Chapter 3

4.6K 61 0
                                    

Ang pag-ibig daw.. kapag naramdaman mo.. lalakas ang tibok ng puso mo. Bibilis ang tibok ng puso mo. Mamumula ka.. at..


ARGH! Ano ba tong naiisip ko. Naalala ko na naman yung sinabi sakin ni Niko. Ano bang pakealam ko. :-\ Pero.. sa pagkakakwento ni Niko sakin tungkol sa babaeng yun. Para bang naramdaman ko yung pain. Mahirap siguro kung ikaw ang nasa sitwasyon. Ang lala ng sakit niya. :( Sana yung mga ganon tao.. nabibigyan ng pagkakataon.

“Hi, Andi!” nagulat naman ako ng may lumink sakin. Ang linta!

“Oh Irene,” nilayo ko siya sakin. At ngumiti na lang ako para di halata.

Luka talaga siya. Di niya ba napapansin na sawa na ako sa kanya. Aist!!!

“Saan mo gusto pumunta ngayon? Madami pa tayong time, since.. mamayang 10 pa ang start ng class ko.” Nilikot naman niya yung dibdib ko. Kaya agad ko siyang nilayo.

“No! may class ako Irene, okay?” ngumiti na naman ako.

Agh. Kailangan ko na talagang mabawi kay Irene yung bracelet, I want Sabrina.

“Ano ba yan, ang weirdo.”

“Estudyante ba siya dito?”

Sa bulungang naririnig ko, hindi ko maiwasang macurios. Kahit matagal na panahon na rin akong hindi nakakaranas ng ganon. Pero.. sino nga ba ang tinutukoy nila?

“Ah.” Aba.. ang weird nga. Girl version ko noon. ???

At? Nakatingin siya sakin. Shet. Ayoko sa mga ganyan, kailangan kong umiwas. Tama, late na ako sa klase ko.

“ANDI RIVAS!!!” napatigil ako.

Nang bigla ko na lang siyang nakita sa harap ko. At..

“Andi Rivas, GUSTO KITA!!!” yumuko siya habang inaabot sakin yung love letter. Okay, sigurado naman kasi akong love letter yun. Ano to, sa ibang bansa. Adik ba tong babaeng to?!

Napansin ko naman na lahat ng tao nakatingin samin. Shet!

Ngiting ngiti pa siya. Pero infernes, ang ganda ng mga ngiti niya. Yung ngipin I mean. Hala ano ba tong iniisip ko. Dapat paalisin ko na ang babaeng to sa harap ko!

Tumalikod naman ako. Syempre, dedma na lang. kesa naman sa pahiyain ko pa siya. Ay, napahiya ko na pala siya sa lagay na yan.

“ANDI RIVAS! PLEASE BE MY BOYFRIEND!”  nanigas naman ako sa kinatatayuan ko.

Shet! Kahit ganyan ang itsura ko noon, hindi naman ganyan kakapal ang mukha ko. Sa sobra kong inis. Hinarap ko siya. Naiinis ako kasi ba naman, kahit ganyan ako noon, hindi naman ako ganyan pagnagkakagusto. Isipin naman niya yung pride niya.

Kaso napasobra ata ako ng sabihin ko ang mga katagang ito:

“Hindi ako pumapatol sa mga pangit!” agh. Agad na lumabas yan sa bibig ko. Kaya the next thing na ginawa ko, tumalikod muli. Still, nanonood parin ang mga tao samin.

“Kung gaganda ba ako, magiging gf mo na ako!?” napatigil na naman ako sa paglalakad.

Hinarap kong muli siya, “Adik ka ba!? Bahala ka sa buhay mo!?” this time. Binilisan ko na talaga ang paglalakad.

Hanggang sa pathway ng building, nakatingin parin yung mga tao. Ganito talaga ata ako kapopular. May nagvideo agad e. pambihira, kung magvivideo sila ng ganitong issue tungkol sakin, pwede bang wag na nilang ipasa sa mga kabarkada ko. :-[

“Lupet mo talaga tol!”

“Sa lahat ng chiks mo, eto na ata yung pinakahot. Mahaba ang palda. Hanggang tuhod. Nakalong sleeves, at nakaeye glasses na pagkabaduy baduy. Tsk tsk.”

“Hindi ko siya chiks!” inis kong binuhay ang phone ko. Eh ang dami na palang message.

“Pero, sa lahat ng pangit na nagconfess sayo. Siya yung pinakamakapal ang mukha!!!” nag apir naman sila sa isa’t isa. Agh! Kung alam lang nila nag anon din ang itsura ko noon. Tsk tsk!

Hindi naman ako ganito sisikat kung hindi ko natalo sa harap ng madaming tao ang pinakapopular noon, si Jared. Kahit siya pa an gang mas mayaman sa pagitan naming dalwa. Ako naman ang mas gumwapo at ang MATALINO 8)

“So anong balak mo? May Irene ka pa a.” napangiti naman ako.

“Nga pala, this 9pm. Niyaya ako ni Sabrina. Guess where! Sa hotel!!!” nag apir kaming lahat sa isa’t isa.

“Gago ka talaga tol!” nagsmirk lang ako.

“At mamaya din. Idedelete ko na si Irene sa listahan.” Sabay delete ko sa phone number niya sa phone ko. 8)

30 Days with Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon