Chapter 10 [The Unexpected]

198 9 1
                                    

Chapter 10

[The Unexpected]

DYLAN'S POV

"Grabe boss, ang tindi mo! Akalain mo nasabi mong girlfriend mo si Cassie sa harap ng maraming tao." Sabi na naman ni Brent.

Andito kami ngayon sa tambayan. Pagkatapos ng klase inabangan namin yung ugok saka yung barkada niyang mayayabang pero hindi namin sila nakita. Tss. Sabi na eh, puro yabang lang, mga takot naman. Dumiretso nalang kami dito para sana magrelax pero mukhang di naman ako makakapag-relax.

Kanina pa kasi paulit-ulit yang mokong na yan. Tsk! Bwisit! Am I too impulsive?

Di ko alam kung anong mararamdaman ko kapag naiisip ko yung ginawa ko kanina. Inaasahan kong magagalit si Cassie dahil sa ginawa ko pero bakit ganun? Parang nagulat lang siya eh. Di man lang nagsalita. -_____-

"Di lang yun bro, sa harap pa nung ugok na ex!" Bira naman ni Drew.

"Onga tikas ni boss. Paraparaan eh." - Drake

"Grabe, idol." - Karl

-____-

Tuwang tuwa pa sila. Di ata nila naiisip na baka galit na sakin yun si Cassie. D-amn.

Bakit ko ba kasi ginawa yun? Sa sobrang inis ko sa ugok na yun nasabi ko yun. >__<

Si Cassie naman hindi tumanggi. Akala tuloy talaga nung iba kami na. Tss.

Pero bakit nga kaya di nag-react yun?

Well, maybe she likes the idea of having me as a boyfriend.

Di ko maiwasang mapangiti sa iniisip ko. Ang bading pero natuwa ako sa ginawa ko. Di ko lang talaga masabi sa mga kaibigan ko eh.

"Tingin niyo kami na?" Tanong ko. Ayoko naman kasing isipin na kami na. Mamaya umasa lang ako.

"Malamang boss! Ang hina mo talaga!" Sigaw ni Brent sa akin kaya tinitigan ko siya ng masama. Malakas na loob nitong mokong na to eh.

"Ginagago mo ba ko?"

"Hehehe. Di boss. Sabi ko nga eh kayo na. Hehe." Sagot niya. Tss.

"HAHAHAHAHA!"

"Parang tanga kase!"

Nagtawanan na silang lahat pero ako iniisip ko pa din kung anong gagawin ko.

Kelangan maging kami na ni Cassie.

Lalo na ngayong narealize ko na hindi ko lang siya basta trip.

I like her.

I want her to be mine.

Kaso nahihiya ako sa kanya. Fvck. Ngayon lang ako natorpe pagdating sa babae. >__<

"Kyle ano bang nararamdaman mo para kay Cassie?" Nagulat ako sa tanong ni Kurt. That was unexpected. Ayoko pang sabihin kasi di pa ako ganun kasigurado. Oo gusto ko siya pero di ko alam kung ano ba talagang gusto ko sa kanya. Fvck. Ang gulo.

"Huh?"

"Seryoso ka ba sa kanya o trip mo lang?" Medyo naiirita na ko sa mga tanong niya. Tss.

"Bakit? Ano bang paki mo?" Sagot ko rito.

"Wala naman. Ayoko lang siyang masaktan. Kawawa naman yung tao."

Napatayo ako sa sagot niya. Kiniwelyuhan ko siya at tinitigan sa mga mata.

"Bakit Fortaleza? Ano naman sayo kung masaktan siya? Tataluhin mo na ba ko?" Tanong ko ng may halong pagbabanta. Ang ayoko sa lahat yung pinakikialaman ako.

Loving Mr. Heartbreaker [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon