabanin mo ko, Andi." tumira naman ako ng walang kabuhay buhay pero tinamaan niya ng malakas ang bola pabalik sakin. Muntik na naman akong matamaan.

"Nananadya ka ba?" bigla naman niyang tinira yung isa pang bola.

"Pwes, galingan mo!" muntik na naman uli akong tamaan. Kaya naglaro na rin ako kahit na walang wala naman akong laban sa kanya.

Sa bawat pagkakamali ko, tumatawa siya :-[ alam ko namang mukha akong tanga. Oo na, tennis ang hinding hindi ko alam kung paano laruin.

"Tubig?" basta ko namang kinuha sa kamay niya yun. Tumabi siya sakin.

"Hanggang ngayon hindi ka parin magaling sa sports na favorite ko." napatingin ako sa kanya.

"May gusto kang bagay na ayaw na ayaw ng taong gusto mo!? Ha-ha. Ibang klase!" sabi ko ng sarcastic. "Sinundan mo na naman ako. Bakit ba gusto mo araw araw akong nakikita at nakakasama?" sabi ko ng inis.

"Noon, palagi kang pinagtatawanan sa tuwing magpi-P.E. ka nung highschool. Tapos pinagtatawanan ka parin hangganga ngayon dahil sa sports na yan. Why not try to to play this hateful sport?" may binigay siya sakin. Pagkabukas ko, tiningnan ko sya ng naaasar na tingin. Nakangiti lang siya.

"Sige na, subukan mo muna sa psp!" tumango na lang ako sabay abot sa kanya nung susi.

"Eto ay?.."

"Para di ka na maghintay pa sakin ng matagal." sabi ko ng namumula. Ngumiti naman siya. :-[

30 Days with Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon