Chapter 1
[First Meeting]
CASSIE'S POV
"CAAAASSSSIIIIEEE!"
Napabalikwas ako sa narinig kong sigaw. Tsk. Ano ba naman yan. Ang aga-aga sumisigaw, tinalo pa yung lakas ng alarm clock ko eh. Teka? Wala naman akong alarm clock ah?
"Cass! Jusko! Bumangon ka na dyaaan! Anong petsa na late na naman tayo!"
Hala! Oo nga pala! Lunes ngayon at may flag ceremony kami. OMG! Bakit ko nakalimutan yun!? Officer pa naman ako. T____T
"Bakit ngayon mo lang ako ginising Via! Nakuuuu! Late na tayo! Bilisan mo na."
"Excuse me Cass, kanina pa po kaya ako ready. Ikaw lang ang hinihintay ko eh. Kanina pa kasi kita ginigising dyan. Puro ka saglit lang. Tsk."
"Eh? Luh! Ano ba yan! Bakit pa kasi ako nagpuyat eh!" T___T Sagot ko sa kanya habang inaayos na ang sarili ko. Kung bakit ba naman kasi ako nagpuyat eh. Haaaays. Patay na naman ako neto eh. Ang sungit pa naman ni Mrs. Santos. Ako pa naman yung naka-assign na manghuli ng mga late tapos late din pala ko. Huhuhu. T__T
Anyway, I'm Cassie Blair Angeles. 16 years old and a 4th year High School student at West Minister High. Isa lang naman akong typical na High School student. Di ako ganun katalino pero honor student naman ako. Isa rin ako sa mga trusted officers ng School Government Council namin. Basta! Nag-aaral ako ng mabuti. :)
Lovelife? Madami ako nyan. Joke. May boyfriend ako. He's Brylle Andrei Tiu. Classmate ko siya at napaka-pasaway niyaa. Ewan ko ba kung bakit ko siya naging boyfriend. Basta transferee siya nun tapos nanligaw siya then sinagot ko siya kaya ayun. Kami na. Hahaha! Di ko alam kung seryoso kami.
Ito palang babaeng kasama ko, she's Vianca De Guzman. Isa siya sa mga baliw kong bestfriends. Haha! Apat kaming magkakaibigan, the other two are Krystal and Yla. I love them so much kahit mga baliw silang kasama. Masaya naman ako sa buhay ko, not until I met this guy. Makikilala niyo din siya.
"Eh Cass, bakit ka nga pala napuyat ah?" Tanong ni Via sakin habang naglalakad na kami papunta sa Gymnasium ng school. Buti nalang di kami napansin ni Mrs. Santos, kundi patay talaga kami.
"Ah eh, Via, remember this guy na kinikwento ko sa inyo nila Yla?" Tanong ko sa kanya.
"Uhm, yeah. Dylan right? Why? Anong meron sa kanya?" Sagot naman niya.
"Siya yung dahilan ng pagkapuyat ko." Sabi ko habang nagkakamot ng bangs ko. Haays. Ka-stress eh.
"Hala? Ikaw ah! Lumalandi ka na naman. Hoy te! May boyfriend ka na. Tumigil tigil ka dyan!"
"Ewan ko sayo! Di pa nga ko tapos mag-kwento. Tssss. Wag na nga lang!"
Inunahan ko na siyang maglakad. Nakakainis kasi. Ang ingay-ingay. Mamaya sabihin ng mga schoolmates ko lumalandi nga ako. Haaaays. Di naman ako yung malandi eh kundi yung lalaking yun. Juskoooo. Nagpapalandi naman ako. Nakaka-stress talaga!
"Hey sissies! Andyan na pala kayo. Akala namin di na kayo papasok eh." Sabi ni Yla, isa sa mga bestfriends ko. Andito na sila ni Krystal at ng iba pa naming classmates sa Gymnasium. Sa bahay kasi natutulog si Via kaya sabay kaming pumapasok. Ewan ko ba, may sarili namang bahay yung babaeng yun pero gustong gusto niya sa bahay namin. Ayan tuloy pag late ako, late din siya. Okay na din atleast may karamay ako. Haha!
"Oy Yla! Anong akala mo samin mga tamad? Di kami umaabsent no." Sabi ko nalang.
"Hahahahaha! Wala naman kaming sinabing tamad kayo eh. Ikaw talaga Cass." Sabi naman ni Krystal.
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Heartbreaker [ON-GOING]
Novela JuvenilWhat if you loved someone who keeps on breaking your heart? Would you give up and let go? Or would you fight for him and teach him how to love you back? Cassie Blair Angeles. 16 years old and a 4th year High School student in West Minister High. Ma...