Chapter 16 [Stolen Kisses]

93 3 1
                                    

Chapter 16
[Stolen Kisses]

VIA'S POV

"Ugh! Nakakainisss!!!" Bulong ko sa sarili ko. Kanina pa kasi ako nakatayo dito sa labas ng mall pero hanggang ngayon wala pa rin akong nahahanap na taxi.

"Argh. Kung bakit ba naman kasi nakalimutan kong magpasundo eh."

Wala na akong pakialam kung mukha na kong baliw dito dahil kanina ko pa kinakausap ang sarili ko. Basta gusto ko lang talaga mailabas ang inis ko. Hays!


Nakakainis na buhay naman to oh.

I forgot na hindi pala kami sabay ni Cass na uuwi ngayon dahil ang boyfriend niya ang maghahatid sa kanya. At isa pa, bigla nalang din kasing nawala si Cass kanina nung natapos yung contest kaya di na rin ako nakapagsabi sa kanya. Haaay. Wala tuloy akong masakyan ngayon.


T____T

Nauna na ring umuwi si Krystal at Yla dahil magkalapit lang naman ang bahay ng magpinsang yun. Kaya heto, ako nalang ang nandito at naghihintay ng masasakyan. Hays! Ang tanga mo talaga Via!

Pati yung driver namin di na rin sumasagot sa mga tawag ko. Siguro tulog na rin si Manong Ben ngayon. Pasado alas dos na kasi ng madaling araw.


Ilang minuto pa ang lumipas ay unti-unti na kong nakakaramdam ng takot kaya naisipan ko ng tawagan nalang si Cassie.

Baka sakaling di pa sila nakakarating sa bahay nila at pwede pa nila akong balikan dito.

Kukunin ko na sana ang cellphone ko sa loob ng bag ng biglang....

*BEEEEP! BEEEEEP!*

"Put@#$/^&*%na!!!" Sigaw ko.

Bwisit!! Muntik na kong himatayin sa gulat! Sino ba tong lecheng to?! Kung makabusina wagas eh wala namang nakaharang sa dadaanan niya!

Lumapit ako sa tabi ng sasakyan at akmang kakatok na sana sa bintana nito nang biglang kusang bumaba ang bintana nito.


O_____O

Dahil sa pagkakabukas ng bintana, kitang kita ko ang mala-anghel na mukha ng taong nakaupo sa may driver seat ng sasakyan.

"Hi Miss beautiful! May hinihintay ka ba?" Sabi ng lalaking mala-anghel na nasa harap ko.

Kikiligin na sana ako ng bigla akong may narealize....

T-teka? Parang kilala ko ang boses na yun ah?

Lumapit pa ako ng kaunti at tinitigang mabuti ang lalaki sa loob ng sasakyan.

"BRENT?!?"

"Easy. Ang lakas ng boses mo Viababes. Alam ko namang nakakabigla ang kagwapuhan ko pero kalma ka lang." Sabi nito ng nakangiti.

Muntik ko na siyang masapak ng mapagtanto ko ang mga sinabi niya. Leche! Puring puri ko pa naman kanina tapos si Brent lang pala. Hays! Nawala sa isip ko na nagpakulay nga pala siya ng buhok.

"Ang kapal mo rin ano? Matapos mo akong gulatin kanina, ngayon naman sisirain mo lalo ang araw ko dahil sa kahanginan mo." Sita ko sa kanya. Ang yabang eh.

Pero dahil bwisit talaga siya, ang walangya tinawanan pa ko! Aba! Bwisit talaga.

"Totoo naman kasing gwapong gwapo ka sakin eh. Bakit ba ayaw mo pang aminin Viababes?" Sabi niya sakin habang tinataas taas pa ang dalawang kilay niya.

Loving Mr. Heartbreaker [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon