Chapter 15
[Childhood Friend]
CASSIE'S POV
Di ko mapigilang di mapangiti habang tinititigan ang lalaki sa tabi ko. Ang gwapo niya talaga kahit saang anggulo ko tignan. He was busy driving while here I'am beside him, busy staring at his gorgeous face. Tinitignan ko palang siya kinikilig na ako.
I flinched when I heard him speak. "Hey, stop staring. You're distracting me." He said while his eyes are still on the road. I giggled at his reaction. Oh my. What is happening to me? I just can't stop staring at him.
"Princess, may problema ba sa hitsura ko?" This time nilingon na niya ko habang nakataas pa ang kilay.
"Wala naman. Actually you're really.. really h-handsome." I blushed after saying it but what really made heart skip a beat is when I saw him blushing too.
"Tss. I know. That's the reason kung bakit patay na patay ka sakin." He said while smirking.
I automatically rolled my eyes at him. Ugh! Seriously? Di pala magandang pinupuri tong lalaking to.
"Duh. Wag ka ngang feeling." He chuckled at my response.
"Bakit hindi ba?" Ay kita mo talaga tong lalaking to! Napaka!
"Wow ha. Kung di ko pa alam, ikaw tong patay na patay sakin." Nakakaloka. Patay na patay ako? Sa kanya? Well, kinda. But no! Ugh. Gulo ko din.
Hindi naman na siya sumagot kaya tinitigan ko nalang ulit siya. He was wearing their customized outfit for the contest. Bagay na bagay sa kanya yung fit na sandong black and the ripped jeans. May hikaw din siyang suot at mga bling blings. Naka-cap din siya ng black at naka-nike shoes na pang sayaw. I don't know what they call that shoes but I kinda like it because it can really attract attention.
Hininto niya ang kotse sa parking lot ng mall. Napatingin ako sa labas at nakita kong naghihintay na dito ang mga kaibigan namin. I mean the whole barkada, my friends and his friends. Agad akong bumaba ng makitang kumakaway na sila sa amin.
"Sis! Ang tagal niyo! Mawawalan na tayo ng pwesto nito eh." Sigaw ni Yla kaya nilingon ko si Dylan na kasalukuyang may inaayos pa sa loob ng sasakyan.
"Mahal kong prinsipe pakibilis naman po hinihintay na nila tayo."
Lumabas naman na siya agad daladala ang isang bag pack kaya naglakad na kami papunta kila Via.
Halos pare-pareho ng suot sila Brent, Drake, Drew, Karl, Kurt at Dylan. Lahat sila naka black na sando. Sila Brent at Karl ay nagkulay pa talaga ng buhok kaya mga blonde na silang dalawa ngayon. Ang popogi nilang lahat ngayon. No wonder kung bakit halos isumpa na kami ng mga babae sa school dahil lang kasama namin ang mga naggagwapuhang lalaking to.
Naramdaman ko ang pagyakap ni Dylan sa likod ko. "Hey you're smiling. What are you thinking?" He whispered behind my ears. Jeez. Tumayo ata lahat ng balahibo ko sa ginawa niya.
"Wala. Ang cute niyo kasing tignan."
Natawa naman siya sa sagot ko saka ako hinila papasok ng mall. Sumunod na rin naman silang lahat sa amin kaya sabay sabay na kaming pumunta sa paggaganapan ng contest. Haay. Pati dito sa mall pinagtitinginan kami.
Pagkarating namin sa venue ay pumunta na kami dun sa likod ng stage kung saan may kanya kanyang area yung mga kasali sa contest. Nang papalapit na kami sa area ay nagulat ako nang biglang mapahinto si Dylan sa paglalakad at humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Anong problema?" Bulong ko sa kanya ng mapansin kong na-tense siya sa tabi ko.
Hindi siya sumagot pero nagulat ako ng bigla niya ako yakapin ng mahigpit. Sobrang higpit kaya napaisip lalo ako kung anong meron.
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Heartbreaker [ON-GOING]
Teen FictionWhat if you loved someone who keeps on breaking your heart? Would you give up and let go? Or would you fight for him and teach him how to love you back? Cassie Blair Angeles. 16 years old and a 4th year High School student in West Minister High. Ma...