Chapter 7 [Awkward]

269 9 0
                                    

Chapter 7

[Awkward]

DYLAN'S POV

Badtrip. Nababadtrip talaga ko sa lahat ng nangyari ngayong araw. Di naman sa apektado ako sa ginawang panloloko ng lalaking yun kay Cassie pero.... Shit lang! Apektado talaga ko! D-amn! Binasted ako ni Cassie para sa tarantadong yun tapos ganun lang gagawin niya? Tss. Napaka-walang kwenta. Nakaka-g-ago.

"Bro, magsalita ka naman. Kanina ka pa tahimik diyan eh." Pansin sa akin ni Drew.

Tsk. Ganto lang talaga ko pag badtrip ako. Ayokong magsalita, baka kung ano pang masabi ko eh.

"Drew, hayaan mo na si boss. Nag-iisip kasi siya kung paano niya sisimulang ligawan ulit si Cassie." Sabat naman ni Brent.

"Lul." Sabi ko nalang.

Medyo tama naman kasi si Brent. Iniisip ko din kasi kung liligawan ko ba ulit si Cassie o hahayaan ko nalang na ganito kami.

"Tigilan niyo na yan. Mag-bar nalang tayo." Sabi naman ni Drake.

"Anong bar pinagsasabi mo Drake? Exams na natin next week." Sabi naman ni Kurt.

"Oo nga Drake. Wag kang BI baka pumayag kami. Hahaha!" Biro naman ni Brent.

Wala kasing magawa dito sa tambayan kaya ganyan yang mga yan. Nakakatamad na din kasing mag-review. Puro review ginagawa namin kapag kasama namin sila Cassie. Nakakahiya naman kasi, baka sabihin nila mga walang kwentang studyante kami.

Nagkanya-kanyang laro nalang sila dito sa tambayan para di mainip. Ako nalang yata ang walang ginagawa. Tss. Tinatamad kasi talaga ko. Nakakatamad.

"Uwi na ko." Paalam ko sa kanila.

Nakita ko lang silang napatingin sa akin bago ako tuluyang lumabas ng tambayan. Wala talaga ako sa mood.

Habang nagdadrive pauwi, may nadaanan akong lalaking pasakay sa sasakyan niya. Tss. Si Brylle. Sa kagustuhan kong makaganti sa ugok na yun, sinundan ko siya. Sinundan ko lang siya hanggang sa huminto siya sa harap ng isang pamilyar na bahay. Teka? Parang pamilyar tong bahay na to...

Shit! Nasa labas kami ng bahay nila Cassie! Bakit di ko napansin? Fvck. Malamang dito siya pupunta.

Ipinarada ko sa di kalayuan ang sasakyan ko. Mahirap na, baka may makakita pa sa akin. Tsk. Ang kapal talaga ng mukha nitong mokong na to! Pumunta pa talaga dito kila Cassie. >__>

Maya-maya lang lumabas na si Cassie. Damn. Bakit kinabahan ako bigla?

Nakita ko pa lang siya kinakabahan na ako? Pero teka? Bakit ba ko kinakabahan? =___=

Tsk! Sabagay sino bang hindi kakabahan sa ginagawa ko? This is insane! Nakakahiya kapag nalaman ni Cassie na sinusundan ko yung ugok niyang ex-boyfriend.

Pinanuod ko lang silang mag-away. Ewan ko kung nag-aaway ba sila. Pero tingin ko oo eh. Sinampal pa nga ni Cassie si Brylle. Tsk! You deserve that asshole! Puro ka kasi yabang. Tss. Pero subukan lang talaga niyang saktan o gantihan si Cassie, manghihiram talaga siya ng mukha sa aso ngayon. Tsk.

Nung makaalis na yung ugok, umalis na rin ako.

It's not that I'am happy because of what happened to them but I felt somewhat relieved.

Dumiretso ako sa kwarto ko pagkauwi ko ng bahay. Kakain sana ako kaso wala akong gana. Nag log-in nalang ako sa Facebook para maglibang.

550 Friend Requests

205 Messages

187 Notifications

Tss. Puro mga babae na naman. Naiirita talaga ko sa mga fan girls ng WestXCrew. Ang kukulit kasi, gustong-gustong makipaglandian. Pag pinatulan mo naman sila, iiyak sa huli. Tss.

Loving Mr. Heartbreaker [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon