Chapter 13 [Endearment]

94 2 0
                                    

Chapter 13

[Endearment]

CASSIE'S POV

11:30 PM. Hanggang ngayon gising pa rin kaming dalawa ni Via. Paano ba naman kasi ayaw niya ata talaga akong patulugin. Kanina ko pa naikwento sa kanya lahat ng nangyari nung nagkasama kami ni Dylan. As in lahat talaga simula pag-alis namin sa school hanggang sa maihatid niya na ako dito sa bahay. Fully detailed pa nga ang kwento ko pero di pa rin talaga siya kuntento.

Kung sabagay, di na rin nakakapagtaka. Eh si Via to eh. Ganito talaga siya. Di siya pumapayag na hindi kumpletong detalye ang ibibigay mo sa kanya. Hay.

"What did you felt when he kissed you? I mean, nung hinalikan ka niya sa NOO?" Nagulat ako sa tanong ni niya. Todo diin pa siya sa word na noo. Di kasi siya naniniwala na sa noo lang ako hinalikan ni Dylan. Haay. Heto na naman po siya. Di niya talaga ko tatantanan. Kapag sumasagot ako sa mga tanong niya, ang dami pang follow up questions. Dinaig pa ang interview.

Pero ano nga bang naramdaman ko nung ginawa ni Dylan yun?

My heart automatically skipped a beat when the scene flashed back in my mind. I knew then that it was a genuine gesture and I really appreciated what he did. It's not like that I love being kissed but for me it was the sweetest thing a guy did to me. Di ko mapigilang kiligin. Hanggang ngayon kinikilig parin talaga ko.

"Huy. Ano na? Natulala ka na naman." I snapped back from my reverie ng marinig ko ang sinabi ni Via.

"Ah.. Uhm. W-wala naman." Sagot ko nalang para di na siya mangulit pa. Pero siyempre di ganun si Via kaya mangungulit pa lalo siya.

"Anong wala? Pwede ba yun? Ano nga?" Makulit talaga.

"Basta sis. I can't explain eh. Di mo rin maiintindihan."

"Then enlighten me." Jeez. Di talaga siya susuko.

"Er.. sis ang hirap naman eh."

"Cassie." Mariin niyang sabi habang pinandidilatan pa ako ng mga mata.

"Okay fine. It felt different eh. Di ko ma-explain. Kinikilig ako na ewan basta. Ang alam ko lang masaya ko." Pag amin ko. Yun naman talaga yung naramdaman ko nung ginawa niya yun eh. Di ko rin kasi talaga inexpect na gagawin niya yun.

Akmang magtatanong pa sana si Via ng biglang mag ring ang phone ko. Literal na napanganga ako ng makita ko kung sino ang tumatawag.

Si Dylan. Ang boyfriend ko.

Agad naman akong tumayo para sagutin ang phone at sumenyas na rin ako kay Via na mamaya na kami magusap. Nag-shrug lang siya kaya sinagot ko na.

"Hello?"

["Hi princess."] OMG. Boses palang niya parang hihimatayin na ko. Grabe. Ganto ba talaga pag inlove? Jeez.

"H-hello. B-bakit ka napatawag?" Ugh! Eto na naman ang dila ko. Mauutal nalang ba ko palagi pag kausap ko siya?

["Wala lang. Namiss kita eh."] >////<

"Ah ganun ba? A-ako din." Jeeez. Umayos ka nga Cassie!

["Di na nga ako makapaghintay na mag umaga. Feeling ko di ako makakatulog sa sobrang excitement."]

Huh? Ano daw? Di ko na gets. -_-

"Huh? Bakit naman?"

["Wala.. Excited nga kasi akong makita ka."]

What the fudge?!?! OMG. Yung puso ko gumulong na ata sa sahig.

"Ahh.. Ha. Ha. Ha. Ganun ba?" Awkward kong sagot. Jeeez. Ano ba naman tong lalaking to. Ganito ba talaga siya ka-vocal?

Loving Mr. Heartbreaker [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon