Special Update [Meeting My Characters]

341 12 0
                                    

SPECIAL UPDATE

[Meeting My Characters]

AUTHOR'S POV

The Girls

Cassie Blair Angeles [The Book Princess]

16. Eldest daughter of Cassandra and Brian Angeles. Tahimik pero minsan kalog. Isa siya sa mga trusted SGC officers ng West Minister High at member ng West Minister Sessionistas. Consistent honor student din siya sa school nila. Maganda, Mahiyain, Matalino, Sweet, Certified Bookworm, Masayang kasama at higit sa lahat isang mabuting kaibigan. Siya ang pinaka-matino sa kanilang magkakaibigan. Mahal na mahal niya ang mga kaibigan niya at kapatid na ang turing niya sa mga ito. Mahal na mahal din naman siya ng mga kaibigan niya. Nagkaka-boyfriend siya pero bihira siyang ma-inlove. Pero kahit bihira, sobra-sobra naman siya kung ma-inlove.

Vianca De Guzman [The Fiery Babe]

16. Isa sa mga bestfriends at kababata ni Cassie. Nag-iisang anak pero di spoiled. Siya ang pinaka-close kay Cassie dahil mas lagi siya nitong nakakasama. Siya ang Class President ng section nila at siya rin ang captain ng Girls Volleyball team ng school nila. Matapang, Palaban, Mataray pero Mabait. Di siya papatalo at ayaw niyang nasasaktan ang mga kaibigan niya. Madami siyang crushes pero NBSB siya. Di siya man-hater, ayaw lang talaga niyang matulad sa mga bestfriends niyang nasaktan sa past relationships nila.

Krystal Lane Salvador [The Hot Chic]

16. Isa din sa mga bestfriends ni Cassie. Nag-iisang babae sa tatlong magkakapatid. Siya ang Cheerleader ng West Minister Cheering Squad at isa siya sa mga Campus Sweethearts. Maganda, Sexy, Maarte pero Mabait. Siya ang adviser ng mga bestfriends niya pagdating sa mga problema. Mahal na mahal niya ang mga ito. Maraming nagkakagusto at naghahabol kay Krystal pero isa palang ang nagiging boyfriend niya.

Yla Ferizia Gonzales [The Playgirl]

16. Isa din sa mga bestfriends ni Cassie at pinsan siya ni Krystal. Take note, her name is pronounced as Ayla. Nag-iisang anak kaya spoiled. Siya ang pinaka-pasaway sa kanilang apat. Member siya ng West Minister Cheering Squad at madalas na pambato ng batch nila sa mga beauty contest. Maganda silang lahat pero mas makapal lang talaga ang mukha ni Yla kaya siya ang laging panlaban. Mabait, Maingay, Kalog, Flirt and she loves playing with boys. Never siyang nag-seryoso. Nasaktan na kasi siya dati kaya ayaw na niyang masaktan uli.

The Boys

Dylan Kyle Montinola [Mr. Heartbreaker]

18. Eldest son of Edison and Mary Montinola. Isa sa mga pasaway at kinatatakutang estudyante sa West Minister High. Certified Heartbreaker. Hindi siya playboy at timer pero maraming umiiyak na babae dahil sa kanya. Member siya ng West Xcrew at siya ang Captain ng Basketball Team ng school nila. Siya din ang tinuturing na leader ng barkada kaya siya lagi ang nasusunod. Gwapo, Mabait pero masamang magalit, Suplado, Bossy, Mayabang, Maangas pero mabuti at maaasahang kaibigan. Madaming nagkakagusto at naghahabol sa kanya dahil sa magaling siyang sumayaw at MVP pa. Never siyang nagseryoso sa mga nagiging girlfriends niya. Madalas trip lang niya.

Drew Jaze Montemayor [The Cassanova]

18. Ang certified babaero ng grupo. Palibhasa gwapo kaya habulin ng babae. Para lang siyang nagpapalit ng damit kung magpalit ng mga nagiging girlfriends niya. Para sa kanya laruan at past time lang ang mga girls at di dapat siniseryoso. Member din siya ng West XCrew at ng Basketball team ng school nila. Mahilig siya sa away at madalas na dahil sa mga kalokohan niya kaya napapa-away ang grupo nila.

Brent Alexander Tan [Funny Guy]

18. Ang joker ng barkada. Gwapo, Palabiro, Palatawa, Mapang-asar, Maingay at masayang kasama. Happy-go-lucky kung baga. Dinadaan lang niya lahat sa tawa at biro. Siya ang madalas na kasama ni Dylan dahil magpinsan sila. Member din ng WXCrew at Basketball team. Never pa siyang nagka-girlfriend dahil sobrang torpe niya. Siya ang pinaka-maingay sa kanila pero napipipi naman sa harap ng babaeng gusto niya. Minsan nga siya na ang nililigawan dahil sa sobrang torpe niya.

Karl Steven Santos [Baby Boy]

16. Ang pinaka-bata at ang bunso ng barkada. Baby boy ang asar sa kanya kasi may pagka-mama's boy siya. Takot siya sa nanay niya kaya minsan di siya nakakasama sa mga gimik ng barkada. Siya din ang paboritong asarin, pagtripan at utusan ng barkada. Para sa kanya mga kuya niya ang mga ito kaya sinusunod niya. Cute, Sweet, Friendly pero Pasaway. Member din ng WXCrew at Basketball team. Nagkaka-girlfriend pero palaging iniiwan at naloloko.

Drake Clarence Zamora [Mr. Arrogant]

18. Ang pinaka-mayabang sa grupo. Madami din siyang nakaka-away dahil sa maangas niyang look. Pero mabait naman siya. Mahangin lang talaga. Habulin din siya ng mga babae pero madalas natuturn-off ang mga ito dahil sa kayabangan niya. Member din ng WXCrew at Basketball team. Siga pero mabait. Never din siyang nang-iwan ng kaibigan sa ere. Para sa kanya mas importante ang kaibigan niya kesa sa pamilya niya. Bihira siyang manligaw, mas gusto niyang siya ang nililigawan.

Kurt Liam Fortaleza [Nice Guy]

17. Ang pinaka-mabait sa barkada. Di siya ang pinaka-matanda pero kuya siya kung ituring ng mga kaibigan niya. Siya ang pinaka-matino sa kanila. Siya ang taga-advice, taga-pangaral at taga-sermon sa mga kaibigan niya. Matured na siya kung mag-isip. Minsan pasaway din pero matalino. Siya din ang pinaka-matalino sa kanilang lahat. Tahimik, Misteryoso, Mabait, Maaasahan at Mabuting kaibigan. Misteryoso din ang lovelife niya.

****

A/N: Ayan Guys! Naipakilala ko na silang lahat. Ano kaya ang mangyayari kapag nagkasama-sama at naging isang buong barkada ang grupo nila Cassie at Dylan? Paano kaya nila pakikisamahan ang isa't-isa? Magkasundo kaya sila kahit na malaki ang pagkakaiba sa mga personality at pag-uugali nila? May magkaka-inlove-an kaya?? :)

Their pictures on the side!! -------------->

Keep on reading guys! Vote and Comment! Thank you so much! xoxo:*

Loving Mr. Heartbreaker [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon