Chapter 6
[Single]
KRYSTAL'S POV
Uwian. Nagkasundo ang buong barkada na ihahatid namin pauwi si Cassie. Yung barkadang tinutukoy ko ay kasama na ang grupo nila Dylan dahil isang buong barkada na kami ngayon.
Naglalakad na kami papuntang parking lot. Di na kasi kami nagpasundo dahil sasakyan nalang daw nila Dylan ang gagamitin namin. Kanina pa kami tahimik, di kasi namin alam kung anong sasabihin. Naaawa ako sa bestfriend namin. Sabi ko na nga ba eh, sasaktan lang siya ng Brylle na yun. Simula pa lang ng relasyon nila wala na akong tiwala sa lalaking yun.
Di na umiiyak si Cassie pero ramdam namin na nasasaktan siya. Kahit na tinatanggi niya kapag tinatanong namin siya, alam namin na nasasaktan siya.
"Guys sigurado ba kayong ihahatid niyo pa ko? Okay lang naman ako eh. Wala naman akong sakit." Sabi bigla ni Cassie kaya napahinto at napatingin kaming lahat sa kanya.
"Oo nga Cass, paulit-ulit? Kahit anong sabihin mo ihahatid ka pa din namin." Sagot naman ni Yla.
Napabuntong hininga nalang si Cass. Makulit kasi eh. Akala siguro niya makukumbinsi niya kami.
Pagkarating namin sa kanila pinilit niya pa kaming papasukin pero tumanggi kami. Gusto kasi namin na makapag-pahinga na siya. Alam din naman namin na gusto talaga niyang mapag-isa. Mahirap kayang magpanggap na okay sa harap ng ibang tao.
Nandito kami ngayon sa gate nila para magpaalam kay Cassie.
"Sigurado ba kayong ayaw niyo munang pumasok? Magpapahanda ako ng meryenda kay Yaya Ana." Sabi samin ni Cassie.
"Di na sis. Okay lang kami. Uuwi na rin naman kami eh. Magpahinga ka nalang." Sabi ko kay Cassie. Makulit kasi eh. Kanina pa siya alok ng alok.
"Oo nga sis. Magpahinga ka na lang." Sabi din ni Yla.
"Cass, sa bahay na muna ako matutulog ngayon ah. Tinawagan kasi ako ni Mama kanina, darating daw sila lolo kaya may dinner kami." Sabi naman ni Via kay Cass.
"Ay ganun ba. Sige okay lang. Text niyo nalang ako ah. Salamat talaga sa paghatid. Salamat din sa inyo Dylan." Sagot naman ni Cass.
"A...ah. Wala yun. Sige una na kami." Sagot naman ni Dylan.
"Sige sis. Magpahinga ka na. Bye." Paalam na namin sa kanya.
Pagkapasok na pagkapasok ni Cassie, umalis na din kami. Si Via naman ay pumasok na din sa bahay nila. Di naman pala totoong may dinner sila ng family niya. Gusto lang daw niyang bigyan ng time para mapag-isa si Cassie.
Tama na rin siguro yun para makapag-emote yung babaeng yun. Haist! Naiinis talaga ko sa Brylle na yun! Wag lang talaga siyang magpapakita sa akin.
Inihatid na muna kami nila Dylan bago sila pumunta sa tambayan nila. Magkapitbahay lang din kasi kami ni Yla. Habang nasa byahe, nakikinig kami sa usapan nila.
"Kyle ano? Banatan na ba natin yung ugok na yun ah?" Biglang tanong ni Drake kay Dylan. Si Dylan at yung Kyle na pinaguusapan namin dati ng girls ay iisa. :)
"Tss." Yun lang ang sagot ni Dylan. Hmm, bakit kaya?
"Oo nga Kyle, sinaktan yung babaeng pinaka-mamahal mo oh. Wala ka bang gagawin?" Pabirong sabi ni Brent.
"Lul. Manahimik ka. Ikaw kaya banatan ko?" Sagot naman ni Dylan. Mukha siyang naiinis pero bakit parang nag-blush siya? Haha! Parang may nasesense ako ah.
"Sus. Kunwari ka pa. Gustong gusto mo lang yung nangyari eh. Mawawalan ka na ng kaagaw." Sabi ulit ni Brent.
"Fvck you. Di ka ba mananahimik?" Sabi ni Dylan kay Brent.
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Heartbreaker [ON-GOING]
Novela JuvenilWhat if you loved someone who keeps on breaking your heart? Would you give up and let go? Or would you fight for him and teach him how to love you back? Cassie Blair Angeles. 16 years old and a 4th year High School student in West Minister High. Ma...